[AUTUMN's POV]
Ang tagal naman nila. Gaano ba kahirap pumili ng kakainin? Eh parehas lang naman yan sa mga kinakain namin sa bahay. Mas sosyal lang ang pangalan. Omelet ala tinadtadnabaka. Diba? Parang indian na salita lang.
"Here you go Kay. Dinalhan na kita." sabay lapag ng plato. Agad akong napalingon
"Hi Ty. Nakita mo na sila?" masaya siyang tumango at umupo sa tabihan ko. "Si Nat?"
"Kasabay lang nila. So, are you ready for tomorrow?"
"Medyo kinakabahan ako. Pero ready na ako. Pinaghirapan ko 'to."
"Good. We'll support you then." ngumiti siya bago sinubo ang pagkain niya. Aja! Fighting Kay.
"Ty, bakit hindi mo sinabi na nandito kayo ni Nat. Kayo ha, sumisekreto na kayo."
Nakita ko na parang kinikilig si Ash. Gege talaga tong isang to. Ayan tuloy namula agad ang mukhani Nat. "Tse! May inasikaso lang kami no."
"Yung kasal niyo? Abay kami ha. :3" -Ash
"Tigilan mo na yan Abo. Baka pumutok yang si Nata. Mahirap na." -Jace. Nagpeace sign lang si Ashley saka nagsimulang kumain.
Its good to see them. Pero wala pa ring pagbabago. Tinignan ko sila isa-isa. Si Ashley, ganoon pa rin. Maingay, ayan tuloy nahahampas siya ni Jace. But still pretty. Kahit naman nakabusangot yang si Ash maganda talaga siya. Sunod si Sam, alam mo yung feeling na pagkasama mo si Sam parang ang panget mo? T.T Hindi kasi halata sa mukha niya mas bata siya sakin. Kaiyak no? Pero ang sabi nga ni Miss V. Love yourself as you love your neighbors.
(Miss V: May sinabi ba akong ganun Kay? Wala akong matandaan.)
Ay? Wala ho ba? Baka imahinasyon ko lang yun. Si Kuya Paul naman, ganoon pa rin din. Matinik sa chix, yung tipong isang tingin lang niya parang mamamatay na yung babae. Ganun kagrabe yung karisma niya. Si Dylan naman. No comment. Haha, joke lang. Moody pa rin, pero andoon pa rin ang pagiging 101% na pagiging makulit niya.
"Kay, are you okay? Kanina ka pa tulala diyan. May problema ba?" napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Ethan. Umiling ako sa kanya at ngumiti.
"Wala. Tinignan ko lang sila. Namiss ko rin na ganitong tayo. Lets eat?" ngumiti ulit ako saka nagsimulang kumain.
*
*
*
Papunta na kami sa condo ko na bili ni Dad. Para daw pag sumasali ako aa surfing competition, di na ako pupunta ng hotel dito nalang sa condo.
"Hoy Jace ano ba. Bat ba ang likot mo d'yan?"
"Sumasayaw lang ako. Malikot agad? Grabe ka brad."
Natatawa kaming nakatingin kay Jace. "Bakit ka ba kasi sumasayaw?"
"Dance of excitement." tas sumayaw ulit siya. Haha, crazy dance naman yang sinasayaw niya eh. Pffft, nakarating na kami sa tapat ng condo kaya agad kung binuksan. Patakbong pumasok habang sumasayaw pa rin. Alien talaga. Isa isa na kaming pumasok saka ko sinara ang pinto.
"NOOOO!!"
O____O
Napalingon kaming lahat kay Jace na sumigaw. Lumingon din siya sa'min na nakataas ang kilay. "Bat ganyan mukha niyo? Nakakita ba kayo ng multo?" dinampot ni Kuya Paul ang tsinelas niya tas tinapon kay Jace. "Loko ka! Sinong hindi mapapalingon eh sumigaw ka."
"Pffft, HAHA. Yun ba? Pagkabukas ko kasi ng TV may tumalon ng building kaya sumigaw ako." isa isa na namin siyang binato ng tsinelas. Ngumiti lang siya, yung style niya gums smile.
Lumapit si Kuya Paul kay Jace saka niya binatukan. "Aray ko mylabs! Bat moko binatukan?" sabay pout ni Jace habang hinihimas ang ulo niya. "Kinabahan ako doon sa pag-sigaw mo. Huwag mo kong pinapakaba."
"Sus, pag sa kama di ka kinakabahan. Pero sa pag sigaw ko ng NO kinabahan ka? Lakas talaga tama mo sa'kin mylabs. Pahug nga." kaya agad namang yumakap si Jace kay Kuya Paul.
"Pwe! Bromance mga brad." -Ancis
"Ang sagwa tignan." -Ash
"Mga panda nagyayakapan." -Xander
Tawa lang ako ng tawa sa kanila. Nagbeso beso pa silang dalawa sabay flip hair. "HAHAHAHAHAHAHA!!" tawanan naming lahat. Hinampas nalang ni Kuya Paul na mas kinatawa namin. "Langya Lee. Nakakabakla ka." Haha, nakakatawa talaga silang tignan.
"Tama na nga yan. Buti pa manood nalang tayo ng movie." aya ko sa kanila saka nila nilapag mga gamit nila.
"What movie?" -Sam
"Comedy." -Jace
"Comedy? Eh mukha mo palang nakakatawa na." -Austin
"Namo Gonzales." -Jace
Kinuha ko yung mga CD na nakatago sa cabinet ko. More than 100 CD's meron ako. Si Dad kasi mahilig manood ng movies. Inabot ko kay Seb yung mga CD's.
"Lulunurin mo ba ako sa mga ito Kay? Tiyak iiyak ang mundo."
"Kailan pa nagkaroon ng mata ang mundo Seb. Sa pagkakaalam ko ozone layer lang meron ang mundo." -Jace
"Panira ka talaga panda ka. Iiyak ang mundo kasi mawawalan ng gwapong Seb pag nalunod ako sa mga ito."
-______- -mukha naming lahat.
"Pakilunod na si Seb." -Ethan
"Grabe ka Go."
*tap his shoulder* "Okay lang yan Seb. You can get away with it." narinig kung tumawa ng mahina si Ethan kaya siniko ko siya.
"Pili nalang tayo ng kahit ano. Basta yung maganda ah." -Ash
"Oo naman Ash. Kasing ganda mo." -Austin
"Sus! Dumadamoves ka na naman Gonzales." -Seb
Sinamaan lang ng tingin ni Austin si Seb. Nagpeace sign lang si Seb sa kanya saka binalik ang pansin sa pagpipili ng CD.
"CR muna ako guys. Brb" di ko na sila hinintay na sumagot. Binuksan ko agad ang pintong CR.
"SHIT! AWW!" narinig kong patakbo sila papunta sakin. Ang sakit noon ah. Tsk.
--------------
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)