12: It's Mutual

39 4 16
                                    

Jewon
"I'M telling you, I'm fine! Send someone out there. Nandoon 'yung... 'yung P.A ko! Hinabol nya 'yung kriminal!", I said in a loud voice. Pero parang wala pa din naririnig yung may-ari ng bar.

Nandito pa din kami sa table namin kanina nila Junnie at Romi. Nagkalat ang bubog sa sahig at may mga bala din.

May kausap sa phone yung may-ari ng bar habang hindi mapakaling palakad-lakad sa harap ko.

"The doctor's on the way, sir. Please calm down.", sabi nya saken. Napapikit ako sa inis. I stand up and grab his collar.

"Aren't you listening? She's a woman and she's chasing that goddamn criminal alone!", sigaw ko.

"Sir Jewon. Kumalma po kayo.", awat ni mang Caloy na kadarating lang. Dahan-dahan nyang inaalis ang kamay ko sa collar nung bar owner. I let him go and breathe deeply.

Fine! Ako na lang ang susunod sa kanila!

I started walking out the door and saw people gawking at the place. Siguradong makakalabas na naman sa media ang nangyari na 'to but I don't care anymore! Susundan ko si Romi!

Hays. Bakit ba kasi ako naglasing? Kung hindi ako nalasing, hindi sana 'to mangyayari eh! Nakakainis! Kapag may nangyaring masama kay Romi hindi ko na--

Naputol ang pag-iisip ko nang makita ko si Romi na naglalakad pabalik sa bar. Punit ang tuhod ng pantalon nya at marumi yung suot nyang puting tshirt. May mga galos sya sa braso at pisngi. Ang gulo din ng buhok nya na kanina ay nakatali ng maayos sa likod nya. Sa itsura nya ay lalo akong nanghina. May kung anong kumurot sa dibdib ko at parang gusto kong saktan ang sarili ko.

Dahil saken kaya nangyari 'to.

"Hindi ko sya nahuli. Ma--", sabi nya habang papalapit din ako sa kanya at hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya.

Niyakap ko sya ng mahigpit nang makalapit ako sa kanya.

"I'm sorry.", bulong ko sa kanya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Naririnig ko din na nagbubulong-bulungan na ang mga tao pero wala akong pakialam.

"Jewon.", sabi ni Romi. Dahan-dahan nyang inilayo ang sarili at tumingala saken. Bakas sa mukha nya ang pagkabigla at pag-aalala. "Bakit ka umiiyak?", tanong nya.

"Kasalanan ko lahat ng 'to. I'm s-sorry.", sabi ko. Ilang segundo syang nakatingin lang saken hanggang sa may nag-park na kotse sa harap namin.

"Jewon! My god, anong nangyari? Ayos ka lang ba, anak?", sunud-sunod na tanong ni mommy nang makalapit sya sa amin. Lumayo si Romi para magbigay ng space kay mommy. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Ha? Tell me.", sabi nya. Bakas ang takot din sa mukha ni mommy.

Pinakalma ko ang sarili ko at pinunasan ang mukha ko.

"Can we go home?", mahinang tanong ko pero sapat pa din para marinig nila. Tumingin si mommy sa likod nya at noon ko napansin na may mga pulis na pala syang kasama.

"Sige po, sa bahay nyo na lang kami pupunta para sa mga tanong na dapat sagutin ng anak nyo.", sabi nung isang pulis.

Nagpasalamat si mommy at sumakay na kami sa kotse. Sumakay na din si Romi sa passenger seat at kasunod namin si mang Caloy sa likod.

Naramdaman kong hinawakan ni mommy ang kamay ko. Noon ko na-realize na nanginginig pala ang kamay ko.

Halos hindi ko namalayan ang oras ng byahe dahil tulala lang ako sa loob ng sasakyan. Pagdating sa unit ay ihinatid ako ni mommy sa kwarto ko.

In Order To Protect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon