ika-dalawampu't isang kabanata

169 7 0
                                    

===========

Kung hindi mo sya mahal, anong dahilan mo para kaladkarin ako dito in the first place at magpanggap tayo bilang babae?

=========

ika-dalawampu't isang kabanata

-Mahal ko o mahal ako 

Aldrin's PoV 

Kasunod ko na si Wends matapos ko syang makita na hinaharang ng taga ibang school. Sigurado akong may masama nanaman silang binabalak. Yes. NANAMAN. Ang pagdating ng mga lasengero noong huli nilang practice ay napag-alaman kong sila ang nagplano. Hindi daw nila inaasahan na magagawang makatakas yong dalawa o mas mabuting sabihin kong, mabuhay pa si Rosalia. Wala naman silang balak buhayin pa si Rosalia dahil ang pamilya mismo ni Ro ang dahilan ng pagkalugi nila. Yung babaeng may hawak na kahoy na espada ang tagapagmana at ngayo'y galit na galit kay Rosalia. Elite din sya tulad ni Wends pero mas mayaman pa rin ang best friend ko sa kanila.

To tell you the truth mas mayaman ako sa damuhong yan, nagkataon lang na hindi ko ginustong ipakita ang aking yaman. Si Wendyl mismo ang naghahawak ng pera ko kaya sila sobrang yumaman. Kaya naman okay lang yung pangi-invade ng alter ko sa kusina nila araw-araw.


"Anyare? Bakit nakaganyan ka? Sigurado ka bang gagawin mo yun?" agad akong inakbayan ni Wends tapos nakatingin sa akin na parang predator.

"Loko! huwag mo ngang pagpantasyahan ang maganda kong katawan!" inis kong sigaw sa kanya at inalis ang braso nya sa balikat ko.

"HINDI!! Ang alter mo nagbalik!!!!"

*sapok sa kanya* "BOBO! Ako ba talaga pinaglololoko mo?!! Gusto mong ipasipa kita sa kabayo?!!" Natawa lang sya habang hinihimas ang ulo nya na sinapok ko. "Tsk. Mabuti na yung ganito para madali kong nakakausap si Rhianna." Napayuko ako at medyo namula sa sinabi kong iyon. Para kasing awkward siya kapag nag-iiningles ako.

Pinili na lang namang manahimik nitong damuhong ito hanggang sa makarating kami sa Gym para sa cheer dance. Pero hindi nawala ang ngiti nya dahil siguro sa alam nyang masaya ako sa lovelife ko ngayon. Kung maalala nya sana si Ro, magiging masaya rin sya.

So, nagsimula na ang cheer dance at dahil ang school namin ang nanalo noong unang araw ng kompitisyon kami ulit ang magpapakitang gilas.

"Ready ka na?" tanong sa akin ni Rhianna. Tumango na lang ako at nagsimula na kaming sumayaw. Hiyawan lang ang maririnig sa buong gym at palakpakan naman ang mga guro na dumalo din. Sa wakas sinabi na ang nanalo sa over all. 

"ANG NANALO!!! St. Del Carmen Academy!!" nagtalunan ang lahat ng babae sa school namin at agad na nilapitan sina Wendyl at Ro.

-------

Gabi na. May ball kami ngayon. Kaya ang mga kababaihan ay nakasuot ng magagandang dress. Mascarade naman daw ito kaya naman nakaisip ako ng paraan para kina Wendyl at Ro.

"Ano bang gagawin natin? At bakit ganito ang suot natin? Hindi ba dapat pambabae ang suot natin?" tanong ni Wends. Nasa isang public bathroom kami at sa panglalaki syempre. 

"May sayawan ngayon. Umasta ka na sarili mo at isayaw mo si Ro. Matutuwa sya kapag ginawa mo iyon. Isa pa pwede sa ball ang mga taga ibang school kaya naman may mga lalaking makikipagsayawan din kaya opportunity mo na ito para isayaw ang babeng MAHAL MO!" talagang ipinagdiinan ko ang salitang "mahal mo" dahil may kabingihang taglay itong si Wends.

Napatingin ako sa kanya ng hindi sya magsalita. Nakita ko na nakatingin lang sya sa salamin at tinitingnan ang repleksyon nya.

"Mahal ko ba talaga sya Al?" nabigla ako sa tanong nya pero pinabayaan ko na lang. Sya lang naman ang nakaka-alam nyan e. Pero naisip kong sagutin na rin dahil iyon naman ang dahilan ng pagpunta namin dito.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon