Papel

48 4 0
                                    


Papel by laramichbc

Tahimik akong naglalakad sa corridor ng school patungo sa classroom. Sabagay, tahimik naman talaga ako eh. Wala akong gaanong kaibigan. Siguro kasi ako mismo, hindi palakaibigan.

Habang naglalakad ay tinitingnan ko ang unti-unting pagpatak ng ulan. Paborito kong panuorin ang pag-ulan kasi pakiramdam ko may mas malalim na kahulugan pa ang bawat tulo ng luha ng ulap.

Pagkarating ko sa loob ng classroom, may isang pares ng mga mata na agad napatingin sa akin. Nagkatinginan kami, ngunit umiwas agad siya at ipinagpatuloy ang pakikipagusap sa kaibigan niya.

Siya na matalino. Siya na gwapo. Siya na magaling magdrums. Siya na maraming may crush. Siya na... crush ko.

Minsan kapag nagiging nakakausap ko siya, mas lalo akong nauutal kumpara sa normal kong pananalita. Pakiramdaman ko di ako makahinga. Yung puso ko masyadong mabilis ang tibok. Kinakabahan ako, baka may masabi akong mali, baka may magawa akong ayaw niya. Hindi ako insecure, pero pagdating sa kanya, gusto ko lahat ng kilos ko pino.

Mayroong pagkakataon sobrang inaantok ako sa lesson, pero biglang may papel na nakabilot ang lumipad sa direksyon ko. Nagulat ako at tiningnan iyon.

'Hi. Kamusta na? :)'

Iniangat ko ang tingin ko sa paligid. Kanino naman galing yun?

Hanggang sa napatingin ako sa kanya. Nasa likod ng siya ng dalawang upuan sa gilid ko. Nakangiti siya sa akin, at kumaway ng kaunti. Napasinghap ako.

Siya ang nagbigay? Seryoso? Bakit? Ano meron?

'Hi din. Ok lang :)'

Ginandahan ko ang sulat ko at ibinato pabalik sa kanya. Naabot niya iyon. At binasa. Nakita kong nagsulat siya at ibinato sa akin pabalik.

'Sigurado ka? u look sad :/ anyway, can we be friends?'

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Medyo nagaalinlangan ang ngiti niya sa akin. Tumango ako sa direksyon niya at ngumiti. Lumwak ang ngiti niya.

Natapos ang klase at pagkalabas ko para umuwi na ay hinarang ako ng isang sobrang may gusto sa kanya.

"Tama ba ang nakita ko kanina? Exchange of notes sa kanya?" Mataas ang kilay na tanong niya. Sa totoo lang naiinis ako sa kaklase ko na to. Masyado siyang maarte.

"May tinanong lang siya." Mahina kong sabi at lumiko ng direksyon. Umalis ako ng school na may ngiti sa labi. Hindi araw-araw nakakausap ko ang crush ko, kahit sa papel lang.

Sa mga nagdaang araw ay madalas na ganun. Pasahan ng papel. Sulat ng mensahe.

'Saan k b nakatira?'

Nagtaka ako sa tanong niya. Bakit kaya?

'Sa may subdivision three blocks away. Bakit?'

'curious lang, maaga ka kase pumapasok e'

Napangiti ako at pakiramdam ko namula ako. Napapansin pala niyang maaga ako pumapasok?

'Ayoko malate. Magkakarecord pa ako'

'gud student talaga :D idooool haha'

'Di naman. 1st honor dapat idol mo hahaha'

Pero lumundag ang puso ko sa sumunod na sinabi niya.

'ayoko! Gusto ko ikaw. ;)'

'Hahaha weh :))'

'Bakit ayaw mo maniwala??'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon