[51]: Ethan Art Go

205 12 0
                                    

[ETHAN's POV]

Nasa airport na kami papuntang Siargao. Hinihintay nalang namin si Seb. Kay tagal maglakad ng taong to.

"Asan na ba si Valdez?" -Hunter

"Uso itext siya Andrada." -Jace

Nakapoker face na nakatingin si Hunter kay Jace habang nagtatype sa phone niya. May mata ata tong kamay ni Hunt eh. Agad tinapat ni Hunter ang phone niya sa tenga niya, mukhang tinatawagan na niya si Seb.

"Hoy Valdez, bat ba ang tagal mo. Naunahan ka na ng pagong oh. Buti pa siya nandito na kasama namin. Ikaw nasa banyo pa. Aminin mo." pinindot ni Hunt ang loudspeaker button.

(Langya ka Andrada, papasok na ako ng airport. Maghintay ka nga, kitang pinagkakaguluhan ako dito sa entrance eh. Daming babae.)

"Feel na feel mo talagang tumayo lang d'yan sa may pinto no?" -Jace. Agad akong lumingon sa may front door ng airport at nandoon nga si Seb nakatayo lang. Feeler talaga tong si Seb.

(Paanong?..)

Nakita naming nakabusangot na nakatingin si Seb samin. Haha, yan kasi. Sabihin pa na pinagkakaguluhan siya. Kinamay siya ni Xander. Binaba na rin ni Hunter ang tawag. Kawawang Sebo pinagkaisahan. Haha.

*binatukan si Seb* "Okay na sana Seb eh. Maniniwala na sana kami pero sayang nakita ka pa talaga ni Jace." -Dylan.

"Oo na. Epal talaga tong si Jace eh." -Seb

"Di ako epal. Sadyang kapansin-pansin ka lang sa banda doon." -Jace

Teka, asan na si Sam at Ash? Ah, oo nga pala, nagbanyo muna sila. "O andyan na pala yung dalawa eh." Patakbo silang lumapit sa'min.

"Sorry natagalan kami. Madaming tao sa CR eh." sabay kuha ni Ash ng bag niya kay Austin. Ay andito pala si Austin? Kanina pa siya di nagsasalita. Nakalimutan ko tuloy na andito siya.

(Good morning passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Siargao Islands. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.)

"Flight na natin yun. Tara na!" ang galing talaga nitong si Jace. At talagang nauna pa siyang pumasok. Nakasunod lang kami sa kanya. Di halatang excited siya. Ako kabado para kay Kay.

*

*

*

Kakapasok lang namin sa eroplano. Ang daming pasahero. Sigurado akong manunuod sila sa competition na yun. Hinanap na namin yung seat numbet namin.

"O ito na satin Go." sabay turo ni Dylan noong number. Kaya agad kong nilagay sa compartment ang mga bag na dala ko. May mga dinala rin kasi akong damit ni Kay.

"Good thing wala akong katabi." napatingin ako sa may likurang upuan ng samin ni Dylan. Nakita ko si Jace na ginagamit na salamin ang phone niya. Oo nga't wala siyang katabi. Baka hindi tumuloy yung dapat na nakaupo diyan. "Ang gwapo mo talaga Jace. Tsk, no wonder na maraming nagkakagusto sayo."

-_______-

May alimango na naman to sa utak niya. Kinakausap na naman niya ang sarili niya. Masama na'to, baka kailangan ng magpatingin ni Jace sa doktor. Umupo nalang ako. Ang aga naming gumising kanina pero almost 10 na di pa rin kami bumabyahe.

Nilingon ko ang magkabilang side ko. Sila Austin parang tulog na ata. Yung katabi ko naman, nakasuot na ng sleeping mask. Oo nga pala, itetext ko muna si Kay, one hour lang naman ang byahe.

To: Autumn Kay Salazar

Kay, nasa eroplano pa kami. Natagalan lumanding yung eroplano. May airtraffic daw kasi. Pero joke lang yun. Haha, sunduin mo nalang kami, isang oras lang byahe. Ingat ka.

SENT!

Pagkasend agad kong inactivate ang airplane mode. Baka makabulabog pa ako ng ibang natutulog. Idlip na muna ako sandali...

*

*

*

"HELLO SIARGAO!!!" nagtakip ako ng tenga ko. Kakalabas lang namin ng eroplano sumisigaw agad tong si Jace eh.

"Panda, manahimik ka nga. Hindi lang ikaw tao dito." suway ni Sam sa kanya. Kaya agad niyang tinakpan bibig niya ng dala niyang mask. Baka daw kasi pagkaguluhan siya, mabuti na daw yung sigurado. Galing no? -__-

"Asan na si Kay?" tanong sakin ni Austin. Buti naman nagsalita na siya. Akala ko kasi naputol dila at ayaw ng magsalita. "Paparating na daw siya. Nakaidlip daw kasi siya ulit kaya natagalan siya." tumango-tango lang si Austin.

RING!

Agad kong sinagot yung tawag sa phone ko. "Hello?"

(Ethan? Andyan na ba kayo? Papasok palang kami ng airport.

Ay, manong nandyan lang pala sila. Dito nalang ho ako.)

Nakita kong may pumark na taxi sa may tapat namin. Agad namang lumabas si Kay saka nagabot ng bayad kay manong.

"Hi guys. Sorry natagalan ako. Nakaidlip ako ulit eh." -Kay

"Ito pala pinagkakaabalahan mo?" -Dylan

Tumango lang si Kay. "Tara na? Bukas pa magsisimula ang competition. Bukas pa saw darating yung ibang sasali."

"Kay, wala bang pagkain dito? Kumakalam na sikmura ko eh." -Jace

"May sikmura ka pa pala Jace?" -biro ko sa kanya.

"Malamang Go. NakakapagCR pa naman ako ng maayos. Di pa naman dito sa gilid lumalabas yung dumi." -Jace

"Kadiri ka Jace. Tayo na nga, sa hotel na kayo kumain. Marami doon." -aya ni Kay sa amin kaya agad kaming pumara ng taxi. Pulubi kami ngayon kaya magtataxi muna kami.

*

*

*

And yes, totoo nga na madaming pagkain dito. Siguradong busog lahat ng alaga ni Jace. "Nagpa reserved na ako ng table natin." nakasunod lang kami ni Kay. Nangunguna si Jace na nakasunod, gutom na nga daw siya eh.

"Pre, parang nakita ko si Tyler. Ayun oh." sabay niya sa lalaking nakatalikod habang kumukuha ng pagkain sa buffet.

"Nakatalikod pa Xand, antayin natin." ang tagal namang makakuha ng pagkain tong lalaking to. May nakasunod na babae rin sa kanya. Parang si Natalie rin eh.

"Hoy ano na? Tutunga-nga nalang ba kayo dyan o kakain tayo?" tawag samin ni Austin. Kaya agad kaming sumunod sa kanila.

Nakarating na rin kami sa table namin. Agad naming binaba mga dala namin. "Kuha nalang kayo ng kahit ano. Bayad na din naman yan eh." wala pang isang segundo, si Jace andun na nakapila na. Ganoon ba siya ka gutom?

Sumunod nalang kami sa kanya. Talaga bang si Tyler yung nakita namin kanina? Parang di naman eh. Minsan pa naman tong mata ni Xander di nakakakita ng maayos.

"Ethan, uso umusog." kaya agad akong humakbang paabante. Nakita kong punong-puno na yung plato ni Jace.

"Long time no see Go, hi guys." ura mismo akong napalingon sa gilid ko.

So totoo nga?

--------------

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon