[SEB's POV]
"Are you f*ckin' kidding me?! Hell no. Bat ko naman gagawin yun?!" nagtitimpi na ako sa galit, gustong gusto ko na siya suntukin. Minsan naisip ko, bat ba nila ako kinokontrol? Di naman ako robot para pasundin nila palagi sa mga gusto nila.
"And why Sebastian? Alam mo ang kayang gawin namin ng Papa mo with all your accounts." psh, ayan na naman ang pananakot niya sa'kin. So what? Kunin niya lahat yan! Putang*ina, anak ba nila talaga ako? Bat ba nila ako ginaganito?
"O, di ka makapagsalita d'yan? Alam kong takot kang iplaclose ko ang mga accounts mo. *chuckles* Well, wala ka nang ibang choice, you will be engaged within 4 days. You will like her Seb, just try, its for our business." napatawa ako ng mahina. For what? Of course, business. Ano pa bang bago? Kapag mayaman ka, wala ka nang karapatang magmahal ng iba dahil mismo magulang mo ang kukuha para sa'yo. Ganda no?
"I have a question for you MA." diniin ko pa nga yung word na 'MA'. "Kailan pa naging business ang pagmamahal?" halatang nagulat siya sa tanong ko. "Kailan pa nagka presyo ang pagmamahal? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi nabibili ang pagmamahal, kusa mo yung mararamdaman towards sa isang tao."
Hindi makapagsalita si Mama, alam kong arranged marriage din sila ni Papa. "Hindi sa lahat ng panahon nakukuha niyo ang gusto niyo. Hindi sa lahat ng panahon nakokontrol niyo ako. May sariling isip at damdamin ako Ma. Hindi ako robot at higit sa lahat hindi ako manhid." nakatingin lang siya sa'kin ng diritso. Ganyan siya pagnag lilitanya ako. Kinuha ko ang bag ko na may laman ng lahat ng gamit ko.
"Una sa lahat, anak niyo ko, may damdamin at napupuno rin. Ma, ni minsan ba naisip mo lahat ng mga ginawa ko para sa inyo? Lahat ng gusto niyo sinusunod ko? Hindi pa ba sapat yun Ma? Nakakasawa na eh, laging desisyon niyo nalang ang nasusunod. Paano naman ako Ma? Kailan nasusunod ang desisyon ko? Kung magsisisi na kayo sa mga ginawa niyong pagkokontrol sa'kin?" hiningal ako dun ah? Pero gusto ko lang ilabas lahat ng galit ko.
"Second, gawin niyo na gusto niyo sa mga accounts ko. Para san pa? Kung puputulin niyo lang naman ugnayan niyo sa'kin. Gawin niyo na habang maaga pa. Bato kayo eh, kahit ano pang sabihin ko hinding hindi magbabago isip niyo. And lastly, kailangan ko nang umalis. Hindi na ako uuwi sa bahay niyo." sabay talikod ko sa kanya at lumabas ng pinto. I sighed to relief myself saka ako nagsimulang maglakad palabas ng building.
*
*
Pagkalabas ko ng building agad akong nagpara ng taxi. Pagkapasok ko ng taxi agad kong sinalpak earphones ko sa tainga ko. "Kahit san po manong, badtrip ako ngayon." hindi lang umimik si Manong at agad na pibatakbo ang taxi. Ang dami na naming nadadaanan na building, may mga nakikita akong maraming tao na naglalakad sa side walk.
Kate? Sinundan ko ng tingin ang babaeng nakita ko at confirmed na si Kate nga. "Manong bababa na po ako. Pakihinto sa tabi." agad namang hininto ni Manong ang taxi, inabutan ko nalang siya ng 200 pesos. Di ko nang hinintay na magsukli si manong, agad akong bumaba ng taxi.
Agad hinanap ng mata ko si Kate. Ang dami kayang taong naglalakad dito ngayon, hindi ko alam baka nakalayo na si Kate. *sigh* Kaya naglakad nalang ako..
"Hi there Mr. Valdez. :)"
O___O
"O? Bat ganyan mukha mo? Ngayon ka lang ba nakakita ng dyosa Seb? Wag ka nga alam ko na yun. Haha. ;)" okay na sana eh may dinagdag pa. -___- tumingin ako ulit sa kanya. Ngumiti nalang ako saka siya niyakap. "Ah, Seb, nasa gitna tayo ng side walk. Nakakahiya sa mga dumadaan oh. Baka pagkamalan tayong nagshoshoot dito." pero imbis na kumalas ako, mas hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)