Chapter 32
Ideal Girls
DAISY
Hindi umimik si Theodore sa tanong ni Brent. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito si Theodore? Kung kailan handa na akong itaboy ang nararamdaman ko para sa kanya, atsaka lang siya magpaparamdam ngayon. The thought of him thinking about me is already a rush inside my veins. I can't help it. Anything about Theodore excites me and makes me smile and sad at the same time.
"Theo, writer din kami, naiintindihan namin 'yan mga pinagsasabi mong poetic kalandian." Sabi ni Nicolas. "Alam kong mahilig ka mangbabae at naiirita ka kapag nadedeny ka ng babae. Pwede mo naman sabihin sa amin kung may nararamdaman ka—"
"Wala akong nararamdaman para sa kanya." May kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Naramdaman kong hinawakan ni Iris ang akin kamay at mahinahon na pinisil ito.
"Bakit mo sinabi na-inspired ka sa kanya?" Natatawang tanong ni Miles.
"I wanted her to wither the ideals about love. It will poison her from root to stem." Concern ba si Theodore? Impossible naman yata na magkaroon ng konsensya itong si Theodore para sa akin.
"Sad to say, Theodore, makikitid ang utak ng mga Wattpad Girls. Sa love lang sila maniniwala, hindi sa atin." Dismayang tugon ni Brent.
"Mas pipiliin pa nila ang love kaysa sa atin." Malumanay na sagot ni Theodore.
"Tama na nga 'tong pinag-uusapan natin! Nakakasakit lang, eh!" Tumawa nang mahinahon si Miles.
"Ano bang gusto mong pag-usapan?" Tanong ni Jax.
"Basta huwag lang tungkol sa Wattpad Girls." Untag ni Nicolas.
"Kamusta bago mong story, Brent?" Tanong ni Miles. "'Yong Faded? Balita ko nominated siya sa publishing rights kapag natapos mo na."
"Hindi ko pa nga natatapos, na-nominate na kaagad?"
"Siyempre, ikaw pa! Sa tingin mo may iba pang makakatalo sa'yo?"
"Mayroon." Nakita ko na ngumiti si Brent kay Miles. "Kaso tamad 'yong nagsusulat at mabagal mag-update"
"Sus! Wala 'yan! Ikaw nanalo last year, panigurado mananalo ka ulit ngayon taon."
We are in a front row seat of the bare nakedness of the rarest and exclusive VIP ticket to watch the hottest writers in Wattpad Academy soak themselves in glistening water while rubbing themselves with bubbly soaps. It was a Wattpad Girl dream come true, seeing the crush of every girl on Wattpad get naked and shower in front of us.
Napasinghap ako at nararamdaman kong umiinit ang akin katawan habang pinapanuod ang pag-flex ng muscles sa likod ni Theodore, ang pagtulo ng tubig sa bawat korte ng kanyang katawan, ang kanyang matambok na pwetan na dinaig pa ang mga babae, ang paghaplos ng kanyang kamay sa bawat sulok ng kanyang obrang katawan. Not any girl could resist Theodore's body—not even I could resist watching him.
I felt guilty when I'm actually enjoying something my parents forbid me to do—like watch a guy take a bath. I'm a few sinful thoughts away to join the stream around Theodore's body like a koala bear on a tree.
"Ganito pala mag-usap ang mga Antis?" Namumula ang mukha ni Noelle habang sinasabi niya ito. "Mga mukhang tanga lang eh."
Hindi maka-imik ang iba sa kanila habang nakatitig sa kung sino man ang gusto nilang panuorin mula sa mga Antis. Hindi ko magawang panuorin ang ibang Antis, nakatuon lang ang buong atensyon ko kay Theodore. Sa kanya lang ako nacurious. Sa kanya lang nakatutok ang mga inosente kong mata.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Fiksi RemajaYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...