Chapter 38
The Darkness
STEPHANIE
"What is the meaning of this?!" Napabaling kami sa nagsalita. Nakatayo si Daddy sa doorway kasama ng iba pa namin mga bisita sa entertainment industry. Nagbubulungan sila habang nakatingin sa direksyon ng awkward position namin ni Jax na nakapangibabaw sa akin katawan.
Agad kong tinulak palayo sa akin si Jax. Tumayo kami nang tuwid at tinago ko ang boxing gloves sa akin likod.
"What were they about to do, Mr. Hamilton?" May panghuhusga sa tono ng boses ng babae.
"My, my, your daughter is into brute force." Sabi ng matandng babae na naka-slim long dress.
"Is violence a new trend these days?" Nakataas na kilay na tanong ng naka-tuxedo na lalaki.
"Excuse me for a moment." Rinig ko ang galit sa tono ng boses ni Daddy bago siya lumapit sa harap ng boxing ring.
"You're supposed to act like a lady, Stephanie! Nakakahiya ka sa mga bisita natin! Tigil-tigilan mo na 'yan martial arts, boxing, at kung ano man mga panglalaki na gawain mo! Hindi 'yan para sa'yo!"
"Pero Daddy! Ito ang gusto kong gawin at—" Inunahan na ako magsalita.
"Kami ang masusunod! Para ito sa ikabubuti mo!" Umalingangaw ang boses ng akin ama sa buong silid.
"I'm not going to listen to you." Kinuyom ko ang akin kamao habang nakayuko ako. "I can be whatever I want to be."
"Anong sinabi mo?" Lumapit pa si Daddy sa loob ng boxing ring at huminto sa gilid ng mga lubid. "Ginagawa namin ito para sa'yo! Ang bodyguard mo, ang CCTV, ang striktong pahintulot namin sa'yo at lahat-lahat para lang hindi ka mahulog sa kapahamakan!"
"What's the point of returning home if we always ended up fighting?!" Naluluha na ako nang tinalikuran ko na sila at kumaripas ng takbo palayo sa kanilang lahat.
Bumalik ako sa Lambo ni Jax, nakita ko siyang sumusunod sa akin at pumasok sa loob ng driver's seat. Diretso siyang nagmaneho palayo sa mansyon. Mukhang naintindihan niya na kailangan kong umalis at makatakas sa mapanghusgang tingin ng mga bisita namin.
Nakahalukipkip ako habang nakatitig sa labas ng bintana. Patuloy na tumutulo ang akin luha habang nangangatog ang balikat ko mula sa mga hikbi na kumakawala sa akin.
Namumuo ang akin galit sa sarili ko. Ang daming may mababang tingin sa akin dahil anak mayaman ako at ang magulang ko ang may-ari ng eskwelahan at publishing company, pero hindi nila alam may kapalit itong paghihirap sa akin pagkatao.
Ang bigat at sobrang sakit sa akin damdamin. Pakiramdam ko unti-unti akong nawawasak mula sa kanilang husga sa akin. Sa eskwelahan man o sa tahanan ko, hindi ko matatakasan ang mala-CCTV nilang mga mata.
"There was a man named Jak Daniels, isa siyang reader sa Wattpad at binabasa niya ang pamagat na Last Chapter." Napabaling ako kay Jax na biglang nagsalita habang nagmamaneho ito. "Isang araw, nalaman niyang namatay na ang kanyang paboritong writer at hindi natapos ang kwento na ginawa nito."
"Anong ginagawa mo, Jax?" Pinahid ko ang tumulong luha sa akin pisngi habang nakatingin ako sa kanya.
Lumingon si Jax ng isang segundo sa akin. "Storytelling." Sabay humarap ulit sa daan.
"Iyan ba ang kwento na ginawa mo para sa Wattpad Contest?" Tanong ko habang pinagmamasdan si Jax at napalunok siya.
"It's called Last Chapter." Diretsang sagot niya. "Do you want me to keep going?"
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Fiksi RemajaYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...