Chapter 56: Letting go

373 9 4
                                    

Reminder: Hindi po muna ako makakapag update, next week. Kasi Exams na namin~ Huhubels! Sigiii! :">

--

There will always a person who will leave and stay

--

 

KATHRYN’S P.O.V

 

[3Am]

Naghahanda na kaming lahat, 4am kasi yung flight namin e. Tinutulungan ako nila Neil na ibaba yung mga maleta ‘ko, kaming dalawa lang ni Mama yung mauunang umalis, sila Kuya susunod na lang daw kasi may kailangan pa silang asikasuhin sa Business namin dito, Present silang lahat, except sa isang tao.. si Daniel, hindi na ‘kong umaasa na dadarating sya.. Sige na nga~ sabihin nating mga 25% umaasa ako na dadating sya.

Sinara ko na yung kwarto ko, at dahan dahan na bumaba, nakita ko naman na naka upo sila Julia habang umiiyak.

“HUY~ GRABE NAMAN KAYO! PARANG MAMAMATAY NAMAN AKO~!” natatawang sigaw ko, pero hindi sila natawa. Ok, bye.

“This is not the right time to joke Kath” sabi ni Lester, Ngumiti na lang ako ng tipid, wala pala sila Mae kasi hindi sila pinayagan kaya kagabi na lang nila ako pinuntahan, madaling araw kasi tska may pasok mamaya, etong sila Julia lang yung may lakas ng loob para sumama, kasama na yung P4.

“G-grabe naman~ Ayoko kasi ng madrama, gusto ko masaya! Para naman may mabaon ako! Wag nyo naman ako pahirapan oh” naiiyak na sabi ko.

Nagtinginan silang lahat, nag punas naman ng luha sila Julia

“Eh kasi naman e~ Ayaw mo pa mag padespidida! ‘Yan tuloy wala tayong masyadong time para mag sama sama~” inis na sabi ni Kiray habang nag pupunas ng luha nya.

“AYOKO NGA~ GASTOS LANG YUN EH!” natatawang sabi ko.

“Ay oh, nag tipid si ateng~ Kelan ka pa naging kuripot samin ha?” sabi ni Ej

“Ngayon lang, alam ko naman gusto nyo maraming pagkain e!” reklamo ko

“Naman, para marami kaming mabaon, ay ikaw pala~ Hehehe” sabi ni Diego, ang takaw talaga e!

“Pero Kath, wag ka na kayang umalis?” napatingin kami lahat kay Diego. “Kasi, sikreto kong nilagyan ng bomba yung Eroplanong sasakyan mo, kaya kung ako sayo wag ka ng umalis” natawa naman kami lahat.

“Tska, according to Seth’s news may dadating na bagyo mga signal number 5 daw, kaya wag ka ng umalis~” binatukan naman sya ni Jc, Oo andito si Jc.

“Bobo mo~ Hanggang 4 lang yung signal ng bagyo! Napaghahalataan ka e!”

“Tanga~ Hanggang signal number 5 na! hindi mo ba nabalitaan?” napailing na lang kami.

Magic of Love (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon