Oops

381 11 0
                                    

Present

Nasa ibabaw niya si Kyle. Blangko niyang tinitigan ito. Nag iisip siya. Bakit nga ba siya nakipagbreak? Hindi niya na maalala.

Walang nagbabawi ng tingin sa pagitan nila. Kagaya ng dati isinandal nito ang noo sa noo niya habang hawak pa rin ang magkabilang pulso niya.

"I hope because of what you did we are quits now from the mistake you thought I did 5 years ago. I miss you so much love. Walang iba at walang pumalit sa'yo. Just like what I always say. Ikaw lang, sapat na." Isiniksik nito ang mukha sa leeg niya. He gave his full weight on her.

Mabigat ito dahil sa muscles he gained. Kung dati ay medyo totoy pa ang katawan nito, the years they are apart really did made difference. Halos hindi siya makahinga pero she doesn't mind.

"Tangina"bulong niya.

"Finally narinig ko na naman ng malapitan yang mura mong malambing." medyo nakikiliti siya dahil nagsasalita ito sa leeg niya.

"I quit showbiz when the management decided to make fake news na in a relationship kami ni Kamilla. Ok lang sana na ipartner yung bata sakin kahit muka kaming magtyuhin but they overdid it. That time you thought we are kissing I was hoping you will see that it was forced and I am pushing her away. Hindi naman kita masisisi kung sumabog ka na dahil sa sunod sunod na outdated promotion and that my mum and dad was also promoting it before. The next day you blocked me to all your social media and message platforms. Tapos ni hindi kita mahagilap. After a week nalaman ko nasa Canada ka na."

"Ah, that's the reason" bulong niya. "Nalimutan ko na"

"Ansakit naman ng pagkalimot love"

"Because you hurt me"

"I know and I'm sorry. That's why I quit. Now I am handling part of my family's business. Mas ok yung wala ako sa showbiz. Nakaka depress din kase na de numero pagkatapos nawala ka pa. Sampal sa kin yon."

Ipinikit ni Patricia ang mata. "It's ok"

"No it's not. I need you back in my life. Ansakit noong nagkita tayo 2 days ago iniiwas iwasan mo ko pagkatapos ang sabi mo 'we are better off as friends' but you know that will never happened right? You will be my wife" Patricia bit her inner cheek. Gusto niyang sampalin ang sarili. It took her 5 years to realise how foolish her decision before. She did not let him explain. Bigla siyang nang ghost.

"Five years happened pero hanggang ngayon demanding at clingy ka pa rin" pinipilit niyang itago ang kilig at guilt na namumuo sa dibdib niya.

"Kung hindi ako magiging clingy I will lose you again. Once is enough. Mabubuang ako pag naging dalawa. After we met 2 days ago I spent my time following you around. Ambilis mo kase kong iwasan. Kung hindi ako dumating kahapon you were already rape at worst baka may sex video ka pang kumakalat"

"May naiba ba? Andito ka sa kama ko ngayon a. Rapist kang hayop ka. Kala mo dahil magkakilala tayo hindi rape yung ginawa mo? Sasampahan kita ng kaso! hindi mo ko makukuha sa pagpapacute mo at sa pagsasabi mo ng totoo kahit pa kasalanan kong naghiwalay tayo 5 years ago!" itinulak niya ng malakas si Kyle.

Hindi ito umubra, talagang kusa lang itong gumulong sa kabilang side ng kama at napahilamos ng kamay sa mukha. Para siyang nabunutan ng hininga. Iba talaga epekto nito sa kanya kahit noon pa man.

Para siyang nadadarang lagi.

"Pat you were so drunk. If I wasn't there malamang may nangyari ng masama sa iyo. Hindi ko alam bakit ka ba nagpunta sa club. Hindi mo naman gawain yon. Noong iuwi kita, ikaw tong nasa hallway palang naghuhubad na."

"E bakit pati ikaw nakahubad din!?" defensive niyang tanong

Automatic na nagrewind kay Patricia lahat ng nangyari kagabi.

OopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon