MY MOM IS A ROLEPLAYER

2.2K 1 0
                                    

Naliligo ako nang makisuyo ako kay Mama.
"Ma, Pasuyo naman po ng tuwalya sa upuan."

Mga ilang segundo ako nag-antay, ngunit di pala ako narinig ni Mama, dahil busy siya sa pagse-selpon.

"Ma!!!!!!"

Nagulat na lang si Mama sa kinau-upuan nya. At inayos ang salaming suot-suot.

"Baket Babe? Anong nanyare?" Napa-hinto si Mama sa pagsa-salita.
"Ay! Piste! Baket Anak? Anong nanyare?"

Kumunot na lamang ang aking nuo nang mapansin kong naba-balisa si Mama. Ngunit di ko na pinansin pa.

"Pasuyo lang nang tuwalya Ma, Sa upuan."

Dali-dali din namang ini-abot sakin ni Mama.

Mga ilang minuto ay naka-bihis na ako nang biglang mag-pop up ang phone ko.
Isang message ang na recieve mo mula sa ka-RS ko, o sa madaling salita, Karelasyon ko sa RPW. Magi-isang buwan na kaming magka-relayson.

"Babe! Bat ba ang tagal mong maligo naiinis na ko."
Agad naman akong nag-reply.
"sorry na po babe, okay?"

Maya-maya ay tinawag ako ni Mama para alukin nang pagkain. Dahil tanghalian na.

Pag-baba ko sa hagdan ay naka-handa na ang makakain ngunit si Mama ay busy pa ren sa pag-kapit sa kanyang Cellphone.
Naka-upo na ko sa lamesa at kaharap si Mama. Ngunit patuloy pa ren sya sa pag-gamit nito.

Habang ina-antay ko si Mama matapos ay
Nag-chat muna ko sa ka-RS ko.

"Babe, Ka-kain na ko, ikaw den ah?"
"Opo, eatwell po."
"Sige na Ba-bye"

Kasabay nang pag-log-out nang ka-RS ko,
3 seconds ago.
Ay sumabay din ng pagkalapag ni Mama nang phone nya.

©Jiem_Samaco

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon