LOA S3 Part 72: White Beki sa Karagatan

1.3K 104 9
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 30, 2020

(Author's Note: Kung walang nakalagay na POV automatic ay kay Narding iyon dahil book niya ito. Para maiwasan ang pag kalito.)

Part 72: White Beki sa Karagatan

"Oy mga bata huwag kayong pupunta sa malalim dahil baka malunod kayo. Dito nalang kayo sa pampang at mag laro ng sand! Jusko ang hirap ng single mother." ang sigaw ni Cookie habang nag iihaw ito ng pusit at bangus. Samantalang sina Ace, Nai at Tibur naman ay nag kakarera sa dagat ng pag langoy.

"Sawa kana sa dagat kaya ayaw mong maligo?" biro ko kay Irano sabay abot sa kanya ng barbeque.

Ngumiti siya at kinuha ito. "Langoy ako ng langoy, walang katapusan at ilang beses na rin akong nalunod dito." ang natatawa niyang sagot.

"Maganda ba sa ilalim nito?" tanong ko.

"Malawak ang karagatan, walang hangganan. Para itong isang mahabang linya na tuloy tuloy. Katulad ng kalawakan ay mahirap rin suyurin ang ilalim ng kagaratan. Bagamat para sa akin ay mas masarap mag lakbay sa ilalim nito dahil makikita mo ang kayamanan na hindi nakikita sa kalangitan. Mas delikado nga lang sa pinaka kailaliman nito dahil maraming mga nilalang ang naninirahan na walang tao sa babaw ng lupa ang nakaka alam. " ang sagot niya.

"Sana ay pwede ko ring makita ang nakikita mo. Nga pala, naalala ko ang sinabi sa atin ni Enki, na pareho tayong niloko ng mga taong minamahal natin. Kung ganoon ay nasaktan ka rin pala ni Cyan."

"Oo, maraming beses. Nag patayan pa kami ng gagong iyon. Kayo ni Bart?"

"Katulad niyo marami ring problema ang dumating sa aming dalawa. Minsan na rin kaming nag laban at nagkasakitan. Kaya pala sinasabi ni Enki marami tayong pag kakatulad na dalawa."

"Masaya ako na malamang hindi lang ako ang nag iisa sa mundo. At salamat sa pag tanggap sa akin bilang kapamilya niyo. Naka kita ako ng tunay nakaibigan sa liga." ang tugon ni Irano habang naka ngiti, nakatanaw siya sa karagatan kung saan nag lalangoy sina Ace at Nai.

"Maganda dito, parang paraiso. Iyon nga lang ay mahina ang alon, ayaw umabot sa paa natin." ang biro.

Natawa si Irano at hinawakan ang tubig. Dito ay simula itong umalon ng malakas na ikinagulat ng lahat. Pero natuwa sila at kumuha ng mga salbabida upang mag tampisaw.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon