[42]: Kate Lynn Kim

262 14 3
                                    

[KATE's POV]

The nerve of that guy! Tch, sabi nang wag akong susundan kahit san ako pumunta eh. Wala ba siyang utak? O di lang ginagamit utak? Hinila ko nalang si Seb noong nakita ko siya. Ayokong makipagusap sa kanya, tch, mas mataas pa nga ako sa kanya eh. Wala ngang binatbat sa height sa mukha pa kaya?

"Kate sino ba yun ha? Si Mike Enriquez ba yun?" isa pa tong si Seb eh. Tawagin ba daw'ng Mike Enriquez?

BBLLAGGG!

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?! Psh." tinulungan nalang ako ni Seb makatayo. Pagkatayo ko nakita ko na naman ang malaimpernong niyang mukha. Pinagpag ko nalang ang damit ko saka nagsalita.

"Hoy lalaki, di ba sinabi ko sa'yong wag na wag mokong susundan? Bat nandito ka ngayon ha?"

"Binabantayan ko ang future ko." abat, sumasagot pala tong utak baboy na'to? Akala ko kasi pipi siya eh.

"Huh! Future mong mukha mo. Banat ba yan brad?" siniko ako ni Seb pero di pa rin ako nagpatinag. "Mike, wala akong panahon sa'yo. Busy ako, and oh I almost forgot." lumapit ako kay Seb na umiinom ng tubig tapos hiwakan ko braso niya. "This is my boyfriend, Sebastian Elliot Valdez."

O____O

"Honey are you okay?" sabay bigay ko ng panyo ko sa kanya.

*cough cough* "Yeah I'm fine." naibuga lang naman niya yung tubig na iniinom niya. Kaya tinigna ko ulit si Mike. Uh-oh, patay ako nito. Hinampas ko si Seb sa braso niya.

"What? Bakit moko hinampas?"hinihimas na ni Seb ang braso niya saka ko tinuro si Mike. Nakita namin na nagpapahid na si Mike gamit panyo niya.

Siniko ko si Seb at bumulong sa kanya. "Bat mo binugahan ng tubig si Mike? Gusto mo ba malagot ako?" nilapit din niya yung mukha niya sa may tenga ko saka bumulong din. "Bat mo din sinabi na boyfriend moko?" napatingin ako sa kanya saka ko siya binigyan ng death glare.

"Ehem, excuse me. I'm still here." kapwa kami napatingin ni Seb. Oo nga't nandito pa rin siya. -__- tas kumakaway pa.

"We're sorry, Mr.?"

"Dela Torre"

"Mr. Dela Torre, ano mo ba si Kate?"

"Soon to be wife."

Assuming talaga siya eh. -__- hindi naman ako pumayag at never akong papayag.

"Excuse me lang Mr. pero wala akong pakialam sa mga sinasabi mo at sasabihin mo pa." hinila ko na si Seb pero hinila din ako ni Mike.

"We almost done it Kate, remember?" and I saw him smirk. Napahigpit ang kapit ko kay Seb. Nangingilid na amg luha ko.

PAAAKK!

"A**HOLE!! Wala kang karapatan baboyin ang pagkatao ko dahil hindi ako baboy!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Let's go Kate, we're done here. And you." nakita kong tinuro ni Seb si Mike. "You better back off. Don't ever lay your hands on her."

At yung nagmamadaling umalis ang kumag. Inalalayan ako ni Seb palabas ng mall. Nakagawa pa tuloy kami ng scene.

*

*

*

Sinakay ako ni Seb sa kotse ko. Nasa passenger seat ako siya naman sa driver's seat. Umiiyak pa din ako. Kahit anong gawin ko di pa rin nawawala sa isip ang ginawa ng hinayupak na yun.

Nakita kong nakapasok na si Seb sa driver's seat. "Hush now Kate. Ano man ang ginawa niya sa'yo hinding hindi ko siya palalagpasin." saka ako niyakap ni Seb. I'm very thankful na nandito siya ngayon. Paano pa kaya kung di ko siya nakita kanina? Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Now tell me, what happen?" kumalas sa pagkakayakap si Seb at pinunasan ang luha ko.

"I don't know Seb, bigla nalang siyang pumasok sa kwarto. Nagpupumilit, kung hindi pa dumating si Papa, baka.. baka..." hindi ko na napigilan ang luha ko. Tuluyan na siyang bumagsak at humahagolhol na ako. Niyakap ulit ako ni Seb at hinihimas ang likod ko.

"Hindi ka naman binaboy Kate kasi dati ka nang baboy." agad akong kumalas at pinalo siya sa braso. Kasi namam eh. T_T

"Tahan na. Hindi bagay sa'yo, pumapanget ka lalo eh."

"Yaaa! Seb naman eh. *sniff*"

"Haha, ano? Pinapatawa lang kita, mas bagay kasi sa'yo ang ngumiti." sabay punas ulit niya ng luha ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Waaa! Seb ang dami mo dapat na ikwento sa'kin! *pout* Madaya ka kapag hindi. At tsaka kailangan mokong ilibre ng pagkain, nagutom kaya ako sa eksena natin kanina. Tapos.. tapos waaa! Gusto ko ng ice cream ulit tsaka..."

*tsup*

O///O

"Hanggang ngayon ang ingay mo pa din. San ka pinaglihi ng Mama mo? Sa palengke ba?"

What just happen? Ihhh!!! This can't be! First kiss ko yun Seb! Huhu! *sniff*

"O? Bat umiiyak ka na naman? Dahil na naman ba dun sa lalaking yun?" umiling ako. "Eh kanino?" Ura mismo ko siyang tinuro. Nagulat pa siya nang turuin ko siya.

"Ikaw kasi eh, magnanakaw."

"Ako? Kailan pa ako naging magnanakaw Kate? Grabe ka pinagbibintangan mo na ako ngayon."

"Ano ka ba! Magnanakaw ng first kiss! *pout*"

"Really? First kiss mo yun? Parang impossible naman eh." sinamaan ko lang siya ng tingin. Pinisil lang niya pisngi ko saka ngumiti.

"Lets go somewhere. My treat." agad akong tumango na napakasaya. :) agad naman niyang pinaandar ang kotse.

*

*

*

Waaa! Ice cream. Nomnom. :3 ang bait talaga ni Seb pag tulog. ^_^v

Ringggg!

Agad na kinuha ni Seb ang phone niya at sinagot ang tawag.

"Hello? Yes it's me. WHAT?! Calm down? Okay fine. We'll be there." saka niya binaba ang phone niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ng ice cream.

"We need to go Kate." saka niya ko hinila. Ehh? San naman kami pupunta? :3

------------

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon