Chaptah 21 Pabigat 101

11 1 0
                                    

Chapter 21 Pabigat 101

Conell's POV

"Conell!!" kaway nya sakin at takbong papalapit saakin.

Ayan na sya. Ang ganda talaga nya kahit anong anggulo. Para syang anghel na kakababa lang sa lupa para sunduin ako, at ako naman tong magpaasundo sakanya.

Nang makalapit sya saakin tinulungan ko syang magbuhat ng mga dala nya.

"WOOOOOOOOW! Sobra na ito, Conell! Salamat ha. Pinagpaalam mo ko kay Princess Adeera at sa panlilibre mo saakin dito." nakatingin lang sya saakin ng diretsyo kaya napalihis ako ng tingin.

 

*DUG

*DUG

"Tatanawin ko to ng utang na loob." ngiti nya saakin.

"T-tara na nga! Hahaha Wala yun ano ka ba." tanging nasambit ko.

Di ko man lang masabi na 'Basta ikaw, Lyra'

Actually, kapalit to ng pinapagawa saakin ni ate Adeera na kukuhanan ko raw ng pictures ang gaganapin na activity, especially yung magaganap na birthday party ngayon. Kapalit na makakasama ko dito si Lyra.

Kukuhanan lang naman ng pictures, kaya pabor na pabor to saakin dahil makakasama ko naman ng ilang araw si Lyra.

"Kumain ka na? Kain muna tayo." alok ko sakanya. At tumango syang nakangiti

Ayaw pa naman kitang nagugutom.

(Resto..)

 

"Ansarap ng pagkain dito, Conell."

Napanganga ako kung paano sya kumain. Sunod-sunod yung subo nya parang hindi babae. Parang isang dekadang hindi nakalamon.

Nginunguya pa ba nya o nilulunok na agad?

"Mukhang gutom na gutom ka ah." sambit ko.

"Ay. Pagpasensyahan nyo po ako.." biglang tigil nya sa pagsubo. "Nakalimutan kong umayos ng asal."

"Ano ka ba, Lyra. Wala ka sa trabaho mo. Kaibigan mo ako ngayon."

Ngumiti nanaman sya at tinuloy ang pagkain nya.

"Ganto po talaga ako kumain. Nung bata pa po kasi ako, mataba po talaga ako. Eh nung naghirap po kami, nangayayat po ako saka po ako naghanap ng trabaho para may makain." kwento nya.

Mataba sya? Hahaha! Hindi halata sa itsura nya ngayon. Tamang-tama lang ang lagay nya ngayon.. at bagay na bagay sya sakin.

*Vibrate

*Vibrate

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon