Chapter 28

56 11 0
                                    

Chapter 28

The Twin Heartbreaker


IRIS

I crumpled the paper pero hindi ko ito tinapon, tinago ko lang sa bulsa ko. Don't get me wrong, uminit ang pisngi ko dahil nainis ako sa sinabi niya. Sa tingin niya madali lang maging Wattpad boy? Kahit gaano pa siya kaperpekto, hinding-hindi niya mapapantayan ang mga fictional boys na minahal ko nang lubos.

They don't exist. But Brent Williams do exist. Kaya hindi ko siya pwede mahalin dahil totoo ang magiging sakit. Besides, ano naman mapapala ng babae na hindi marunong magbasa at magsulat sa pinakamagaling at sikat na writer sa Wattpad? Bakit niya ba tinatanong ang tipo ko? Nabibwiset tuloy ako sa kanya.

Matapos ng amin klase, dumiretso na ako sa Theater Room. Nag-iba ang hitsura ng stage, may mga dumadagdag na props, nagkakaroon na ng konting kulay ang background setting, at may mga nakikita akong mga sinusukatan na mga actors at actresses sa gilid ng stage.

Agad akong dumaan sa backstage kung saan nakita kong sinusukatan si Baxter ng lalaking tailor. Pinagtitiningan siya ng mga kamiyembro namin na babae habang humahagikhik ang mga ito.

"Good thing you're early, nagsusukat na sila sa magiging costume natin sa play." Bungad ni Baxter sa akin habang naka-angat sa gilid niya ang kanyang mga braso.

"Okay na po sa inyo." Sabi ng lalaking tailor kay Baxter matapos niya itong sukatan habang tinitiklop ang measuring tape. Naglakad ito papalapit sa akin.

"Iris Euphony Peregrin, costume Princess Othelia Alexandra Hildebrand. Susukatan na po kita." Hinatak na ng tailor ang measuring tape hanggang sa may humarang na epal sa harapan ko.

"Ako na magsusukat sa kanya." Kinuha ni Brent ang measuring tape sa kamay ng lalaking tailor.

"Marunong ka ba magsukat, Brent?" Tanong ni Baxter habang sinusuot ang kanyang varsity jacket. Nakangisi ito sa kanya. Mapait siyang tiningnan ni Brent.

"Oo." Hinila niya na ako patungo sa loob ng dressing room. Mag-isa lang kaming dalawa nang sinarado ni Brent ang pinto bago siya humarap sa akin.

"Teka, bakit dito tayo magsusukat?"

"Basta." Bulong ni Brent bago ito lumuhod sa harapan ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Brent na dumikit sa pagitan ng akin hita habang sinusukatan niya ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko, halos maging istatwa ako sa harapan niya. Kinakabahan ako dahil ang sobrang lapit niya sa akin. He's touching me. Brent is touching me. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa akin.

"Brent..." My voice trailed off. Napalunok ako nang huminto siya sa pagsukat sa akin para tingnan ako nang diretso nito. "Bakit ikaw ang nagsusukat sa akin?"

"Ayoko may ibang lalaki na hahawak sa'yo." Diretso niyang sagot.

"Susukatan lang naman ako ng lalaki, ah." Sabi ko na nakakunot-noo.

"Alam ko." Lumingon siya sa akin habang sinusukatan ang beywang ko. "Pero ako lang ang pwede humawak sa'yo." Sabay binuhol niya ang measuring tape sa akin at hinigit ako papalapit sa kanya. Napalunok ako habang magkatitig kami sa isa't-isa. Kinakabahan ako bigla. Ewan ko ba kung ano nangyayari sa akin.

Bumaba na rin siya at sinunod niyang sukatan ay ang balakang ko. Pinapanuod ko lang siya sa ginagawa niya habang nanatiling nakayuko si Brent. Kahit sinusukatan niya ang hita ko, hindi pa rin siya tumitingala sa akin.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon