[NATALIE's POV]
"Ang daya!! Nahuli na kita eh."
"Blee, hindi kaya. Nyenye." agad ko siyang binato ng tsinelas ko. Madaya talaga tong si Seb eh. Nahuli ko na siya eh. Alam niyo yung ginagawa namin? Nagpapatintero sa buhangin.
Kasama ko sina Ethan, Jace at Austin. Kalaban naman namin sila Ancis, Ash, Sam at Seb. Si Kay nakaupo lang sa buhangin at nagpipicture samin.
"Tama na. Kanina pa tayo dito. Palubog na yung araw." sabi ni Austin na agad humiga sa buhangin habang hinihingal. Umupo na rin kami.
"Ang ganda ng sunset oh." -Ash
"Mas maganda ka pa sa sunset Ash." -Austin
*cough cough* "Langya! Pumasok yung tubig sa ilong ko."
"HAHAHAHA!" nakakatawa yung reaksyon ni Jace sa sinabi ni Austin. Panira ng moment talaga tong isang to eh. Natahimik kami ulit habang nakatingin sa sunset. Si Kay busy sa pagkuha ng litrato namin.
"Tara na. Uwi na tayo. Lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Tsaka nagugutom na rin ako." agad naman kaming tumayo. Pag si Tyler na nag-aya, sumusunod kami agad.
Magka-akbay kaming lahat habang naglalakad pauwi sa condo ni Kay. Ang saya namin tignan no? *giggles*
*
*
*
RING!
Napabalikwas ako ng bangon. Huta, sino bang walanghiya na tatawag ng alas 5 ng umaga. Agad kong hinanap ang pgone ko. Mahirap na baka magising sila.
Tinapat ko sa tenga ko ang phone ko at bumulong. "Hello. Sino to?"
(Langya Nata. Nag Siargao ka lang di mo na ako kilala. Nakakatampo ka.)
Tinigna ko ang screen ng phone ko to check kung sino. PANDA KAI. "Sorry Kai. Kasi naman nakapikit pa ako noong pinindot ko ang phone ko. Kaya di ko na nacheck kung sino. Teka nga bat ka ba tumatawag ng alas 5 ng umaga. May kailangan ka ba?"
(She's in Siargao.)
*tootoot..*
-_______-
Babaan ba daw ako ng phone? Langyang Kai yun. At ano daw? She's in Siargao? Sinong she naman? Tsk, bahala na nga lang. Humiga ako ulit sa kama. Nilingon ko yung katabi ko. Si Sam, mahimbing pa siyang natutulog.
"Ano ba yan nawala tuloy antok ko. Psh." sabay bangon ko at lumabas ng kwarto. Kinukusot ko pa yung mata baka mabangga pa ako. Mahirap na masira beautiful face ko. :3
"Do you really love her?"
"Hindi pa ba love yun? Oo nga't di ko pinapakita sa kanya. Ayokong maging showy sa kanya. Lalo na ngayon may boyfriend siya."
"Pero ito na ba yung tamang panahon na susuko ka?
Bahagya akong sumilip. Narinig ko kasing may nag-uusap sa sala. Nakita ko ang dalawang gwapong bestfriend ko na masinsinang nag-uusap. Naglakad ako palapit sa kanila at tumabi kay Tyler. "Wag kang drama panda. Di bagay sa image mo." pabiro kong sabi sa kanya.
"Nata naman eh. Alam mo namang minsan lang ako magdrama. Sinisira mo pa."
"Chuu~ sabi nang di bagay sayo eh. Mas gwapo ka pag nakangiti Jace." sabi ko at sumandal a balikat ni Ty.
"Tama nga naman Jace. Time will come na masasabi mo rin sa kanya ang nararamdam mo." tumango ako to agree.
*chuckles* "Yaan na. Life is really unfair. Kahit naman masabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Kung wala naman siyang nararamdaman para sakin. Edi wala ring mangyayari." ano bang nakain ni Jace at ang drama niya ngayon? Di ako sanay na ganyan yan.
"Bakit ba ang aga niyong nagising?" iniba ko nalang yung topic.
"Nagising kasi ako Nata. Alam mo namang dito lang ako natulog sa sala kagabi." -Jace
"Me? Iinom lang naman sana ako ng tubig. Pero napansin kung tulala si Jace kaya nilapitan ko siya." -Tyler
"Good morning." napalingon kami agad sa likuran namin at nakita namin si Sam na kinukusot pa yung mata niya. Naglakad siya palapit samin at tumabi kay Jace at sinandal ang ulo niya sa balikat nito.
"I'm hungry." -Sam
"Magluto nalang tayo. Tutal mag aalas sais na rin ng umaga." -Jace
Tumayo na yung dalawang mokong. Ako tumayo ako at humarap sa malaking salamin ni Kay at inayos ang buhok ko. Ngayon ko lang napansin na polo shirt pala ni Ty yung suot ko tsaka maikling shorts pang tulog.
"We're really sexy Ate Nat." tinignan ko rin si Sam na nakasuot rin ng longsleeves na polo shirt na puti at maikling shorts din.
"Kanino naman yan?" turo ko dun sa polo shirt.
"Hehe, kay Panda Ate. Hinalungkat ko kasi yung bag niya kagabi. Nakita ko to kaya sinuot ko. Komportable kasi tsaka mabango. ^_^"
Ningitian ko siya saka tinapos na ayusin ang buhok ko. Pagkatapos hinila ko na siya paountang kusina. Masarap pa naman magluto yung dalawa. ^_^
*
*
*
"Ano namang gagawin ko hihilahin ko siya pauwi ng Manila ganoon ba?"
(Nat naman. Alam mong sayo makikinig yun tsaka pwede mo namang iuwi nalang sa bahay para marami siyang kasama.)
"Oo na. Dami mong alam eh. Siguraduhin mo lang maganda yan gagawin mo. Yung pati bone marrow ko lalabas na sa katawan ko."
(Oo nga kasi. Kulit mo rin no? Sige na. I have to go. May pupuntaha pa ako. Bye.)
Di na ako sumagot. I just ended the call at sinilid sa bulsa yung phone ko. Hindi ko alam kung asan ako ngayon. Hindi na daw kasi sila manonood ng competition. Instead, nanood nalang sila ng movie. Yung The Gifted ni Anne Curtis at Cristine Reyes.
Ako naman busy sa paghahanap sa taong dapat maiuwi ko sa Manila bukas. Eh san ko naman siya hahanapin? Hindi ko masyadong kabisado ang Siargao. "Nat!" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko Ty na tumatakbo palapit sakin.
"Bat ka ba umaalis mag-isa? Delikado."
"Anong delikado? Ty, tirik na tirik yung araw tas delikado?"
"Delikado nga kasi. Sa taglay mong kagandahan at kasexyhan hindi delikado na mag-isa ka lang umaalis? Dapat kasama mo ako." automatic na uminit ang mukha ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagsimula ng maglakad. Kasi naman eh. >///<
"Sino bang hahanapin natin Nat?" inakbayan niya ako. Hoho, nahihiya pa rin ako. Naman!
"A-ah s-si ano.. S-si.. Ahh basta. Ituturo ko nalangvsayo pag nakita ko na." makisama ka bibig. Nabubulol ka pa eh. Nahahalata ka. Ginala ko nalang yung tingin ko sa buong paligid. Where you na ba? Tch, baka di kita madala bukas pauwi ng Manila. Nako naman.
"Nat, is that Kylie?" agad kung nilingon yung tinuro ni Ty.
"Asan?"
"Yun o."
There she is. Nakaupo sa may tabing dagat. Nagmumuni-muni. Hinila ko na si Ty para malapitan namin si Kylie.
Umupo kami sa tabi niya. Lumingon siya na parang nagulat siya na kami ang makikita niya. "Hi Kylie. How are you?" imbis na sumagot, bigla niya nalang kaming niyakap ng mahigpit at umiyak. Kaya hinaplos ko ang likod niya.
"Its good to see you guys, again."
---------------
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)