LOA S3 Part 73: Nag iisang Minamahal

1.1K 94 4
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 30, 2020

Part 73: Nag iisang Minamahal

BART POV

REPORT: Ayon sa mga residente ang nilalang na ito ay tinatawag nilang banutok, mga kakaibang nilalang na mataas, maiitim at balot ng grasa ang katawan. Mayroon mahabang tainga, matutulis na kuko, ngipin at armado matalim na itak. Kakatok ng maraming beses ang banutok at kapag binuksan mo ang pintuan ay isasagawa nito sa iyo ang hindi kainis nais na bagay. Kaya naman nag babala ang mga otoridad na mag ingat, siguraduhing naka kandado ang mga pintuan ng inyong tahanan at iwasan ang pag ronda at pag rampa sa gabi.

End of Report.

"Tang ina naniniwala ba kayo sa balita ni Liza Mae? Talagang sa beach pa nag report ang loko." ang wika ng mga kasamahan kong modelo habang pinapanood ang tungkol sa balita.

"Hindi mga pare, totoo nga raw ang banutok. Ang sabi ng pamilya ko doon sa probinsya ng Balrik ay gabi gabing may kumakatok sa kanila. Isang lalaking may mahabang ngipi, may mga mahahabang kuko at may hawak pang itak. Sumasalakay ang mga ito sa oras ng alas 8 at alas 9 ng gabi." ang wika ng isa kaya naman ang lahat ay napatingin sa orasan. Eksatong 8:30 ng gabi.

"Tang ina, isara niyo na yung pinto baka maya maya ay may pumasok pang banutok dito sa bahay e matuluyan pa tayo!" ang natatakot na hirit ng isa sabay sara at kinandado pa ang pintuan.

"Ngayon nga raw ay sinasalakay ng mga banutok ang bayan." ang wika pa niya.

Habang naka higa ako sa itaas ng double deck ay naisipan kong tawagan ni Narding. Sa pag kakarinig ko noong gabi ng selebrasyon ng liga ay doon sila mag tutungo sa bayan ng Balrik.

Nag ring ang kabilang linya..

Agad na sumagot si Narding. "Hello Bart?" ang pabulong na boses nito, medyo choppy pa ang signal na nawala wala.

"Nasa Balrik ba kayo? Nakita ko ang report ni Liza Mae kanina tungko sa banutok. Sinasalakay ba kayo?" ang tanong ko.

"Oo, mayroon sa labas. At sa ngayon ay may nakapasok na nga dito sa kusina ang bahay. Pero huwag kang mga alala, wala lang naman ito." ang sagot niya.

"Syempre hindi ko pa rin maiwasang mag alala lalo't wala ako diyan."

"Wala iyon, mag iingat ka dyan at huwag kang mag liliwaliw Bartolome. Sandali lang ha, mayroong tatlong nakapasok sa kusina." ang wika niya at narinig ko nga na nag kakalabugan na yung kasangkapan.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon