LOA S3 Part 75: Itim na Narding

1.4K 103 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

HAPPY READING!

Nick Lester Galor

Dada Grande

Ace Imperial

Nor-ain Pangcatan

Kenneth Villanobos

Franson Steven

Adriansolinap

Mark Jayson Zapanta

Marlon Monces

Jewel Fritz Buendia

*******

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 31, 2020

Mabilis pa sa kidlat ay bumukas ang portal at dito ay agad kong nakita si Bart na sumusuka ng dugo habang hinahalukay ng lalaking naka itim na kalasag ang kanyang dibdib. "Bart!!!" ang sigaw ko sa aking sarili at sumiklab ang apoy sa aking buong katawan. Mabilis akong lumipad sa kinaroonan ng kalaban at isang malakas na sapak ang iginawad ko sa kanyang mukha.

Dinagit ko siya at nag buno kaming dalawa sa ere..

Paikot ikot hanggang sa maging ibon ang mga apoy namin sa katawan. Lumabas sa kalangitan ang dalawang higanteng phoenix. Ang isa ay kulay pula at isa ay kulay itim.

Part 75: Itim na Narding

Nag paikot ikot sa ere ang dalawang mag kaibang kulay na ibon hanggang sa kapwa kami tumaas at makarating sa labas ng daigdig. Nag bitiw kami at dito ay nakita ko agad ang kanyang itsura. Mag kaiba ang aming mukha ngunit may mga anggulong kapag tinititigan ay kamukha ko na rin siya. Ang kalasag niya at kasalag ko ay parehong pareho. Ang mga pulang parte sa aking kalasag ay kulay itim sa kanyang bersyon. Ang mga gintong kalasag sa braso ay ginto pa rin ngunit itim ang mga batong nakalagay dito.

Ngumiti siya. "Narding.. natutuwa ako dahil mag kasama na tayo. Pwede na kitang patayin ngayon." ang wika niya na hindi maitago ang saya.

"Ang akala ko noong una ay panaginip lang kita. Ang lahat ay kathang isip lamang at nilikha ng aking malikot na imahinasyon. Hindi ko akalain na totoo ka nga."

"Syempre ay totoo ako Narding. Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Masaya hindi ba? Mag kasama na tayong dalawa. Huwag kang mag alala dahil akin ka lang, walang sinuman ang maaaring mag mahal sa iyo. At iyan si Bart na kasintahan mo? Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya napapatay Narding. Lahat sila ay papatayin ko para maging maligaya tayong dalawa. Hindi ba't maganda iyon?" ang tanong niya sabay lipad patungo sa akin. Itinapat niya ang kanyang kamay sa aking dibdib at sumabog ito. Natumba ako at tumama ang aking katawan sa isang lumulutang bato sa paligid ng Earth.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon