Chapter 3

16.3K 396 10
                                    

~*

Chapter 3

SAMANTHA

Maaga ulit akong nagising para makapag jogging pero this time hindi na ko pumunta ng park baka kasi magtagpo na naman ang landas namin ng kutong lupa na 'yun at isinusumpa ko talaga na nagkita pa kaming dalawa hanggang sa naging seatmate ko siya. Yung totoo? mukhang malas talaga ang year na 'to para sakin. Mas gugustuhin ko pang mabalik sa isolated na lugar sa likod atleast hindi ko makakatabi sa araw araw na ginawa ng diyos ang lalaking 'yun, buti na lang at may sabado at linggo pa.

Nawiwindang na ako sa mga nangyayari sakin, dati napakasimple ng buhay ko 1st year and 2nd year puro school-bahay, school-bahay ang routine ko araw araw. Walang gaanong pumapansin sakin aside from Ericka atJenny, syempre given na 'yun kasi mga bestfriends ko sila pero this past few days. Hayy ewan!

Bumalik agad ako ng bahay nung napagpawisan na ako at nagsimula ng mag ayos ng sarili para sa pagpasok ko. Habang nasa harapan ako ng salamin ay naisipan kong tanggalin ang eye glasses ko, matagal-tagal ko na rin palang suot 'to. At kung imimake over man ako nila Jenny at Ericka ay hindi ko na magagamit 'to. Kung ako naman ang tatanungin mas gusto ko na ganito na lang ako dahil dito na ako nasanay, bakit naman gusto pa nila akong ayusan para lang matanggap ako ng ibang tao, hindi ba pwedeng tanggapin na lang nila na ganito talaga ako?

xx

Nagsimula na kong maglakad papuntang eskwelahan, pagpasok ko ng room wala pa ang mga bestfriends ko. Medyo maaga pa kasi yun, 30 minutes pa bago magdagsaan ang mga studyante dito sa Academy, dahil wala naman akong magawa nag linis muna ko ng claas room namin at inayos ko na din ang mga upuan. Naisipan ko ding pumunta muna sa tambayan naming mag bebestfriends

Pag dating ko ay sumalubong agad sakin ang preskong hangin at ganda ng mga bulaklak.

"Ang ganda talaga dito"

Sa di kalayuan ng kinatatayuan ko ay nagtaka ako kasi parang may nakita akong kamay. Dahil curious ako ay nilapitan ko 'yun, malay ko ba kung minumulto na pala ako o kaya may bangkay sa lugar na 'to at kamay niya ang nakikita ko.

Kinakabahan akong nilapitan 'yun at nung nasa harapan na niya ako ay nakita ko ang isang lalaki na mahimbing na natutulog sa likuran ng pinto. Napasimangot ako kasi sa lahat ba naman ng pwedeng matulugan ay dito pa niya napili at kulang na lang maglaway siya sa sobrang himbing ng pagkakatulog niya pero infairness gwapo siya.

Biglang nag ring ang school bell at dahil nagulat ako ay natabing ko ang bote ay nahulog siya sa lapag. Dahil sa lakas ng pagkakabasag ay nagising 'yung lalaki na natutulog sa likuran ng pinto. Kung kanina nagagwapuhan na ako habang tulog siya ngayon naman na nagising na siya ay mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Grabe! may lahi ba ang isang 'to?

"Hoy anong ginagawa mo diyan?"

Hindi ako agad nakasagot dahil masyado akong namangha sa taglay na kagwapuhan niya

"Bingi kaba?"

"Ha?"

"Bingi nga!" nakakainis siya

"Hoy hindi ah! narinig ko 'yung sinabi mo"

"Eh bakit ang tagal mong sumagot? hindi ka naman pipi, at saka bakit ganyan ka kung makatingin?"

"Wala ka ng pakialam dun!"

Tumayo na siya at inayos ang uniform niya, "excuse me dadaan ako" sabi niya at automatic naman akong umiwas para makadaan siya. Grabe ang epekto niya sakin dahil lahat ng parte ng katawan ko ay automatic pagdating sa kaniya

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon