Meet My Bestfriend

19 0 0
                                    

Summer's POV

Ako, si Summer Skye Salvador. Hindi ako kasing hot ng summer. Hindi ako kasing ganda ng Sky. Lalo naman na ang layo ng mukha ko kay Maja Salvador.

Lahat ng yun, kabaligtaran ko.

Isa lang naman akong panget. Maraming pimples, maitim ang siko, maitim ang tuhod at may napaka gulong buhok. Hindi kasi uso suklay sa mundo ko.

Pero, masaya naman ako sa buhay ko. Lalo na pag kasama ko mga kaibigan ko.

"Uy Summer!" -Stacey

Yan, si Stacey Dela Fuentez. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Pag nagsalita yan, parang may pinanghuhugutan. Lalo na pag tungkol sa Love.

"OMG Girls! Magkakaklase ba tayo?" - Sophia

Yan namang maarteng yan, si Sophia Cruz. Maganda, madaldal at mabait. Medyo, matalino rin.

"Baka, ano ba section nyo?" -Me

"Section A ako." -Stacey

"Ako din." -Sophia

"Ako rin naman eh! Tara na!" -Sum

Sa paglalakad namin, lagi nalang may nakatingin. Siguro, iniisip nila na bakit ang gaganda ng mga kasama ko. Pero ako, walang wala. As in wala talagang kagandahan sakin. Pero, ayos na ito. Ito binigay ni Lord eh. Kung pwede nga lang iedit diba? Ginawa ko na.

"ANJAN NA SI MARK!!"

Hay Naku. Anjan na nga. Yung famous na varsity. 

Meet, Mark Augustus Lerman. Bestfriend ko since Grade 5. Gwapo (daw) Mabait (daw)  Math genius at varsity ng basketball. Yan ang pinaka tinitilian dito sa school dahil famous na nga pogi pa (daw) dahil nga poging chinito (daw)

Nagsitabihan silang lahat dahil dadaan si Mark. Ako, nasa gitna lang at nakatalikod sa kanya at naglalakad. Nakarinig ako ng tumatakbo sa likod ko.

"OY!!!"

May kasabay pang batok sa akin ng malakas. Sino pa nga ba gagawa sakin nun. Edi itong damulag na tulo laway na si Mark.

"HOOY!! LONG TIME NO SEEEEE!" -Me

Ginawa namin ang hand shake namin at chest bump. Wala talagang hiya sa katawan namin. Lalo naman ako. Famous ginaganito ko.

"Anong section mo?" -Mark

Sabay akbay sakin, marami nanamang nakatingin.

"A ako. Ikaw?" -Me

"A din ako!!" -Mark

"RAWWRR!" malakas na sigaw namin at nag chest bump nanaman kami. Ganito talaga kami pag masaya.

"Ano ba yan Summer! Di ka nanaman nagsuklay!" -Mark

"Ayoko no" -Me

Malapit na kami sa room naisipan nya pang pansinin yung buhok ko.

"Tapos may Mt. Pinatubo ka nanaman sa mukha mo." -Mark

"Palibhasa eh makinis mukha mo eh! At least ako hindi tulo laway pag tulog. Wahahahha!" -Me

Yan lagi pang asar ko jan. Tuwing magkatabi kami matulog eh laging tumutulo laway. Basang basa unan ko. 

"Pogi pa rin naman kahit ganun." -Mark

Kinindatan nya ako at nag ala model pa sa harap ko. Sarap itulak sa San Francisco Bridge.

Pumasok na kami kasi paparating na si Ms. Jaja kaya nagsiupuan na kami at syempre , wala pa namang seating arrangement kaya tabi tabi muna kami nila Stacey at Mark.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Friends Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon