Boyfriend ko ba talaga siya?
Parang hindi ko kayang maniwala sa sinasabi niya.
Bumalik nalang ulit ako sa higaan ko at nilibang nalang ang sarili ko sa panonood ng TV.
Makalipas ang ilang oras, dumating ang mga magulang ko, pero nung una hindi ko pa sila kilala pero nung inexplain nila saakin ang lahat dun lang ako naliwanagan.
"So, kamusta boyfriend mo? Diba nandito siya kanina?" Masayang tanong ni mama ko.
"Hindi ko nga po siya makilala. Diba Jimin po pangalan niya?" Mahinang pagsambit ko.
"Oo, Jimin pangalan niya. Hindi mo pa ba siya natatandaan?"tanong nang papa ko Bigla.
"Opo, nagulat nga po ako. Bakit po ganun mama, papa? Bakit po hindi ko po siya maalala o matandaan manlang?" Tanong ko naman sa mga magulang ko.
Nagkatinginan Silang dalawa na parang alam na nila ang sagot sa tanong ko.
"Jasmin, sabi ng doctor, sa lakas daw ng pagsagasa sayo ng isang malaking truck. May signs na pwedeng maapektuhan ang ulo at utak mo?" Mahinang pagbanggit ni mama sa akin.
"Tapos ano pa po?" Gusto ko talaga malaman kung anong kondisyon ko ngayon, naguguluhan na kase ako.
"Anak, may AMNESIA ka."prangkang sabi agad ng papa ko.
Nung marinig ko na nagka-amnesia ako, bigla nalang tumulo ang mga Luha ko.
Siguro, hindi ko tanggap na malimutan ko ang halos lahat ng memories ko.
BINABASA MO ANG
LOVE UNTOLD (Park JiminTagalog Fanfiction)√√
Novela Juvenil"GUSTO MO BANG BALIKAN ANG NAKARAAN?" Yan ang tanong na paulit-ulit ko nalang naririnig sa isipan ko. Pero, Bakit kailangan pang ibalik ang nakaraan kung meron namang future o kinabukasan? Aasa nalang ba sa nakaraan. O sa future na mas magpapasakit...