Oops

442 9 1
                                    

Patricia

"Ah shit. Gaano ba karami nainom ko kagabi at parang sabog na sabog ako ngayon?" Pupungas pungas na umupo mula sa pagkakahiga si Patricia. Sabog sabog pa ang buhok niya at kalat kalat ang mascara sa mata. Ni wala siya sa huwisyo at hindi niya narealise na wala siyang matinong saplot sa katawan. 

Natauhan lang yata siya noong biglang may mabalahibong binti ang dumantay sa binti niya. Automatic na nanlaki ang mata niya. She saw a familiar face lying next to her. Napa pigil pa siya ng hininga noong higitin nito ang kumot na agad niya namang binawi. 

Mga ilang segundo bago niya tuluyang naprocess ang eksena sa harap niya. He's just wearing a boxer.

"Putangina?" patanong pa ang naging mura niya. Hindi siya sigurado kung pinaglalaruan lang siya ng mata.

Mabilis niyang tinadyakan ito. Gumulong ang kasama sa lapag. Medyo mangha siya dahil imbis na magmura ito kagaya nang dati, para itong batang naupo sa sahig. Kinusot pa nito ang matang may black eye. Medyo napangiwi yata ito sa sakit , ganoon pa man binigyan pa rin siya nito ng retarded na ngiti. 

"Good morning love"

( A/N: walang mambabash ng editing skills ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( A/N: walang mambabash ng editing skills ha. Nangangagat ako)

"Kyle Antonio Pangilinan what the fuck are you doing in my room!" gigil at halos putok litid niyang sigaw. Nanatili namang nakangiti sa kanya ang binata. Pag kwan ay sumampa pa ito pabalik at nagsumiksik sa kanya na parang wala siyang sinabi. 

"Tulog pa tayo please?" muli nitong ipinikit ang mata. Ang akala yata nito ay panaginip siya. 

"Tangina Patricia, ikaw yata ang nananaginip." lumalabas ang puntong bulakenya niya. Kinurot niya ang sariling pisngi. 

"Aah!" impit niyang sigaw. Napatunayan niyang totoo ang nasa harap niya ngayon. 

"Hoy" kalabit niya dito pero hindi naman kumibo si Kyle. 

"Hoy" medyo madiin na ang kalabit niya pero hinawi lang nito.

"Ikaw ba hindi babangon?" may banta na sa tono niya pero nanatiling no response ang lalaki. Humigpit lang ang lingkis nito sa kanya. 

Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakayakap nito pero wala pa rin talaga siyang laban. Para lang siyang manikang hinigit nito pahiga at saka ikinulong sa bisig nito. 

"Puta" pabulong at malutong niyang mura. Sa sobrang pika niya mariin niyang pinisil ang pisngi nito at saka sabay na piniga ang pagkalalaki nito sa kamay niya. Wala naman na siyang maitatago dahil hantad na rin ang katawan niya dito. Obviously may nangyari. 

"Aaaaaaah" sigaw nito. Automatic na napakalas sa kanya si Kyle. Mabilis niyang ibinalot sa sarili ang makapal na kumot. 

Pagkasigaw nito namaluktot ito ng todo. Naitakip niya ang kamay na ginamit para saktan si Kyle.

"Pati ba to nilalagyan ng cologne?" out of nowhere niyang tanong. Inulit niya pa yung pag-amoy noong matauhan siya. Mabilis niyang tinanggal noong narealise niya ang ginawa niya. 

Halatang sobrang sakit ng ginawa niya dahil sa ungol ng binata. 

"Fuck" mura nito. The same curse he always use. Kahit kailan talaga husky ang boses nito sa umaga. Hinding hindi niya iyong makakalimutan. Naging dalawang taon niya ring boyfriend ito kaya kabisado niya na ang boses, amoy , reaksyon at kilos.

Napa atras siya. Nasobrahan yata yung ginawa niya kase pinanggigilan niya talaga. 

"Oops" nag isang linya ang labi niya. 

"Love naman! nilalagay mo sa panganib yung future na mga anak natin" kalahating ungol kalahating iyak yata ang narinig niya dito. Nakatalikod ito sa kanya. 

Medyo natatawa tawa na siya ng onti. Pero antagal nitong naka baluktot. Tatakbo na sana siya palabas kaso nasa sarili niya siyang bahay. Saan siya pupunta. Halos napasabunot siya sa sarili. 

Dahan dahan siyang lumapit at dinutdot ang dating nobyo. 

"uy" dutdot niya sa likod nito

"uy masakit?" 

"Pst sorry na" mas lumakas pa ang dutdot niya. 

Medyo sadista niyang naeenjoy ang pagdutdot sa likod nito. Bababa na sana ang kamay niya sa pwet nito kaso mabilis itong nahuli ng binata. Sa isang kisap mata naka paibabaw na ito sa kanya. Halatang galit na galit. 

Napalunok siya ng wala sa oras. Despite the blackeye, halos mahigit ang hininga niya sa talim ng titig nito pero at the same time para siyang nanlalambot. 

Hindi niya tuloy maiwasang maalala yung dating sila. Napatanong siya sa sarili. Bakit nga ba sila naghiwalay? hindi niya na maalala

oOo

 Three years ago...

"Love may shoot ako mamaya." Paalam ni Kyle sa kanya. Nanlalaki naman ang butas ng ilong niya. Wala naman siyang ibang pwedeng maging sagot kundi "Ingat ka" 

Peke siyang ngumiti. Humalik ito sa noo niya. "I can tell your smile is fake. Come on love walang papalit sayo. Wag ka ng magtampo" hinilot hilot nito ang noo niya. "Alam mo namang trabaho lang to diba at saka ikaw lang sapat na" Alam niyang inaassure siya nito pero hindi niya maiwasang magtampo. Papaano ba naman, nag announce ito na magsosolo artist kaso dahil nga pang perfect leading man ang itsura ng boyfriend niya, hindi maiwasang hanapan ng management ng mga kaloveteam. Kakatapos lang noong isa meron na naman. Ang malala lagi siyang kailangang ideny sa national TV.

"Walang papalit sa akin pero the entire country knows you are NGSB. Parang hindi ako nag eexist" 

"Sorry na. Naiintindihan mo naman diba? mahirap yung sitwasyon ko saka isa pa iba kase yung inaalagaan kong reputation" Totoo naman. Magkaboyfriend ka ba naman ng kamag anak ng senador, may tatay na big time businessman at business advisor, tapos ang nanay de kalibreng artista. She's basically dating a guy na ineexpect ng public na perfect when in reality he is not.

"Hanggang kelan?" umupo ito sa harap niya at saka masuyong hinalikan ang mga kamay niya. 

"Soon love I will tell the world that you have my heart" Halos bumaliktad ang mata niya sa pag irap. Pang limampung beses niya ng narinig to sa boyfriend kaya nananawa na siya. 

"Saka alam mo namang pinoprotektahan lang kita sa pambabash ng mga tao diba? alam ko kung gaano ka kaprivate. Ayoko na dahil lang artista ko, pati buhay mo hahalungkatin nila. You know how harsh netizens and media can be. Ayokong magsuffer ka kaya please?" nagpout ito at nagpuppy eyes sa kanya. 

Umisang irap pa siya pagkatapos ay binigyan ng makarinyong halik ang kasintahan. "Oo na. Pasalamat ka mahal kita" 

"Mas mahal kita love. Ikaw lang. Palagi mong tatandaan yan." Pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang suot suot na kwintas na katerno ng kanya. Nagkintal ito ng halik sa pinaka pendant pagkatapos ay humalik ulit ito sa noo niya. 

Ikinulong ni Kyle ang mukha niya sa pagitan ng mga maiinit na palad nito pagkatapos ay idinantay ang noo sa kanya. "I promise I will be back before you knew it. Wag mo nalang panuorin yung mga shows ko. Wala namang totoo doon" her lips cracked into a smile. 

Kahit kailan talaga alam nito kung papaano siya pangitiin. 

OopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon