Chapter 2

5 0 0
                                    

Lesley POV:

Napadilat ako sa kaingayan ng mga kasama ko.. Anung oras na ba? Itinaas ko ang kaliwang braso ko para tignan ang oras. 8am. Putcha sakit ng ulo ko hayup na yan.

Si kuya gus pala tong nasa tabi ko at inaagaw yung unan na hawak ko.

"Pahiram ako ng unan les di ako sanay na wala kayakap eh. " sabi ni kuya gus na nakasiksik sa sulok.

Natatawa ako kase naman parang bata. Habang si hanabi at hayabusa puro tawanan.

"Ayoko nga,  di ako sana'y na walang kayakap na unan balakajan." sagot ko sakanya habang tumatawa.

Napa pout naman si kuya gus at napakamot nalang haha. Cute nya sa part na yon.

"Payakap nalang sa unan mo share tayo." sabay ng pagdagan ng kamay nya sa unan na nakapatong banda sa tyan at dibdib ko.

Hindi ko alam pero hindi ako nakaimik.. Parang bumilis takbo ng puso ko.. Sabay ng paghagikgik ni hanabi na tila parang nang aasar.

Para akong na freeze ngayong ramdam ko yung kamay nya na nakadagan sa unan na nakapagitan sa kamay nya at tyan ko.

Dapat ata binigay ko nalang yung unan hahahahaha. Nakakailang talaga, tumayo ako at pumunta sa cr para umihi..

Putangina, para akong nasusuka ano bang klaseng pakiramdam to. Hayup na hangover.

Pag balik ko sa sala kung saan kami natulog dun ko narealize na may pasok pala kami.

"oy nung plano nyo sa buhay may pasok tayo mga tungaw. " sigaw ko sakanila na busy sa mga kanya kanyang ginagawa.

Si kuya gus naman nag paalam na aalis na dahil bawal sya malate, manager namin sya after all.

Nagstart na ako mag ayos dahil wala naman akong damit dito kila hanabi nanghiram nalang ako ng damit sakanya.

Pagkatapos maligo, pumunta ako sa harap ng salamin para mag lagay ng polbo, kilay at liptint. Yun lang naman ginagawa ko sa mukha ko wala ng iba.

"Sus, mababasag lang salamin sa ginagawa mo eh." sabi ni Hayabusa habang nakangisi.

"Dami mong alam, ganda ko kaya. " Sabi ko sakanya at nag blink blink pa ng mata.

"Ha?  May sinasabi ka?  Ikaw maganda?  Lul. Pangit mo kaya. " sabi nya habang tumatawa.

"Tse! Inggit kalang kase pangit ka bleh. " sagot ko at inirapan sya.

Tinalikuran nalang nya ako at pinuntahan si hanabi. Ng makuntento nako sa ayos ko umupo muna ako at naghintay sa dalawang kupal na sobrang kupad kumilios. Hello? Malalate na kaya kami.

Pinagmasdan ko lang yung dalawa na busy sa kani kanilang ginagawa. Si hayabusa na nag sasapatos si hanabi na nag lalagay din ng liptint at kilay.. Hindi ko naiwasan isipin si granger.

Ano kaya ginagawa nya ngayon? Anung oras kaya sya nakauwi?  Nagchat kaya sya saken? Kung bakit ba kasi walang signal dito sa bahay nila hanabi eh.

Ng matapos na sila nag aya na sila pumunta ng office.. Pag labas ng bahay napa mura nalang ako sa sobrang tirik ng araw.

"Ang init!  Trike nalang tayo love. Ayoko maglakad ng ganito kainit. " sabi ni hanabi kay hayabusa habang nag pupunas sya ng pawis..

"Sige love tawag lang akong trike. " sabi nya at pumalakpak sign na nagtatawag syang trike.

Nag suksok nalang ako ng headset sa tenga ko.. Nagkasignal na kaya tinignan ko kung may message si granger ng mapagtanto na binlock ko pala sya sa messenger. Pero pwede naman sya mag text eh.

Im in love with my BestfriendWhere stories live. Discover now