Nasa departure area ako at nag-hihintay ng fligt ko pauwi ng Pilipinas. Mahigit isang taon din ako dito sa Paris. Natuon ang atensyon ko sa batang nasa unahan ng kinauupuan ko. Nilalaro nya yung bote ng mineral water. Nase-sense ko na sasaboy sakin anytime ang laman noon. Kalugin ba naman ng kalugin. Bago pa ako makaisod sa kinauupuan ko para makaiwas sa tubig na sasaboy sa akin ay too late na. Basang basa ang mukha at upper part ng damit ko.
“Gosh!” Bulyaw ko saka tumayo.
“Andrei! Look what you’ve done!” Binuhat ng lalaki ang batang sutil at kinuha mula doon ang bote ng mineral.
“I’m sorry. Are you okay?” Inabutan nya ako ng panyo. Sinamaan ko nang tingin ang mag-ama saka ko tinanggap ang panyong inaalok nya at nag-walk out.
Nakaharap ako sa malaking salamin sa CR ng airport. Nagkalat ang masacara sa mga mata ko, daig ko pa ang may black eye. Napakalikot talaga ng batang iyon, kay aga aga ay sinisira ang mood ko. Bahagya kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Kamukha ko na si Sadako kulang nalang ay guluhin ko ang buhok ko at takpan ng kaunting buhok ang mukha ko. Napapangiti ako sa mga naiisip ko. Ginulo ko nga ang buhok ko at bahagyang tinakpan ng buhok ang aking mukha saka ako seryosong tumungin sa salamin.
Narinig kong may parating sa CR. Kitang kita ko ang reaksyon nila ng makita nila ang reflection ng aking mukha sa malaking salamin. Takot na takot na nagtatakbo ang dalawang italiana. Well di ko sila masisi kung matakot sila sa pag-mumukha ko right now. Tawa ako nang tawa habang mabilis kong pinupunasan ang mukha ko. Lagay ng konting press powder at lumabas na ako ng CR.
Habang naglalakad ako pabalik sa pwesto ko kanina ay nasalubong ko yung dalwang babae at nagsusumbong sa mga staff ng airport sa nakita nila sa CR. Hinabol ako ng tingin ng isa sa babae kanina, kumunot ang noo nya at kinulbit ang kasamang babae. I smiled at them saka nag- about face at dare-daretsong naglakad. Ginawa ko na yatang ramp stage ang hallway.
Two weeks na din akong nakabalik sa Pilipinas. Si dad lang ang kasama ko sa bahay, nagiisa lang kasi akong anak at maaga din kaming iniwan ni mom. Malungkot pero nasanay na rin ako lalo na ng tumira ako sa Paris para mag aral ng fashion Designer. Fashion is my passion. Tutol si dad sa pagpunta ko ng ibang bansa dahil ang gusto nyang kunin kong course ay related sa mga business nya. He own the Amerheist Prep School at isang di kalakihang Filipino Cuisine Restaurant na malapit din sa school na yon, sa tabi naman noon ay ang aking Trendy Bag Boutique. Mahilig ako sa mga bag at halos lahat ng item ko doon ay designs ko.
“Rhian anak, pumayag kanang maging pansamantalang teacher ng mga batang yon habang hindi pa nakakahanap ng kapalit ni teacher Santos. Pag bigyan mo na ang daddy mo.” Nagmamakaawang sabi ni dad habang hawak hawak ang kamay ko. Hindi ako mahilig sa mga bata kaya super tanggi talaga ako kay Daddy pero kahit anong tanggi ko nagiguilty naman akong di pagbigyan si daddy.
“Okay fine! Dad 1 month lang ha? Kung pwede nga lang ay one day e.” Sagot ko kay daddy saka ako yumakap. “Dad, kain tayo? Gutom na ang maganda nyong anak.” Yaya ko. Tinawanan lang ako ng matanda saka sya naunang lumabas ng bahay.
First day of class ko sa Amerheist. Super professional ng aura ko ngayon wearing a gray slacks and blue poloshirt. Ayokong mag teachers uniform dahil bukod sa hindi naman talaga ako teacher dito ay nababaduyan ako sa design ng damit. Ipinakilala ako ni daddy sa mga teacher doon saka nila ako binigyan ng guide kung ano ang dapat ituro sa mga bata sa araw na iyon, inihatid din nila ako sa room ng kindergarten. Medyo may kalakihan ang school ni daddy, may 3 section ng prep at 3 din sa kindergarten, balak na din nila magexpand at lagyan ng elementary medyo marami lang kailangang requirements ang DepEd.
BINABASA MO ANG
It Takes Two < ONGOING >
Teen FictionLove is a choice. It takes two people to make a relationship and two hearts to fall in love,but it takes only one to fight and the other one to give up. First time ever toh na mag-isip ako kung sino mas mahalaga, mas matimbang, mas mahal ko, lahat n...