Chapter 43

53 9 0
                                    

Chapter 43

Sailor Moon


IRIS

Hawak ko pa rin ang ID ni Brent at pinagmamasdan ang kanyang litrato. Hindi ko alam kung bakit nalunod na ako sa kanyang hitsura na tila sinasakop niya ang buong sistema ko. I felt a lot of things I haven't felt before, something the way I'm staring at him that makes me feel this way and I want to know why.

Hinahaplos ko ang mukha niya sa litrato, his half smile, his tousled hair, his alluring brown eyes, his pointy nose, and sweet lips, everything about him just screams lovely.

"Iris!" Agad kong tinago ang ID ni Brent sa bulsa ko. Tumabi sa akin sina Wren at Daisy dala ang kanilang food tray.

"Nakita mo sina Noelle at Stephanie?" Tanong ni Wren.

Umiling-iling ako. "Nope. Bakit?"

"Saan na kaya mga bruhang 'yon?" Bulong ni Wren. Nagsimula na silang kumain ng kanilang lunch.

Kakatapos lang ng klase namin at may pupuntahan daw ang dalawa bago sila makasabay sa break time namin. Nagpasya na rin akong kumain ng beef steak at juice para matuloy ko ang draft sa akin phone.

Kasalukuyan gumagawa ako ng bagong update mula sa hawak kong phone habang nagtatype. Ineedit ko ang draft hanggang sa may humampas sa ibabaw ng lamesa at agad akong napatingala sa pinanggalingan ng kamay.

"Napunta raw sa detention ang mga lider ng Antis?!" Bungad sa amin ni Noelle at Stephanie, sabay silang umupo sa table kaharap namin ni Daisy at Wren.

"Buti naman! They got what they deserved!"

Humahalakhak ang apat na ikinataka ko naman.

"May ginawa ba kayo?" Nagtataka kong tanong.

"Nakahanap din kami ng paraan para makaganti sa kanila!"

"Anong paraan?" Sumerioso ang ekspresyon ko. I felt a tinge of regret telling the girls about Brent's ID, telling them it was the Antis fault about the paint shower, but they also deserved to know the truth. Bakit ba ako nagsisisi na sabihin sa kanila ang natuklasan ko? Hawak ko na ang proof ngunit bakit pinagdududahan ko na habang tumatagal sa akin ang ID ni Brent?

"Nag-iwan kami ng mga dirty magazines sa kanilang recreational room at nahuli sila ng kanilang professor!"

"Nadala sila sa principal's office! They're on clean-up duty sa buong campus!"

"I knew it!" Nicolas dropped the bucket of water on their table and it spilled on the table. "Kayo ang may kasalanan kung bakit hindi kami makakapag-update ngayon dahil ang buong break namin ay maglilinis kami ng campus!"

Napansin ko na may suot sila na mga apron, hairnet, at yellow gloves. Ang mga lider ng Antis, si Nicolas, Brent, at Theodore ay may hawak na mop at bucket, habang si Miles at Jax ay may hawak na sponge at cleaning spray.

From the handsome heartless writers reigning on the empire to the campus' new cleaning ladies, the transformation hit their reputation hard like a giant boulder.

"Gaganti kami sa inyo, mga Wattpad Girls!" Seriosong tugon ni Theodore. "Makikita niyo na kami na ang tatawa bukas at kayo na ang pinagtatawanan!"

"I believe you have something that belongs to me." Brent offered his hand to me. I thought at first he was asking for my hand, but then I remembered his ID.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon