III. I'm officially missing you

238 13 2
                                    

Kanina pa sya nakatingin sa search bar ng youtube. Di sya sure kung ano o sino ang hahanapin nya, nagdadalawang isip din baka pagsisihan nya ang gagawin.

"Miss Aki! huy po!"

Nagulat sya sa tawag ni Jen.

"Hala kanina pa dw po tumatawag mama nyo, di po kayo sumasagot"

Tiningnan nya ang phone. 7 missed calls.

"Nag message na lang po sa akin pinapatanong po kung uwi kayo this weekend"

"Yes Jen pakisabi uwi ako"

Maghapon syang subsob sa trabaho maraming revisions sa blueprint yung mga client nila. May meeting sya sa mga partners nyang engineer at architect. Maliit lang na construction firm lang ang YPS Construction, usually ang kumukuha lang sila ng client through word of mouth. Baguhan pa din silang 3 pagdating sa construction business. Si Jasmin Yen an architect at friend of friends nya at ang hired engineer nya na si Red Salas. Na convince nya yung dalawa na mag invest na din sa business so nakapangalan sa kanilang tatlo ang firm.

Nasa meeting sya nung tumunog ang phone. Tumawag sa kanya si Sam.

"Excuse me guys sagutin ko lang to"
Nagkatinginan lang yung dalawa. Alam nila kung sino yung tumawag na kelangan sagutin in the middle of a meeting.

"Hi babe! I miss you so much! Di ba ako nakakaistorbo? Done na photoshoot namin"

"Hi babe! di naman, how are you?"

"Ok lang, namiss kita pwde na ba ako umuwi dyan? everyday na mimiss kita. Can we live together na?"

"Sure ka? How about yung work mo dyan? You worked hard para maging part ng Fab LA"

"Aki, kaya kong iwan ang work para sa yo, di ba yan yung plano? Di ba susunod ako dyan?"

Natahimik sya. Oo nga pala yan yung plano, eventually uuwi din ng Pilipinas si Sam so they can live together as soon as ready na sya maging part ng Phoenix Builders Inc.
"Hey self, what's wrong with you?"

"Hey babe, still there? You know what I want to kiss you right now.."

"Same here Sam" Huminga sya ng malalim. " I miss you too so much, but I have to go back to our meeting na"
She heard Sam saying I love you sa kabilang linya pero hindi na nya nasagot. Alam nyang naghihintay na yung dalawa sa kanya.

After meeting nagkayayaan silang tatlo na mag dinner. Parehas naman silang tatlong single kaya every friday is a fun day unless may mga family commitments. Sa isang sikat na bar and restaurant sila kumain meron daw event later kaya nag inuman na rin. Friend din kasi ni Red ang owner.

"Huy Redentor!" siniko ni Jas si Red, lagi nyang inaasar yun sya kasi pinakabata sa kanilang tatlo. 26 lng si Red while silang dalawa ni Aki 30 na. "yung laway pakipunasan kanina ka pa nakatingin dyan sa girl"

Napatingin din si Aki sa babaeng tinutukoy ni Jas. Nakaupo sa kabilang table yung babae nakatalikod sa kanila pero naka backless na red dress and high heels.

"Sobra ka naman Jas di ako naglalaway, mas maganda pa nga si Aki dyan eh"

Muntik nya syang masamid sa sinabi ni Red. Buti na lang humirit agad si Jas.

" Ah, taz ako yung pangit?!"

"Hindi naman, mas lamang lang si Aki ng sampung paligo"

"Sige mag-asaran pa kayong dalawa baka mamaya kayo pa magkatuluyan" She joked kahit alam nya may boyfriend na si Jas.

"Yuck Aki, si Red? gusto mo makatuluyan ko? eh weekly nagpapalit ng girlfriend yan!"

"Anong Yuck Jas! Bakit babae din ba gusto mo?"
Tumingin sa kanya si Red at kumindat pa.

Sanay na si Aki sa mga ganyang hirit ni Red. Pero nagulat sya ng mabigwasan ni Jas si Red.

"Huy yung bibig mo walang preno"

"Ay sorry naman, pero kidding aside ate Aki nagagandahan ka ba sa girl"

Hindi alam ni Aki kung ano ibig sabihin ni Red, gusto ba nitong malaman ang taste nya sa babae o gusto lang talaga nitong i confirm na babae gusto nya.

"Hindi, mas maganda si Sam" sabi nyang seryuso.

" Ay loyal din" halos sabay pa yung dalawa sa pagka sabi nun.

Maya-maya dumarami na mga customer sa bar. Nakikita nila may nag tatry pa pumasok pero ang management na nag aaproach na wala na talagang space. 8 pm start ng event pero 7 pm pa lang puno na. Nasa 500 din ang capacity ng bar and to think na isa ito sa mamahaling bar and restaurant sa Makati malamang di rin biro ang mga guests. Unang tumugtog ang bandang Purple Playlist. Nagustuhan yun ni Aki lalo na mga originals nila kahit ngayon lng talaga nya narinig o nakita ang banda.

"Ang galing din pala nila" Nasabi ni Jas.

"Hello Jas sikat na mga yan! pero promise bibilib kayo sa next performer sya talaga inaabangan ng mga nandito ngayon"

"Sino ba? kaya pala dito ka nag ayang kumain kasi may inaabangan ka"

"Si Sejun, promotion kasi ng solo album nya today"

Nanlaki naman ang mata ni Jas pagkarinig kung sino ang next performer. Si Aki naman na amaze sa reaction ni Jas, hindi nya naman kasi yun kilala.

"Si Sejun?! As in si John Paulo Nase? leader ng SB19!??"

Natigilan si Aki sa narinig. SB19. Eto yung pinaka iniiwasan at the same time pinakagusto nyang isearch sa google o youtube these past few days.
Lalong lalo na mga pangalan ng members nito.

"Yes, and take note ilang months na rin nag try ang friends ko na ibook sya..ngayon lng nangyari buti na lang may solo album promotion"

Napatingin si Aki sa sneakers nya. Nakatali naman ang shoelace so malamang hindi naman yata yung Sejun na yun si "Mr. Shoelace"

"Ilan nga members ng SB19?"

"Curious ka ghorl?" Tanong ni Jas. "Ay sorry hindi ka nga pala girl"

Sinipa nya bigla ang paa ni Jas. Natetense na nga sya nakuha pang magbiro.

"Aray ko naman Aki, ok ka lng bakit parang seryoso?"

Si Red na ang sumagot. "5 members ng SB19 at magaling silang lahat iba nga lang dating ni Sejun"

"So 80 percent ang probability na hindi si Mr. Shoelace ang Sejun na yun" Huminga sya ng malalim.. di nga lang nya alam if it's a sigh of relief or a sigh of hope.

Love and Lyrics Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon