CHAPTER 1

62 3 0
                                    

Pagkagising ko sa umaga, nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa higaan na may bandage na ang ulo ko. O.o

Bakit nandito ako sa hospital?
Anong nangyari saakin?

Kinuha ko ang remote ng TV sa may maliit na lamesa sa tabi nang aking hinihigaan at binuksan ko naman ang TV.

February 24, 2020/9:07 a.m  

Ang bilis ata nang panahon ngayon. February na kaagad?

Makalipas nang ilang minuto, bigla namang may kumatok at pumasok naman pagkatapos ito.

"Jasmin?"

May isang lalaking pumasok ng kwarto ko Pero, hindi ko siya kilala.

"Kamusta na kalagayan mo? Masakit pa ba ang tama mo sa ulo?" Tanong niya.

"Uhm... OK na ata ako. O.o" sagot ko.

"Kung ganon... Gusto mo paglabas mo dito, punta tayo sa ice cream shop?^_^" magalak niyang tanong sa akin.

Pinatay ko ang TV at dahan-dahang bumangon sa aking hinihigaan.

Nilapitan ko siya at nagbabakasakaling makilala ko siya.

"Sino ka? Nagkakilala na ba tayo dati?" Tanong ko.

Ng marinig niya iyon, napayuko nalang siya bigla. Ang kaninang abot hanggang langit niyang ngiti ay napalitan ito nang lungkot.

Ano bang meron saming dalawa?
Kapatid? Kapamilya? Kapuso? O.o

Bigla nalang siyang napatango at ngumiti nang matamis.

"Ako nga pala si Jimin, at kaklase mo ako."

Jimin? Sino yun?
Bakit hindi ko padin maalala?

Nginitian ko nalang siya at pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

"Jasmin, *huminga muna SiYA nang malalim bago magpatuloy ulit* ako ang boyfriend."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. *0*

Boyfriend ko ba talaga siya?

"Hi... Hindi mo ba talaga ako natatandaan o naaalala?" Kinakabahan niyang tanong sa akin.

"Sorry... Wala talaga akong matandaan. Boyfriend ba talaga kita?" Sagot ko sa kanya.

"Ah. Ganon ba. Kung ganon... Siguro kailangan mo pang magpahinga. Hindi ka pa siguro magaling."

Bigla nalang niya akong hinawakan sa kamay at binalik ulit sa aking higaan.

Aray! Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko na parang ayaw niya bitawan.

"Sige Jasmin, aalis na ako. Bye!" Bigla niyang binitawan ang kamay ko at lumakad siya papunta sa pinto.

Pero, ano itong nararamdaman ko?
Parang ang sakit-sakit nung sinabi niya na aalis na siya.

Totoo bang merong something sa aming dalawa?

Dali-dali naman akong bumangon sa aking hinihigaan at bigla kong hinawakan ang damit niya sa likod.

"Sorry... Pwede ka bang bumalik dito bukas? Gusto ko lang kasi na matandaan kita at ayaw kong makita na nasasaktan ka." Malungkot at mahinang pagsabi ko sa kanya.

Humarap naman Siya sa akin at sinabing..

"OK! Anong oras ba gusto mo?" Naging masaya na ulit siya.

O.o

Ang weird niya din no? Pero ang cute niya. *0*

"Kahit anong oras. Basta wag gabi." ^_^ masaya kong tugon sa kanya.


"OK!" Masayang pagbanggit niya pero pagkatalikod niya naging malungkot ulit ang mukha niya at tsaka umalis na siya.

LOVE UNTOLD (Park JiminTagalog Fanfiction)√√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon