[36]: Ewan

197 11 2
                                    

5 days after..

[ASHLEY's POV]

"Bakit ba kasi wala pa sila hanggang ngayon ha?" tanong ko sa taong busy sa iPad niya. Di siya sumagot agad. Napaface palm nalang ako at napabuntong hininga.

"Hindi nga namin alam Ash. At isa pa, may kasalanan ka pa dun sa pinto. Tch."

"Hoy Dylan, wala akong pakialam sa pinto na yun. Nataranta lang ako na baka umalis kayo na wala ako."

"So sinong may kasalanan? Yung taranta mo? Ganun? Ge push mo yan." napatingin ako sa kanya. Kabwisit talaga 'tong si Dylan minsan eh. Sumandal nalang ako sa sofa at nagcross arms.

Ganun nalang aalis sila ng di namin alam? Ngayon lang nila ginawa yan na iniwan nila kami sa ere. Kahit isang clue kung bakit nag-alisan sila wala kami.

"Mukha mo Ash nagiging abo na. Pffft." napalingon ako sa likod ko at nakita ko na naman ang gwapo-este mala Mr. Bean na mukha. Binato ko siya ng unan pero nakaiwas siya.

"Tch, wag ka nga Jace. Suntukin kita d'yan eh." pero imbis na sumagot ginulo nalang niya buhok ko. Psh, wala siyang magawa, ako natripan eh.

*
*
*

[ETHAN's POV]

Nasa sala kami ngayon. Ganito naman kami lagi tuwing Friday. Wala naman ding bago noong mga nakaraang araw. Pwera nalang dun sa mga umalis. Di rin namin sila makita sa school.

"Palitan niyo nga yan. Nakakaantok eh." sabi ni Jace na mukhang inaantok nga. Kasi naman yung pinapanood namin is Letters to Juliet, love story.

"Kung ayaw mong manood Jace. Matulog ka nalang d'yan. Sturbo 'to." angal ni Kay. Pffft, nakakatawa na tuloy yung mukha ni Jace ngayon. Parang may gustong kumawala na dragon. Napailing nalang ako. Tinutok ko nalang ulit ang mata ko sa TV.

"Ano ba naman yang ginagawa niyo sa bahay? Nakatunganga lang ha?! Tch."

Ehh? Nagulat nalang kami ng magsalita si Kai. Aba, at nilagpasan ulit kami. Nakatingin lang kami sa kanya habang busy siya sa pagtatype sa phone niya.

"Kai anong problema?" tanong ni Hunter na seryoso ang boses.

"Wala na kayo dun." at saka siya lumabas ulit ng bahay. Susundan na sana siya ni Hunter pero si Ate Sue na panira ng moment ayun pinigilan ulit.

"Gusto niyo bang magkawatak-watak kayo? Kung hindi, hayaan niyo sila." saka umupo ulit si Huntet at nakinood nalang.

*
*
*

Kinabukasan..

[NATALIE's POV]

Nandito kami ni Tylet sa mall. Namasyal kami. Boring na kasi masyado sa bahay eh.

"Where do you wanna eat Nat?" english boy na naman 'to eh.

"Kahit naman saan Ty pwede. Basta masarap." ngumiti lang siya sa'kin. Nakatingala lang akong nakatingin sa kanya. Eh pano? 6 footer din 'to eh. Tch.

Ginala ko ang tingin ko sa buong mall. Ang raming tao talaga tuwing sabado. Namimiss ko tuloy yung iba. Noon kasi lagi kaming magkasama mamasyal sa mall pag boring na sa bahay. Tapos ngayon, kami nalang ni Ty yung namamasyal.

Dumaan kami ni Ty sa may Starbucks at may napansin akong pamilyar na likod. Nakatalikod kasi siya sa'min. May kaharap siyang magandang babae at parang tuwang tuwa silang naguusap.

Napansin kong tumayo yung lalaki at pumunta sa may counter at kinuha yung order nila. Pagkaharap niya dun lang ako napatakip ng bibig. "What's wrong Nat?" tanong sa'kin ni Ty kaya tinuro ko ang kinaroroonan ng taong nakita ko.

"No f*ckin way.." yung lang ang tanging lumabas sa bibig ni Ty. Kahit ako nga di makapagsalita.

Bakit ganun Kai? Sino yang kasama mo? Mas mahalaga ba yan kay Kylie? Napansin ko rin na pumasok si Kylie sa Starbucks pero hindi na siya tuluyang pumasok ng magkatinginan sila ni Kai. Sinubukang habulin ni Kai si Kylie pero pinigilan siya nong babae.

"Ty, lets go." agad namang naglakad si Tyler pagkasabi ko non.

*
*
*

Nasa parking lot na kami ngayon at hinahanap si Kylie.

"Ky, asan ka!" sigaw namin ni Ty para madali namin siyang mahanap. Bawat sulok tinignan namin kung asan siya.

At napansin naming may humahagulhol sa pinakasulok na parte ng parking lot at dun namin siya nakita na nakaupo habang nakasandal sa semenyo at umiiyak.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Ky, I'm sorry. Nakita din namin yung kanina." yumakap na din siya ng mahigpit sa'kin.

"Iuwi nalang natin siya sa condo niya Nat. Mas mabuti dun kesa dun sa bahay."

Tumayo kami at pumasok ng kotse. Hayy, kailan pa maayos lahat 'to.

----------

A/N: The next chapters guys is kanya kanyang POV ng characters.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon