Chapter 3

6.3K 154 3
                                    

Agad akong hinarangan ni bella

"Bakit nandito na naman ang pangit?"
Sabi ni Bella isa sa mga babaeng flirt Dito

Hindi ko nalang sya pinansin at tatalikod na sana ako ng bigla nyang hinablot ang buhok ko.

Kaya nilingon ko sya.

"Ano bang problema mo?"
Walang emosyong sabi ko sa kanya

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!!"
Sigaw niya mismo sa mukha ko

"Bakit ako ang problema mo?"
Malumanay parin na sabi ko

"Dahil kapag nakita ko yang mukha mo ay kumukulo ang dulo ko!"

"Talaga? Kumukulo yung dugo mo? Edi wag mo kong tignan,basic"

Kaya mas lalo syang nainis sa sinagot ko sa kanya

"Paano hindi kita matignan ehhh magkaklase tayo!"

"Then that's not my problem anymore"
Sabi ko sabay alis at umupo na ako sa upuan ko

At eksakto naman na dumating na si maam.

Teacher namin sa Filipino subject.

"Nag study ba kayo class?"

"Yes ma'am"
Sagot ng mga kaklase ko maliban sa akin.

"Oh meanieyah hindi kaba nakapag study?"
Nakangisi nyang tanong sa akin
Kaya tinanguhan ko nalang sya.

"Okay meanieyah,stand up.I have a question for u.If u cannot answer, hindi ka makakaupo"

Tumango lamang ako kaya mukhang nainis sya sa inasta ko.

"Ano ang banghay?"

"Hindi ko alam"

"Hindi ka makakaupo kung hindi mo Yan masagot"
Pesteng gurong to

Tumawa naman ang mga kaklase ko at ang pinakamalakas na tawa ay kang bella

"Ang banghay ay ang bangkay na nasa bahay"
Sabi ko sabay upo at ang mga kaklase ko naman ay tawa lang ng tawa dahil sa sagot ko

"Ano!!"
Sigaw niya

Galit na talaga sya .Hahaha

"Do I need to repeat what I said?"
Nakangising sabi ko sa kanya

"Sino ang may sabi sayong umupo ka?!"
Sigaw niya

"Maam sabi mo kapag nakasagot na ako ay uupo na ako.Diba nakasagot naman ako?"

"At sinong may sabi sayong tama yon?"

"Wala at hindi mo naman sinabi na kapag mali ang sagot ko ay hindi ako makakaupo,hindi ba? Kasi ang sabi mo lang ay kapag makasagot ako ay makakaupo ako at nakasagot naman ako kaya makakaupo na ako"

"Argghhhhhh,gusto muba ibagsak kita? Tutal card day naman ngayon"
Nakangisi nitong sabi

Akala mo ba natatakot mo ako?Tskkkkk

"Do what u want because I don't care"
Malumanay na sabi ko sa kanya

Sa ala una pa kasi ang aming card day kaya ito nagkaklase pa.

*Ting*ting*ting*ting*ting*ting*

Haystttt salamat at bell na.

At sa inis ay lumabas nadin si maam Jeya

Hindi daw makakapasok ang math teacher na si maam lily kasi busy kaya subrang saya ko.

Kinuha ko ang aking libro na he's into her at nagpatuloy sa pagbabasa.

Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay biglang lumapit si bella at hinablot ang aking librong binasa.

"Ano ba!!"
Sigaw ko sa kanya at tinignan ko sya ng masama pero nakangisi lamang ang gaga

Binuksan niya ang libro at pagkatapos nang magsawa na sya ay bigla niya itong ibinato sa akin kaya natamaan ako sa ulo.

Pinulot ko nalang ito at inilagay sa aking bag.

Tapos umalis nadin sya sa harapan ko.

Tskkkkkkkkk papansin masyado.

Nagsidatingan na ang mga magulang ng aking mga kaklase.Mama ko lang Ang wala.

Pagkalipas ng ilang oras ay tinawag nadin ang mga na with honors.

At ang last na tinawag ay ako dahil ako ang may mataas na average which is 94.

Pumunta ako sa harapan at kinuha ang certificate of recognition at nagpicture muna kami ng guro ko bago ako bumalik sa aking upuan.

Hindi ko makuha ang aking cards dahil Wala ang aking magulang.

Makuha mo lamang kasi ang iyong card once na pumunta ang iyong magulang.

Pagkatapos ng card day namin ay umuwi na agad ako.

Sa pagdating ko sa bahay ay muli nadatnan sila mama na tumatawa kasabay si ate at papa.

Kaya huminto muna ako sa may pinto at tinignan sila.

"I'm so proud of u anak dahil with high honors kana naman"
Nakangiting sabi ni mama kay ate

"Dali na magbihis kana dahil bibili na tayo ng kotse para sayo"
Sabi ni papa

"Yeheyyyyyy!!"
Sigaw ni ate sabay tawa

Ang saya-saya niya,sana ganyan din ako

Kaya pumasok na ako sa pinto na mukhang walang nakita.

Hindi ko nalang sila tinignan

"Oh anak nandito kana pala"
Baling na sabi sa akin ni papa

Tskkkk

"Papa may gusto sana akong sabihin sayo"

"Ano yon!"
Biglang singit ni mama

"Ah-eh gusto ko sana kasing magtransfer"

"Ano!!"
Sabay na sigaw ni mama at papa wala na si ate kasi nagbihis na sya

"Gusto ko pong magtransfer"
Pag uulit ko sa aking sinabi

"At bakit?"
Tanong ni papa sa akin

"Dahil sawa napo ako sa paaralang yon"
Malamig na sabi ko sa kanila.

"Hindi pwede!"
Sigaw ni Mama

"At bakit?"
Walang emosyong sabi ko

"Dahil hindi pwede!!"
Sigaw niya ulit

"Bakit nga!?"
Sigaw ko din sa kanya

"Kung magtratransfer ka sa ibang paaralan ay umalis kanalang sa bahay na ito at hindi ka na namin ituturing pang pamilya.Kaya pumili ka,magtransfer O manatili sa pamilyang ito?"

Tinignan ko naman si papa at seryoso lamang ito

"Magtransfer"
Desidido kong sabi

Kaya medyo nagulat pa sila sa aking sinabi.

"So pipiliin mo pa talagang magtransfer huh kaysa manatili sa pamilyang ito?"
Seryosong sabi ni papa ngumisi nalang ako

"Pamilya? Kailan niyo ba ako tinuring na pamilya? Sa pagkakaalam ko ay kayo lang ang magkapamilya.Mukhang ampon lang nga ako Dito ehhh"

Seryosong sabi ko sa kanila.

Hindi kona hinintay pa ang kanilang sagot bagkus ay umakyat nalang ako sa kwarto ko kasi feeling ko anytime tutulo nayung luha ko.

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon