[39]: Francis Dylan Rodriguez

273 9 5
                                    

Announcement:

Kung maaalala niyo si Jace grabe ang kabaliwan. Asahan niyo na siya ang role model. XD

[DYLAN's POV]

Nakatulala akong nakatingin sa kanya. Sheyt! Ang gwapo. Laglag brief ko day! :3 Ginulo niya ang buhok saka ngumiti sa'kin.

"Brad yung laway mo tumutulo na, pffft." saka niya kinuha ang panyo niya at pinahid sa may bibig ko. Agad ko naman kinuha yun. Tumalikod ako saka nagpahid, kakahiya mga tsong! Talaga bang nag drool ako?

Humarap ako uli sa kanya saka ngumiti na parang nahihiya pa. "Brad, ikaw pala yan eh. May kasama ka?" tumingin ako sa likuran niya kung meron ba siyang kasama. I heard him chuckle saka niya ko inakbayan.

"Kakahatid ko lang kila Ate Sue. Binisita kasi nila ako sa office. Ikaw bat ka nandito? Mas kasama ka ba?"

Nagsimula na kaming maglakad. "Ah, oo meron. Andun siya sa may bench na yun." saka ko tinuro yung kinaroroonan ni Zie.

Nang malapit na kaming makarating sa bench, biglang huminto si Xander habang nakatingin kay Zie. Nakita kong lumingon din si Zie sa kung nasan kami at gulat din na nakatingun kay Xander. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.

Magsasalita pa sana si Xander ng..

"Hep hep! Teka mag eyemo muna kayo baka sa kakatitig niyo sa isa't isa ng di kumukurap baka pumasok yung lamok at ma RIP na d---ARAY NAMAN! :3" napahawak ako sa may ulo ko. Abat sabay pala nila akong binatukan? Paanong? Turo ko kay Zie at sa bench kung san siya nakaupo kanina.

Nagtitigan na naman silang dalawa. What's the hot issue? :3 Nasa gitna lang nila ako. Nagpapalitan ng tingin sa kanilang dalawa. Naghihintay kung sinong mauunang magsalita.

"Hi..."

"Hep! Ang baho ng hininga niyo. Mag V fresh muna kayo." sabay labas ko ng v fresh sa bulsa ko at binigyan sila tig-iisa.

"Segway pa! Psh." kambal ba sila? O long lost kambal sirena? Sabay kasi nila akong pinitik sa noo at sabay din sinabi yun. Napahawak nalang ako sa noo ko saka nagpout. "Oo na, pwede na kayo magsalita. Pero honestly, kainin niyo muna yung v fresh, mabaho talaga eh." saka ko tinakpan ang ilong ko. Napatakip ako bigla sa mukha ko ng tignan nila ako ng masama. Pero nakasilip ng konti. Mwahaha.

"Hi Kuya Xander. ^_^" -Zie

"Hi Zykael. :)" saka sila nagyakapan. Sumali na din ako sa yakapan nila. Group hug 'to ano ba kayo.

"Ancis, hindi ka kasali."

"Ay, di pala ako kasali, sorry. Sige patuloy niyo na yan." saka ako kumalas sa pagkakayakap ko sa kanilang dalawa. Nagpipigil lang sila ng tawa. Aba, aba! Hindi ako comedian para pagtawanan.

"Ehem, care to explain?" tinaasan ko sila ng kilay saka tinuro silang dalawa.

*

*

*

"WHA--aray na naman! Bat binabatukan niyo ko lagi? *pout*"

"Wala pa nga kaming sinasabi nagrereact kana eh. Magkapatid ba kayo ni Jace Ancis? Baka pinaglayo kayo di niyo lang alam."

"Alam mo brad, kung sakaling magkapatid nga kami ni Jace, wag kang magalala brad tatanggapin ko siya ng buong puso saka ko siya ihuhulog sa bangin." sabay subo ko ng hamburger na inorder namin. Tumingin ako sa kanila habang ngumunguya.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon