CHAPTER 8: Si Doctor Enjien

261 15 2
                                    

May pumasok muli sa pintoan...

Nagulat ako sa kung sino ang pumasok sa mga oras na ito.

"Ay! Nanay ko po!" Gulantang kong nawika.

Hindi ko pa sya kilala ngunit natawa sya ng makita nya ako sa isang gilid na nagulat dahil sa kanya.

Gwapo, matangkad at dilawan ang kanyang buhok.

Maihahambing ang kanyang itsora sa mga lalaking pinapantasya sa Wattpad at mga pocket books.

Para syang living anime character o mas gwapo pa sa mga bida lamang sa mga actors na napapanood.

Maganda ang tikas ng katawan nya, lalaking-lalaki.

Grabe! Hahabulin mo sya ng tingin dahil mabango din ang samyo ng katawan nya.

Hindi pareho sa mga typical na fragrance na nabibili natin sa mga tindahan.

Malakas ang hatak ng charisma nya. Tila naging pamilyar sya sakin...

Saan ko nga ba sya nakita?!

"Hi, Shawn Driana Empire?" Sabi nya sakin dahil sinundan ko sya sa isang shelves kunsaan sya may kinukuhang bagay.

"Uhm, hello po, Sir." Sabi ko dito. "Good morning po." Magalang na bati ko agad dito.

"Bago ka lang kahapon, right?" Aniya.

Pinagmamasdan ko sya ng maigi....

Walang maipipintas sa kanyang itsora...

Simula sa sapatos nyang balat hanggang sa buhok nyang kakaiba dahilan upang maging asset nya ito kaysa kapangitan.

Uh! Alam ko na! Ito yung sinasabing doctor sa 3rd floor.

Doctor Enjien Scargan

I see... I know na...

Sya ang anak ng may-ari ng hospital...

"Yes po, Sir." Napangiti kong sabi.

"I see your record." Sabi nya habang may kinukuha sa shelves at may hawak din syang listahan. "This is your first time to work."

"Uhhhh O-Opo, Sir." Napapangiti na lang ako ng tabingi dito.

"Hmmm..." Imik na lang nito sakin.

Nanahimik ako... Ganun din sya.

"Sir, kung wala kayong ipag-uutos, babalik na po ako sa trabaho ko." Magalang kong sabi dito.

"Hindi, may iuutos ako." Sabi nya agad. "Kumuha ka ng basket. Pakitulungan akong hanapin ang ilang mga gagamitin ko. Nabago na kasi ang kaayusan dito sa stock room." Sabi pa nya.

"Sige po." Imik ko agad.

Agad akong naghanap ng basket na katulad ng sa shopping basket ng mga market.

Nakalagay lamang ito sa isang gilid ng pinaka dulong shelves.

"Sir, ito po." Mabilis kong sabi dito ng makakuha na ako.

"Ito oh, pakilagay na lang." Magaang sabi nya.

Hindi sya kababakasan ng kasungitan at pagka-istrikta hindi katulad ng mga napapanood sa TV na karaniwan ng tipo ng mga gwapo ay masusungit at ayaw mamansin.

"Okay po." Agad kong imik.

Ang bango ng samyo nya.

Hindi ko masabi kung pabango nya lang o talagang amoy ng katawan nya.

Well, hindi questionable dahil doctor sya.

May mga nilagay syang surgical gloves, iba't ibang uri ng mga karayom panturok, maliliit na mga botilya ng iba't ibang uri ng mga gamot.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon