I was devastated, masyado akong nasaktan. Bakit sa dinami-dami ng lalaki sayo pa ako napunta. It was my choice, I chose to get hurt just to be with you.
Napapatingin na lang talaga ako sa kawalan sa tuwing naaalala ko yung kahayupan na ginawa niya sa akin. But I have moved on, kaya ko na ulit tumayo sa sarili kong paa.
So I stood up, pumunta ako sa kitchen to drink some water. As I sit on the bar stool biglang nag vibrate yung phone ko.
Nag-email sakin yung dati kong school. It is an invitation for the upcoming reunion. Nakaka-miss nga naman na makita mo ulit yung university na naging stepping stone mo to be this far.
Masaya isipin yung mga kalokohan namin dating magkakaibigan pero hindi mawala sa sarili ko na maalala kung ano man yung nangyari sa amin dati ni Alex.
Pupunta kaya siya? Kumusta na kaya siya after 5 years?
----
"Ganda naman ng pangalan mo, Farahmila" Ang paulit-ulit kong naririnig sa mga tao. Para bang ang unique unique ng pangalan ko.Pero lahat sila nginingitian ko na lang. Ano bang kailangan ko pang sabihin?
Miski nung bata pa ako, laging pinupuri ng mga teachers ko ang pangalan ko. Maganda nga talaga siguro.
Sa ganda ng pangalan ko, sa isang tao lang ako naiinis sa tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko. Amoy niya pa lang, alam na alam ko na.
"Farahmila, intayin mo naman ako!" Napapairap na lang ako sa kawalan dahil wala akong nagagawa sa gusto niyang pagsabay sakin araw araw.
"Pwede bang Farah na lang ha? Napaka pormal mo naman akala mo naman kung sino ka."
Oo, ganyan ko talaga siya tratuhin. Hindi ko alam pero naiinis ako sa presensya niya.
"Sungit mo naman. Ikaw na nga tong sinasabayan, wala ka bang kaibigan ha?"
Tinignan ko siya. Bakas naman sa mukha niya na masaya siya pero gusto ko iparamdam sa kanya na isa siyang epal sa tahimik kong mundo.
"Hindi ko kailangan ng kaibigan kaya pwede ka na umalis." Pagtataboy ko sa kanya, pero hindi ito ang una. Maraming beses ko na siyang tinaboy pero lapit pa rin siya ng lapit.
"Maraming gustong makipagkaibigan sayo ah. Ang dami ring nagkakagusto sayo, why not give them a shot?" Napapatawa na lang ako sa isip ko. Ang gago niya kasi.
"Give them a shot? Pwede naman siguro. Wala nga lang akong baril." Tinignan ko siya at halata namang pina-process niya pa yung sinabi ko.
"Teka, nag joke ka?" Amusement is evident in his face.
Tumawa siya ng malakas to the point na pinagtitinginan na kami. Kaya tinakpan ko yung bibig niya na napaka laki.
"Bet ko yun ah. Nagjojoke ka din pala." Napapailing iling pa siya habang nakangiti.
Gwapo si Alex but I will not take the risk of falling in love with him. Mahirap magkagusto sa kagaya niya.
Lumipas ang mga araw at walang humpay siya sa pangbwibwisit sakin.
Pero teka paano nga ba kami nagkakilala?
Transferee student ako, freshmen college. Maganda raw kasi magiging credentials ko pag graduate ako dito. Kaya sinikap ko.
Bago pa man ako pumasok sa university na yun, kilala ko na siya. Dakilang gago kasi siya noon sa school namin nung highschool.
Then we have this class na blockmates kami. Namukhaan niya ako kaya simula nun nilalapitan niya na ako. But we don't used to hangout noon. Ewan ko kung anong nakain niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Touch of you
Teen FictionTouches were true, feelings was real. But in the end, it still was.