Kabanata I

49 0 0
                                    

W A L L A C E ' s POV

“I was in one hundred billion,a burned out star in a galaxy. Just lost in the sky wondering why everyone else shines out but me. But I came to life when I first kissed you. You make me better than I was before...”

Namasa ang aking mga mata habang kinakanta ito sa kaniyang harapan. Madaming tao ang nanonood habang nagtitilian. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at lumuhod habang hawak-hawak ang mahalimuyak na bulaklak na aking dala-dala.

"Ma-mark,pl-please stand up." sambit niya na ikinatigil ko ngunit nananatili akong nakaluhod. Stand up? Why? I looked directly at her eyes,seryoso siya.

"Ha-happy fifth anniversary,mahal." kahit nahihirapan ako ay itinuloy ko pa din.

"Mark,can't you hear me? I said,stand up! Mark naman,ang tigas ng ulo mo! Tumayo ka sabi!" nagulat ako nang sumigaw siya. She never did this to me before. Hinawakan niya ang dalawa kong braso habang pilit niya akong pinapatayo.

"Ma-mahal? Is there something wrong? 'Bat ka nagkakaganiyan?"

"Mark,madumi na yung tuhod mo,stand up na please." may naramdaman akong tumulo na mainit na likido sa aking mga kamay. She is crying but she is trying na mapatayo ako.

"I won't unless sabihin mo saakin kung 'bat ka nagkakaganiyan." I said seriously at napatigil siya.

"Tumayo ka na kasi sabi! Mark naman! Wag na matigas ang ulo!" sa pangalawang pagkakataon ay muli akong nagulat. Sumigaw siya at buong pwersa niya akong pinapatayo.

"'Bat ka nagkakaganiyan? Mahal naman,you never did this to me before whenever I am surprising you. Why? What's wrong?" parang sirang plaka na ang boses ko at namasa na ang aking mga mata.

"May mali ba akong nagawa? I am willing to fix. You need space? I'll wait. What?" sunod-sunod kong tanong but she burst out on crying.

"Ma-mark,please tumayo ka na! I don't love you anymore! So stand up na!" sigaw niya na nagpatigil saakin. Ramdam ko ang dahan-dahan na pagtulo ng mainit na likido sa aking mga pisnge. I don't care sa mga taong nanonood. No. Hindi ako papayag na basta-basta niya lang akong iwan.

"Ma-mahal,I am willing to court you again and again and again. Please don't leave me. Hindi kita susukuan,please. Ma-mahal,I'm begging you,don't le-leave me." pagmamakaawa ko habang sunod-sunod na nagsituluan ang butil ng aking luha.

"Mark naman! Stop na! Bumitaw ka na sa nakakapagod na relasyon na 'to! I am tired na! I don't love you anymore! You don't deserve me! Their will be a girl that can give you an extraordinary day,a special day,kung saan makikita mo lahat-lahat sa kaniya na wala ako,na hindi ko nagawa sayo. Please,Mark. Let me go because I am setting you free now. P-please."

Can someone slap me and tell that this is only a dream. Nanginginig ang aking mga kamay at dahan-dahan akong tumayo. "Just accept this flowers." nanginginig ang kamay kong iniabot sa kaniya ang bulaklak but itinapon niya ito sa sahig.

Damn. Ang sakit. Sobra.

"Their will be girl that is worthy for entry. On your heart. Ma-mark,let me go na. I-ikakasal na ako next month. I'm so so-sorry." humagulgol siya at hindi ko alam ang gagawin ko sa tanging narinig ko.

Ikakasal na ako next month. Grabe,ang saya. Next month na pala pero bakit niya inilihim 'to saakin? Bakit ngayong anibersaryo pa niya sinabi saakin? Grabe.

"Support and stay strong." I smiled kahit sobrang nakakadurog ng puso. "Someday,kapag muling nag-krus ang ating landas kasama ang lalakeng magpapasaya sayo and you're smiling,I won't shed tears but I would smile also." kahit nagsisituluan na ang aking mga luha,nagawa ko pa ding ngumiti.

Bewildered PirateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon