Minsan sa tuwing titingin ako sa mga taong tumatawa o nakingiti lang iniisip ko kung iyun ba talaga ang totoo nilang nararamdaman..
Kung hindi naman, bakit pa sila tumatawa? Bakit pa sila nagpapanggap na masaya? Pwede naman na magpakita ng totoong nararamdaman... Sabagay, sa sarili ko nga hindi ko magawa, paano pa kaya ang iba?
"az.... ano pwede na ba ako magtanong?"
At sa mga panahon na gusto mo lang mapagisa bakit kailangan pa mangulit sayo?
"Sige na az..... Pinagisipan ko na talaga 'to promise!"
Ayan na naman si Jae sa pinagisipan niya. Isang linggo na wala kwenta na mga tanong ang tinanong niya. Ikatlong tanong niya ay kung ano ang tawagan namin, malamang sa pangalan. Nagalit pa siya sa sagot ko na yun. Ikaapat naman ay kung palagi ba daw kaming nagkikita, mabilis na hindi ang sagot ko. Gusto pa niyang magkwento ako pero sa pagkakaalam ko, yung mga tanong lang niya ang sasagutin ko. Ikalima, kung niligawan ba daw ako. Natural, ang sabi ko hindi. At ayun, sangkatutak na lecture inabot ko tungkol sa 'dapat' nanliligaw ang mga lalaki. Ikaanim, Ano daw ang nagustuhan ko kay Andrei. Sa lahat ng tanong niya, dyan ako pinaka nagisip, naalala ko pa tumingin ako kay Jae at sinabi ang sagot ko...
"Kung paano siya magmahal"
Natahimik si Jae, natahimik din ako. Mahirap talagang kalaban ang puso, ano?
Ikapitong tanong niya kahapon ay kung ano daw ang paborito naming gawin, hindi ko nga alam kung bakit mga ganyang tanong lang ang tinatanong niya.
"Magusap," yan ang tangi kong sagot sakanya.
At ngayon, heto na naman siya.. Magtatanong daw ulit.
"Az. Eto level up na ito ng mga tanong ha. Kailan yung exact date ng naging kayo?"
"Sept 1,2012"
"Aba, malapit na nga kayong mag one year. Isang linggo na lang. Saan plano niyong nagcelebrate? Tulungan kita mamili ng ireregalo sa kanya!"
"Jae, you don't need to do that and besides, wait. One question, one answer per day nga pala. Basta."
"Magkwento ka na kasi and stop that one question one answer mo. Alam mo kasi Az, di ko talaga gets eh. Paano? I mean, HELLO? ikaw at si Andrei? My gosh, Az."
"I know Jae, I clearly understand why you're acting that way. But i don't like to share my story. Maybe not now, maybe when i'm ready."
"Sige na nga. Ikaw lang din naman inaalala ko eh. Risky yang pinasok mo Az"
Alam ko. Tumango na lang ako sa kanya.
"If you need help, dito lang ako az," sabay ngiti ni Jae. Magulo man siya, maaasahan din talaga yan. She's more than a friend to me. She became a sister to me. Ayoko lang sabihin sa kanya, masyado yan magddrama.
"By the way az, can we go to Cafe Mazi first before going home?" Tanong ni jae.
"Huh? Why?"
"I-abot ko lang tong gawa ko, asar kasi nagcutting groupmates ko"
"If I know jae, you also want to ditch the class awhile ago"
"Alam mo naman pala eh. Kaso panigurado sasabihin mo na naman kay mom if ever"
Napailing na lang ako. Not intentional naman kasi noon na ako napagtanungan ni Tita Jes, ayun nasabi ko na wala sa class si Jae. Nag-cut. Natulog sa library. Psh.
"Ano az, let's go?"
"Fine"
Hindi naman malayo ang Cafe Mazi, few blocks away from school. Kayang lakarin, pero andyan na din naman si Mang tolayts kaya sumakay na din kami.