Chapter 5: The Gang

20 1 2
                                    

5:30 am nung nagising ako. Maaga din ako nakauwi kahapon dahil hindi parin naman regular ang pasok, nagpasundo na lang ako kay David kaysa sa hintayin ko pa yung unggoy na yon na napaka abnormal. tss. Ang hindi maalis sa isip ko ay yung nangyari sa Graden...

Paanong may nakapasok dun? Kahit hindi ko siya nakita alam ko na may tao dun. I know that someone is there, watching me.. but—

"GOOD MORNING INSAN! NICE AND — ano na nga ba kasunod nun?"  tapos ay kumamot pa siya sa ulo. Really?! ano ba ang ginagawa ng unggoy na yan dito?

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na may pagka irita. Gosh! Ang aga aga mang bwi'bwiset pa ang Hayop na to.

"Grabe insan yan agad ang bungad mo sakin? nakakasakit ka ah!" tapos nag acting pa siya na kanwari masakit yung puso niya. Seriously?!  I hate him!

Inirapan ko na lang siya at dumiretso sa Kusina at hindi na siya pinansin. I went to—

Nagulat ako ng may biglang kumalabog sa may sala. Sh!t! ano ba yon?! Agad agad akong pumunta doon ng..

"Fvck! Shit shit! tangina naman nito!" Nanlaki ang mata ko ng makita yung Unggoy na hinihimas yung ulo niya. Nasa lapag na siya at nakaupo. Ano nangyari dito?

Napansin naman niya ako kaya agad na napatayo. Kung Hindi pa kayo nakakakita ng Unggoy na pula ang muka. pwes ngayon meron at siya yun.

"Ano kasi.. Yung ano.. yung ano kasi.. kaya.. ano.." Tapos hindi siya makatingin sakin ng diretso.

Tinignan ko siya ng diretso at..

"Ang TANGA MO" tapos ay bumalik na ako papuntang kusina. Geez.  Why do people have to be so stupid in many things?

I hate people who doesn't use their damn brains! Kaya nga may utak para gamitin hindi para itambak.

Naputol yung pagiisip ko ng may biglang tumusok sa pisngi ko. What the hell?! Tinignan ko siya ng masama at nag kibit balikat lang siya. Seriously?! Ano to gaguhan?

"Kanina ka pa kasi tulala akala ko pati ikaw nahulog na sakin. Di tayo pwede pero sige, Maganda ka naman payag ako. Incest na lang tayo"

Kumunot ang nuo ko sa mga sinabi niya. At inirapan siya. Ang tanga talaga nito Incest? tss.

Di ko na lang pinansin yung mga pinagsasabi niya baka may hang over pa yan kanina sa pagka bagsak niya at sure ako na hahaba na naman itong walang kwentang usapan na to pag pinatulan ko siya

Natapos ako ng mga 7:00 na sakto lang naman dahil 8:30 pa ang pasok ko. Yung unggoy? Andun sa may sala at sitting pretty ang Gago.

Hindi ko nga alam kung bakit andito padin yan.  Bumama na ako at nakita siya na may kausap.

"Ano? Saan ba? ...Ah!.. Dun? Panget don! .. Gago! mga bakla kayo. Haha Oo na!" Ang ingay naman nito!

Napansin naman niya ata ang presence ko. kaya binababa na niya yung cellphone niya. I just ignored him.

Kung may award lang na pinaka magaling sa pag i'ignore. panalo na siguro ako. Pumunta na ako sa labas at hinanap si David. Where is he?

Nakita naman ng peripheral  vision ko na sumunod sakin yung unggoy na nakangisi.

"Insan! wala si BD pumuntang venus kasama si dad tapos mamaya pa balik kaya ako na maghahatid sayo pero syempre joke lang yun. Alis tayo. Wala naman tayong prof. ngayon tara?" Tapos ay nag baba taas siya ng kilay niya.

Ang haba haba ng sinabi di ko naman tinatanong. Tss. As if I care. Saka anong walang prof?

"What do you mean? walang prof?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Second time around (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon