LOA S2 Part 63: Sa Piling ng Minamahal

1.5K 92 5
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 28, 2020

"Narding.." ang isang malamig na tinig na tumawag sa akin dahilan para idilat ko ang aking mga mata. Dito ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa itaas ng isang malaking gusali at sa aking harapan ay mayroon isang lalaking nakatayo.

"Sino ka?!" ang tanong ko sa kanya..

"Narding, nilikha ako para sa iyo. Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Tayong dalawa ay iisa, tayong dalawa ay mag kakonekta." ang wika niya sabay lipad patungo sa akin.

Dito ay nag liwanag ang aking katawan at kusang lumabas ang aking kalasag. "Kilala ba kita? Mag kakilala ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo Narding, mag kilala tayo. Ako ay sa iyo at ikaw naman ay sa akin lang. Wala ni isang nilalang ang maaaring umangkin sa iyo kundi ako lang." ang wika niya sabay hawak sa akin balikat.

Malamig at madilim ang paligid. Tanging liwanag lamang ng buwan ang aking nasisilayan.

Pilit kong inaaninag ang kanyang mukha ngunit wala akong makitang kahit ano, maliban lamang sa alam kong kami ay mag kasing tangkad, mag kahubog ang katawan at pareho ng kalasag. "Halika Narding, ipakikita ko sa iyo ang aking mga koleksyon." ang wika niya at dito kusang lumutang ang aking katawan sa ere. Hawak niya ako sa kamay at kapwa kami lumipad.

Bumaba kami isang patag na lugar at dito may nakita akong mga taong naka sabit sa isang malaking puno, lasag lasag ang katawan at ang mga ulo ay naka tuhog sa mga sanga nito na parang ginawang palamuti ang mga bangkay. "Tingnan mo Narding, ito ang aking koleksyon, ang mga bangkay ng kaibigan mo." ang masaya niyang salita sabay lingkis ng kamay sa aking bewang at gumapang ito sa aking tiyan. Niyakap niya ako mula sa likuran at naramdaman kong humihigpit ito na wari'y ayaw niya akong pakawalan.

Tahimik..

Nanlaki ang aking mga mata at dito ay una kong nakita ang ulo ni Bart na nakasabit sa pinaka gitna. "Iyan ba Narding? Galit ako sa lalaking iyan dahil inaagaw ka niya sa akin. Kaya pinatay ko siya at pinag lasog lasog ang kanyang katawan." ang wika niya sabay dikit ng kanyang malamig na mukha sa aking mukha.

"Tama na! Sino ka ba?!" ang sigaw ko sabay tulak sa kanya. At dito ay nakita ko pa ang lahat ng ulong nakasabit sa punto na parang ginawang Christmas tree na ang desenyo ay mga ulo at katawan nina Irano, Ace, Jorel, Nai, Cookie at Tibur. Naroon rin sina Bart, Cyan at ang iba pa.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon