Kaizer's POV:Buntong-hinga lang ang ginawa ko habang nagdadrive ako pero nandito parin sa akin yung pag-aalala dahil nasa panganib silang tatlo. At ang gusto ko lang ay iligtas sila ng walang kagalos-galos.
Ang kailangan ko na lang ay ang magmadali para tapos na ang lahat dahil ayoko na sa ganitong sitwasyon. Kaya napag-isipan ko na lang na bilisan ang pagmamaneho ko para makarating agad ako sa destinasyon ko.
Habang nagfofocus ako sa pagdadrive ng biglang tumawag si Police Inspector Santiago kaya sinagot ko iyon.
"Sir Madrigal, ano pong oras ilalabas si Bernadeth Santillan?" agad nitong tanong sa akin.
"Ngayon na, at siguraduhin nyong makakapunta sya doon Inspector."
"Yes Sir wag po kayong mag-alala."
"Okay, yan lang ba sasabihin mo kasi nagdadrive ako ngayon papunta sa bahay ng Santillan."
"Yes sir yan lang po." ng matapos nya iyon sabihin ay enend call ko na din ang tawag.
Habang nagdadrive ako ay bigla ko na lang naisipan na tawagan ang pamilya ni Khloe at para malaman na din nila na nauna na ako doon para hindi sila mag-alala ng masyado.
Nang idinial ko iyon ay wala pa naman ilang minuto ay sinagot iyon ni Tito at nag-usap kami. Alam kong alalang-alala na din si Tita Krylle sa tatlo kaya ako na lang muna ang mauuna doon para naman malaman ko ang kalagayan nila.
Nagkasundo naman kami kaya nung matapos na sana ang pag-uusap namin ni Tito Jero ng bigla ring nagsalita si Tita Krylle na magdala din daw ako ng mga pulis at ayaw nyang may mangyare sa akin na masama. Kaya napangiti na lang ako kahit na wala na kami ni Khloe ay nag-alala parin ito sa akin.
After an hour ay nakarating na din ako sa bahay nila ni Berndeth pero hindi ako sa tapat ng bahay nila nagparking. Dahil hindi naman ako bobo para magpadakip sa kanila na wala pa ang tatlo sa labas. Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko lahat ng gagamitin ko at umalis na sa kotse ko.
Nang makalapit na ako sa pader nila ay tinignan ko ito at medyo may kataasan kaya kinuha ko ang lubid ko sa bag at inayos iyon.
Nasa position na ako ng bigla na lang may sasakyan na huminto sa harapan ko kaya tumingin ako doon at hinintay na lumabas ang tao doon.
Nang makita ko ang tao doon ay bigla na lang ako napabuntong-hinga dahil sila ni Karen at Derick pala iyon at grabe ang bilis pala magbihis ng dalawang ito. Nang iwan ko ang dalawang ito ay nasa Party pa lang ito at nanginginig sa takot. Kaya nung maisip ko iyon ay napatawa na lang ako.
"Hoy bro, sa ganitong sitwasyon may gana ka pang tumawa dyan." agad naman na sabi sa akin ni Derick.
"Hahaha, natawa lang kasi kanina nung iniwan ko kayong dalawa ay nandoon pa kayo sa party." napakunot naman ang dalawa ng noo kaya tumigil na lang ako.
"By the way bro, ano pala gagawin mo at nandito ka?" nagtataka naman nitong tanong sa akin.
"Bro, hindi kana nasanay sa akin. Syempre magoover the Bakod ako." tawa kong sabi sa kanya kaya si Derick naman ay napasapo sa noo nya.
"Ewan ko sayo bro, alam mo sinasaktan mo lang ang sarili mo."
"Alam ko bro, kaya relax ka lang dyan. Dahil hindi tayo makakadaan sa gate kasi nandyan ang mga tauhan ni Santillan. Kaya ito na napag-isipan kong gawin na magoover the bakod na lang ako. Baka nakalimutan mong ginagawa natin to dati sa school kapag gusto natin lumabas ng campus hahahaha." ng sabihin ko iyon ay kumunot ulit ang noo ni Derick at tumingin ito kay Karen at ngumiti ng peke. Ako naman ay nagpapabalik-balik lang ang tingin sa kanila at bumalik na din sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
عاطفيةGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020