Chapter 30

73 10 0
                                    

Chapter 30

Plot Twist


IRIS

Tumayo na si Brent at lumayo sa akin. Natulala pa rin ako sa kanya habang sinusundan ko siya ng tingin na naglalakad pabalik sa kabilang panig ng court.

"Brent!" Napahinto siya sa paglalakad. Bago pang tuluyan na umalis si Brent sa harapan ko, binaling niya ang kanyang ulo sa direksyon ko. Ngumiti ako sa kanya. "Salamat!"

Yumuko ito at nagtaka naman ako kung bakit tinatakpan niya ang kanyang buong pisngi. Hindi na umimik pa si Brent nang nagpatuloy itong maglakad palayo.

"Dalhin ka namin sa clinic." Itatayo na sana nila ako nang lumayo ako sa kanila na ikinataka naman nila.

Hindi magiging patas ang labanan kapag kulang kami. Hindi kami magtatagumpay kung wala ang isa sa amin.

I stood up, unshackling from my friends' caring hands while throwing the ice pack away from the court.

"Ituloy lang ang laban!" Sigaw ko while wiping off the blood dripping down from my nose. Kasabay nito ang mga hiyawan ng Romance writers.

Bumaling sa akin si Brent na may bakas ng pagkagulat at inis sa kanyang ekspresyon. "You're in no condition to—"

"Don't underestimate me." Pinutulan ko na ang sasabihin niya na may bakas ng determinasyon sa tono ng boses ko. "We're not fragile and weak. As long as I'm still standing, I can still fight back."

Nakasimangot si Brent, kinukuyom ang kanyang kamao, nang bumalik na ito sa kabilang panig ng court. Nagtataka naman ang mga kasama niya nang humarap sila sa amin.

Tumango kaming mga Wattpad Girls sa isa't-isa bago kami humarap sa mga Antis. Pinagtugtog ng emcee ang kantang Shake It Off by Taylor Swift. Mas lalong lumakas ang hiyawan para makita kung sino ang mananalo sa pagitan ng amin labanan.

Is it Love or Anti-Love?

Kahit anong haharapin namin paghihirap, kahit pa ang mga tao sa paligid ko ay gusto nilang makita ang pagkatalo at kahinaan namin, subalit nanatili pa rin kami na maging matatag sa harap nila. Kami ang limang matatapang na babae na pinaglalaban ang pag-ibig sa mundo ng Wattpad. Kami ang limang Romance writers na magpaptunay sa harap ng Loveless Generation na may pag-ibig sa atin mundo. Kami ang limang magkakaibigan na gagawin ang lahat para ipaglaban ang amin pangarap at paniniwala.

Walang kung sino man ang makakawasak ng pundasyon sa amin puso.

Nagpatuloy ang laban, we are giving our all to bring the boys down, but the Antis eventually gave up on fighting back. The referee whistled while pointing at the side of Wattpad Girls and we won the game. Naghiyawan ang mga kaklase namin habang tahimik ang ibang mga nanunuod na estudyante.

Nag-group hug kaming lima dala ng tuwa sa amin pagkapanalo. Sadya man o hindi, papatumbahin namin ang mga Antis hanggang sa magwagi ang pag-ibig.

Nilapitan namin ang mga Antis at inabot ang amin mga kamay.

"'Wag kayong bitter. Laro lang 'yan." Pang-aasar ni Noelle at hinintay na makipag-shake hands sa kanya si Miles. Si Nicolas ang umabot ng kanyang kamay at nakipag-handshake sa kanya.

"Pasalamat kayo nagpatalo kami." Sabi ni Nicolas.

"Kahit seriosohin niyo rin naman, matatalo pa rin kayo eh." Nakangising sagot ni Wren sa kanya.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon