Makalipas ng ilang taon, naghahanda na ako para sa nalalapit kong pasukan. Halos isang taong din akong naka-labas s hospital at patuloy pading kinukwento ni Jim-Jim ang mga bagay na sobrang nakalimutan ko.
"Ako Si Jasmin Shin Javier , anak Nina Fujiwara Javier at Allison Watanabe Javier, at nag-iisang girlfriend ni Jimin Edeson Park. For short Jim-Jim.
"Mama! Papa! Pasok na po ako." Paalam ko habang kumakaway ako palabas ng pinto.
"Mag-iingat ka!" Habilin ng mama ko sakin.
Pagkalabas ko ng bahay, may nag-aantay sa akin na isang lalaki para sabay kaming pumasok sa eskwelahan.
"Ready ka na pumasok?" Tanong ni Jimin sa akin.
"Oo naman. Excited na nga ako makilala ulit ang mga kaibigan ko dun at ngayong year." Masayang sagot ko.
Ng makarating na kami ng school. Madaming lumapit sa akin at tinanong kung natatandaan ko pa sila. Bigla nalang, linapitan ako ni Jimin at hinawakan Bigla ang kamay ko ng mahigpit. Bigla niy naman akong hinila at tumakbo kami palayo doon.
"Bakit tayo umalis?" Taka kong tanong sa kanya.
"Madami kasing lalaki ang lumalapit sayo doon." Nakayuko at mahina niyang sagot.
"Ha? Parang halos babae lahat ang nandun." Sabi ko..
"Kahit na.... May lalaki padin dun." Banggit niya habang tinatakpan ang mukha, gamit ang maliliit na kamay niya. Ang kyutt....
Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.
"Bakit k tumatawa? Ano bang meron sa sinabi ko?" Inosenteng tanong niya.
"Nagseselos ka noh? Ayyiee.. Aminin mo na Jim-Jim." Pang-aasar ko sa kanya.😂
"Oo. Nagseselos ako! Mabilis akong mag-selos kaya wag kang titingin sa ibang lalaki, kundi ako lang. Akin ka lang at sayo naman ako. Naiintindihan mo ba!" Seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin, mata sa mata.
Napangiti nalang ako at sinabing...
"Lika! Pasok na tayo sa classroom Mr. Park." ☺
"OK po Ms. Javier!" Masayang sagot niya sa akin.
Makalipas ang ilang oras..............
Uwian na namin!
Bigla ko nalang hinanap si Jimin.
Saan kaya siya nagpunta?
Ayun nakita ko na! Sa clinic lang pala siya.
Hmm.. May kausap siyang Doctor. Siguro tatago nalang ako at papakinggan ang pinag-uusapan nila. Hehehe...
"Mr. Park, please be careful sa mga ginagawa mo. Hindi ka pwedeng mapagod!"
😲😢 ano bang meron. May sakit ba siya...
"Opo Dok. May ilang years pa ako para mabuhay?" Tanong ni Jimin sa doctor.
"Kung wala ka paring mahanap na donor para sa heart transplant mo, merong chance na maging critical at mas lalo pang lumala ang sakit mo." Sagot ng Doctor.
Ano!
May sakit sa puso si Jimin?!
Bakit hindi niya sinabi sa akin?
Tapos, 1 fucking 1 year ko nalang siya makakasama?!
Ng lumabas si Jimin , nabigla siya ng makita niya ako sa gilid na umiiyak.
"Min-Min! Nandito ka pala. Kanina ka pa ba nandito? At Bakit ka umiiyak? Nag-aalalang tanong sakin ni Jimin.
"Totoo ba Jimin na may sakit ka sa puso?" Seryosong tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang umagos kanina.
Napabuntong-hininga muna SiYA ng bago magsalita.
"Oo Min-Min. May sakit ako. Paumanhin kung hindi ko agad nasabi to sayo." Malungkot niyang sabi sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi?! Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit na marinig na mamamatay ang taong mahal mo?! Nalimutan ko na nga ang mga memories at ang lahat-lahat na memories nating dalawa, tapos ngayon, mawawala ka pa?!" Bigla nalang nagsituluan ang mga luha ko sa sobrang galit at lungkot.
Hindi ko matanggap na ilang years nalang, pwede siyang mawala.
Niyakap niya nalang ako ng mahigpit at hinalikan ang aking noo.
"Hindi ko nasabi sayo Dahil ayaw kong makita kang nasasaktan dahil sa akin. Ayaw ko ding makita na lagi ka nalang nag-aalala dahil sa sakit ko." Malambing niyang sabi sa akin
"Pero mas masasaktan naman ako kung bigla k nalang mawawala basta-basta."sabi ko s kanya habang patuloy padin ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Jasmin. Hindi ako mawawala. Pag nakahanap na ako ng donor para sa aking transplant. Ipropromise kong hinding-hindi kita iiwanan." Bigla niy nalang pinahid ng kanyang dalawang kamay ang mga Luha ko.
"Promise? Cross your heart" Tanong ko sa kanya.
"Promise. Lika hatid na kita sa bahay niyo." Natatawa niyang saad at pagkatapos lumakad na kami pauwi.
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina per kailangan ko maging matatag at hindi ko sasayangin ang bawat oras ko na kasama siya.
BINABASA MO ANG
LOVE UNTOLD (Park JiminTagalog Fanfiction)√√
Teen Fiction"GUSTO MO BANG BALIKAN ANG NAKARAAN?" Yan ang tanong na paulit-ulit ko nalang naririnig sa isipan ko. Pero, Bakit kailangan pang ibalik ang nakaraan kung meron namang future o kinabukasan? Aasa nalang ba sa nakaraan. O sa future na mas magpapasakit...