Chapter Eleven

290 5 0
                                    

Park Jimin POV

Summer

It's been Past two weeks...
At sa dalawang linggong lumipas panay ang padala sa bahay ni Jungkook ng mga bulaklak at may kasama pang chocolates habang nasa America ako. He's really that sweet guy, noon pa man ay alam na alam niya kung ano ang kahinaan ko.
Ngunit kung may isa man akong hinahangad ngayon, iyon ay ang makita siya at makausap.
Dahil miss na miss ko na rin siya. Lalong-lalo na ang mga ngiti niya,.
Bigla ko tuloy naalala ang huling pinag-uusapan naming dalawa ni Hopi.

Flashback...

"Sigurado ka ba talagang aalis ka muna ng bansa? Alam mo mas baliw ka pa sa akin."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Siguro nga mas baliw ako sa'ming dalawa. Dahil kung tutuusin simple lang naman ang problema. Kaya lang ay malalim ang rason ko. nasaktan ako ng malaman Kong may nililigawan na si Jungkook at si Kim taehyung iyon. Ngunit hindi ko alam na mas Masakit pala dahil hindi man lang niya inalam ang feelings ko para sa kanya.
Kung mahal ko ba siya o isang kaibigan lang talaga.
Sadyang manhid lang siguro si Jungkook dahil araw-araw ko namang ipinapakita sa kanya na Mahal ko siya. Kaya lang hindi niya iyon naramdaman kahit pa lihim niya akong minamahal.

"Noon pa sana naramdaman mo ng mahal na mahal ka ni Jungkook. Marami ng hints ang ipinaramdam niya Sa'yo. Una kay namjoon. Gusto niyang layuan mo iyong tao, hindi dahil masamang tao si Joon, kundi dahil nagseselos siya.. Pangalawa, ipinasyal ka niya sa Diana's Garden dahil paborito mo ang mga bulaklak. Maging ang pagsakay sa mga rides ay sinamahan ka niya kahit mahiluhin iyong tao."

" I know."

Simple kong Sagot sa kanya.

" Kaya lang hindi naman tama na hindi siya nagtapat ng feelings niya para Sa'yo o kaya naman inalam kung may feelings ka din para sa kanya. "

" Tama. "

Sang-ayun ko.

" At ang nakakainis pa sa kanya, niligawan niya ang kapreng 'yun para lamang subukang kalimutan ang nararamdaman niya para sa' Yo. Hindi niya alam na lihim ka na palang nasasaktan. He's a totally jerk!. "

End of flashback....

Napabuntong-hininga ako. Yeah. He's a totally jerk. nangyari na ang hindi dapat mangyari and its been two weeks already.. Dahil kung uupo lang ako at hindi kikilos walang mangyayari.
Bumangon ako Mula sa kama at Mabilis na isinuot muli ang tsinelas ko.
Hindi ko alintana kahit may jet lag pa ako. Bahala na si batman.
Malapit na ako sa main door ng may biglang nagdoor Bell mula sa labas.
Bago pa man buksan ni Mommy ang pinto ay napalingon muna siya sa gawi ko.

"Gising ka na? Nakapagpahinga ka ba ng maayos? May jetlag ka pa diba? "

Tanong niya sabay Bukas ng pinto. Hindi ko nalang pinansin kung sino ang pinagbuksan ni Mommy dahil baka isa lang ito sa mga kaibigan niya.

"MA, pasensiya na dahil kailangan ko na munang umalis."

Pagkakuha ko ng susi ay napalingon muli ako kay Mommy.
Nabigla ako makitang nasa tabi niya si Jungkook.
Hindi ko alam kung panaginip na naman ang nangyayari sa 'kin ngayon habang Nakatitig lang siya sa 'kin.
At... At.. Nakangiti siya.
Bumaba ang tingin ko sa dala niyang bulaklak maging sa suot niya.
Hindi ko na mapigilan ang mga ngiti ko dahil nakapantulog lang din siya.
God, I miss him so much!..

"Maiwan ko na muna kayong dalawa. Alam ko namang namiss niyo ang isat-isa. "

Napangiti siya at nagbow kay Mommy pagkatapos ay Lumingon siyang muli sa gawi ko. Nanjan na siya sa harapan ko ano pa ba ang hahanapin ko?!.
Patakbo akong lumapit sa kanya Tsaka ko siya mabilis na dinamba ng mahigpit na yakap. Sunod kong naramdaman ang mga yakap ng kamay niya na pumulupot sa bewang ko.

"I miss you so much!"

Nakangiti kong turan sa kanya. He just laughed and smiled widely.
Shimay! Aatakihin yata ako sa puso ng dahil sa kilig at sa mga ngiti niya.
Subrang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na 'to.
Malamang habang yakap niya ako ay naririnig niya ang pagtibok non.

"I miss you more my Mochi!."

Aniya habang nakatitig na ngayon sa akin. Sunod kong nasilayan ang mga mumunting butil ng luha sa kanyang pisngi. Dahan-dahan kong pinahid ang mga iyon gamit ang isang kamay ko.

"Alam mo namang ako lang ang puwedeng umiyak sa ating dalawa. Sorry dahil nakaramdam ako ng Inis Sa'yo at iniwan kita. Ikaw naman kasi hindi mo muna inalam ang nararamdaman ko para Sa'yo. Niligawan mo si Taehyung at Inaamin kong nagselos ako sa inyong dalawa habang masaya kayong magkasama. Dahil mahal na mahal Kita Kita noon pa man."

Saad ko sa kanya. Yakap niya ako Mula sa likuran habang nasa terasa kaming dalawa at masayang tinatanaw ang bilog na buwan Mula sa langit kasama ng mga butuin.

"Sinubukan kong itago ang nararamdaman ko para sa 'yo dahil alam kong hindi ako ang nilalaman ng puso mo. Sakali mang nagtapat ako noon sayo, maaring masayang lang ang pagsasama nating dalawa bilang magkaibigan dahil baka iwasan mo ako pagkatapos. pero alam mo bang sa huli nabigo lang ako? Dahil kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi iparamdam sayo na mahal Kita, bigo lang ako. I love you so much Jungkook!."

Napangiti ako. Ngayon may lakas na ako ng loob na sabihin at aminin sa kanya kung ano ang mga nilalaman NG puso ko.

"Alam mo bang minahal na Kita sa simula pa lamang ng pagkakaibigan nating dalawa?"

Tanong Niya. Bigla naman akong napalingon sa kanya. Hindi ko na naman maitago ang mga ngiti ko.

"Really?"

Tumango siya..

"Ipinangako ko sa sarili kong ikaw Ang taong mamahalin ko habang buhay. Makasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya. Sa madaling salita, ikaw Ang papakasalan ko Pagtuntong nating dalawa sa tamang edad."

"Pero puwede mo na akong pakasalan. Hindi na ako minor."

Nakangiti kong Saad sabay pacute sa kanya.. Tumawa naman siya sabay halik sa buhok ko bago niya ako niyakap ng mahigpit..

"Alam mong magagalit si Tita kapag ipinilit mo ang gusto mo kahit pa gustong-gusto ko ng pakasalan ka."

"I know.."

"I love you so much,."

Lumingon ako sa kanya Tsaka ako umupo sa mga binti niya habang nakaharap ako sa kanya.. Kapwa kami nagtitigan sa isat-isa.
I'm so lucky to have him in my life...
Subra-Subra..

"Bakit ang guwapo mo kahit nakapantulog ka?"

"Ikaw, bakit ang ganda-ganda mo kahit nakapantulog ka?"

Sabay kaming napangiti at tumawa.
Maya-maya ay bigla itong naging Seryoso.

"May nakalimutan ako."

"Hmm.. Ano naman 'yon?"

Tanong ko dahil bigla akong naguluhan sa kanya.

"I forget my surname."

"Ha??"

"Can I use yours?"

Tanong niya sabay kindat sa 'kin. Kyahhhh!. Ano daw?
Bigla akong napakagat-labi.

"You know what? Kahit hindi pa Tayo kasal I am all yours!"

Nakangiti kong turan saka ako kumunyapit sa leeg niya.

"Kahit pa anong sabihin ng Ibang tao sa ating dalawa. Ipagtatanggol Kita dahil ikaw Ang buhay ko, chim. You're my everything, always remember that. Hmm?!"

Tumango ako sa kanya.

"And you are always be my Prince. I love you more and more.. Kahit Maputi na ang buhok ko.."

Corny man para sa Ibang makakarinig ngunit iyon ang nilalaman NG puso ko. Handa kong ipagsigawan sa buong mundo na siya ang buhay ko.
Special si Jungkook, blessing dahil dumating siya sa buhay ko upang mahalin ako. siya ang lalaking nakatakda para maging kabiyak ng puso ko sa hirap man o ginhawa magsasama kaming dalawa.
Kasabay ng pagtunog ng fireworks Mula sa labas ng bahay ay ang matamis naming kissing scene ni Jungkook..



.......... THE End..

I Love You✔️(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon