CHAPTER 10: Karayom

265 14 0
                                    

Ngunit, maingay sa kabilang linya. Nagloloko na naman ang kanyang speaker.

"Ninanakawan mo ako ng tingin na naman ah! Sige ka, baka masanay ako! Gabi-gabihin na kita!" Boses ng hindi ko kilalang tao.

"Kira?!" Tatlong beses ko nang natawag ang pangalan ng bestfriend ko.

Ngunit wala nang sumasagot na Kira sa kabilang linya. Hanggang sa na-call ended na lang ang tawag ko.

Natatandaan ko pa ang mga sinabi ng isang taong boses babae sa phone ni Kira. Lalong-lalo na ang mga huling salitang binitawan nito.

"Ninanakawan mo ako ng tingin na naman ah! Sige ka, baka masanay ako! Gabi-gabihin na kita!"

Kinilabutan ako sa mga salitang iyon. Pakiramdam ko ay nasa panganib si Kira sa trabaho nya.

Kailangang makaalis sya doon! Kakaibang kaba ang bumabalot saking sistema sa mga oras na ito.

"Shawn? Bakit?" Takang tawag sakin ni Malga sa may pintoan.

Agad ko syang nilingon...

"Uh wala." Imik ko agad dito.

"Uh, akala ko kasi kung napaano ka na." Pag-aalala ng tono nya.

Bagong labas lang sya sa banyo dahil tulad ko nagpupunas din sya ng katawan sa gabi.

"Wala, may kausap lang ako sa cellphone." Sabi ko dito.

Pumasok na din ako ng bahay.

"Uhhhhh Nasa banyo kasi ako, akala ko naman may nakakaaway ka na." Natawang sabi ni Malga.

"Matutulog na ako, Malga. Maaga pa ako bukas eh." Sabi ko na lang dito.

"Sige, ako rin. Sabay naman lagi tayong pumasok sa trabaho." Sabi ko dito.

*****

Sa Hospital ng umagang ito.

Pinanonood nila ang isang report sa youtube na bago palang nagba-viral ngayon.

Tungkol lang naman ito sa naaksidenteng Bus na pinaunlakang sagipin ng Scargan Hospital noong nakaraan pang araw.

Ini-enterview si Malgaritte ng Magandang Buhay show about sa kanilang pamilya at sa Bus na kanilang tinulungan.

Maganda ang appearance nito sa TV, mula sa kanyang suot na damit, hanggang sa ayos ng kanyang buhok at maging sa kanyang mga pagngiti habang nagsasalita.

Napaka-firm nyang babae at kitang-kita ang kanyang pagiging elegante. Talagang masasabi mong lumaki ito sa mayamang lugar at pamilya.

Isa pa, mabait syang kausap at mahusay din syang sumagot sa mga questions.

Masasabi mong mataas talaga ang pinag-aralan nito batay sa kumpaano sya mag-compose ng mga sagot nya.

Mahinhin at mabini, kagalang-galang ang kanyang aura. Mararamdaman mong hindi sya basta babae lang na pwede mong makita sa kunsaang lugar.

"Ang ganda ni Miss Malgaritte, no?" Papuri ng isang babaeng humahanga.

"Mas maganda yan sa personal, pero suplada nga lang yan." Anang lalaking nakatuka sa 7th floor.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko dito.

"Residente yan sa 7th floor. Soon to be dermatologist ng kanilang pamilya. Doon din kasi ako nakatuka as hallway janitress, madalas ko yang makita, hindi yan basta namamansin ng mga tao doon, kahit man lang ngumiti sa mga hospital staffs, suplada yan." Pakwento ng lalaki.

"Ganun? So peke pala ang mga ngiti nya dito?" Komento ng babaeng pumuri kanina.

"Siguro hindi naman," imik ko habang nakatuon sa screen ng katabi kong babae na nanonood din. "Sa tingin ko, namimili lang siguro sya ng mga taong papansinin. Hindi naman kasi sila katulad ng mga ordinaryong tao na pwedeng kausapin ng basta lang." Paliwanag ko pa.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon