[44]: Samantha Fay Jong

326 10 2
                                    

Another day with full of happiness. Paano ba naman? Ang ganda kaya ng beauty rest ko. Dinaig pa ang pagtulog ni Sleeping beauty. Bumangon ako saka naginat at binuksan ang bintana.

Hhaaayyy! Tinignan ko ang kalendaryo. Its December 15 na pala, simula na mamaya ng unang misa de gallo. Magsisimba kaya ako? Aba, syempre no! :)

Tok tok tok

Wow! Ang aga ha. Agad naman akong nagtungo sa pinto at binuksan ito.

O____O

B-bat ganun? Sunggaban ba daw ako agad? Tsaka..

"Hoy Charles! Bat nanghahalik ka lang bigla. Pwee!" naitulak ko siya agad saka pinahiran ang labi ko. Kahit kailan talaga tong si Charles eh. Sarap isako tas ibitay sa mangga at pausokan.

"Masama bang *hik* halikan ang *hik* future ko?"

"Ano future pinagsasasabi mo dyan? Mukha ba akong course sa college? At tsaka bakit ka lasing ha? Nambubulabog ka pa. Ang ganda ganda ko este ang ganda ganda ng beauty rest ko sinisira mo. Psh." nakatitig lang siya sakin na nakapoker face. Bakit ba?

Umupo ako sa may dulo ng kama. Siya naman andun sa couch. Kung titignan mo siya, mukha namang hindi siya lasing pero try mong kausapin, likong daan tatahakin mo. Tumayo siya na pagewang gewang pa na papasok sa banyo. Maghihilamos ata yun. Buti naman ng mahimasmasan siya. Ako naman, lumabas nalang ako ng kwarto. Nakakagutom kaartehan ni Charles eh.

*

*

"Hoy Jace! Mali yung nilagay mo! Sabi ko bawang hindi kalamansi!"

"Para maiba Ate. Ano ka ba naman. Akalain mo yun? Adobo na ang gamit pang gisa is kalamansi hindi bawang."

Grabe silang dalawa. Mga galing mental ata to. Kakalabas pa lang tas bumalik ulit yung kabaliwan. Lumapit ako sa kanila. Di naman nila ako napansin kaya dahandahan akong umupo sa kitchen counter. Bali nakatalikod sila sa'kin dahil nakaharap sila sa stove.

"Ayy anak ng tipaklong. Leche ka MAS. Uso magsalita eh. Muntikan na tuloy matapon yung mantika sa mukha ni Ate."

Nagpipigil ako ng tawa sa sinabi niya. Kung sigiro sobrang nagulat siya, natapon na niya yung mantika. Kawawang baby face ni Ate. Haha.

"Morning guys." agad kaming napatingin sa nagsalita. Aba, nakatopless na Charles ang bumungad samin. Kumindat pa siya sa'kin, sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ang sagwa tignan brad. Teka, bat ka ba nandito?

"Wala na ba akong karapatan pumunta dito Jace?"

"Nagtatanong lang. Bakit wag mong sabihing nakalimutan mo yung nakaraang buwan na bigla ka nalang nawala." napatingin ako kay Charles. Di siya makasagot sa tanong ni Jace, instead tumungo siya sa ref at kumuha ng fresh milk na nasa kahon. :3

"Wala ba si manang Ate?" biglang tanong ni Charles habang binubuksan ang fresh milk.

"Namalengke kaya ako na muna nagluto. Nakikiepal lang tong isa dito eh."

"Ate naman. Tumutulong ako."

"San banda yung tulong Jace? "

"Sa may EDSA Ate. Pfft-ARAY NAMAN ATE! T^T"

Living emoticon talaga. Nakita kong tumawa ng mahina si Charles. Si Jace lang naman nakakagawa niyan. Kahit ang awkward na ng atmosphere. Nakakagagawa siya ng paraan para maging lively ulit.

Lumapit sa'kin si Charles at bumulong sa tenga ko. "May ibibigay ako sa'yo. sumunod kana sa taas." sabay lakad papunyang kwarto. Sinundan ko lang siya ng tingin na nakakunot noo. Ano naman yung ibibigay niya? Lumingon ako kina Ate na nakasunod din ng tingin kay Charles. Unang tumingin si Jace sakin at sumenyas na sumunod ako, kaya ginawa ko nalang.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon