Duwag na kung duwag.
Natakot ako. Noon palagi kitang tinatanong kung mawawala ba ang pagmamahal mo sa akin?
Sabi mo ay hindi.
Pero ano ngayon?
Makikita kita,may kasama nang iba. Ang iyong mga ngiti para sa kanya.
Dadamhin ko nalang ba ang sakit? Titiisin ko nalang ba?
Wala naman akong magagawa eh. Ano bang magagawa ko?
Ako? Ang babaeng minahal mo noon. Ang babaeng nagtaboy sa'yo palayo.
Pero sana maintindihan mo na ginawa ko iyon dahil may rason ako.
Ayaw kong saktan ka ng lubusan. Ayokong umasa ka sa wala.
Pero hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na ang pagibig ko ay mananatiling sa'yo lamang?
Hinding hindi ako bibitaw,hanggat hindi ka bumubitaw.
Pero hindi ba't bumitaw ka na?
Bibitaw na ba ako? Tatlong taon ko na itong pinagiisipan. Bibitaw na ba ako? O aasa na naman sa walang hanggang wala?