KABANATA 1

540 45 60
                                    

Kabanata 1

I was planning to grab a quickie eating earlier and have some window shopping after. But unfortunately...I am still eating here now at Bee Fast-food. Kasalanan talaga 'to nang kainan na ito dahil pinasarap pa nila lalo ang kanilang mga pagkain.

Kaya ito ako ngayon pang tatlong served na ng spaghetti, tatlong large burger, dalawang large coke float at apat na served na sweet and spicy chicken and rice of fully meal.

Malakas na pagdighay naman ang nagawa ko, unexpected iyon. Kaya bahagya akong nahiya. Pero dahil wala akong kahihiyan kaya bahagya lang talaga. Kahit na artista ako, nakakalabas pa rin naman akong mag-isa.

Bakit? Tss.

Natawag naman ng mga katabing estudyante ang atensiyon ko kaya bahagya akong napatingin sa kanila. At dahil malakas ang pandinig ko. Naririnig ko ang mga bulungan nila.

"Hindi ba si Ate Triah iyon?"

"Nasaan? Oo nga, Oh my. Oh my. Tara Janna! Papicture tayo,"

"Naku, nakakahiya naman, mukhang hindi pa tapos si Ate Triah kumain oh, sabi kasi niya sa interview. Na ang pinakaiinisan niyang gawain ng mga fans niya ay ang maabala ang pagkain niya."

"Para kasi kay Ate Triah, food is life kaya ganoon. Kaya huwag na, baka matulad tayo sa isang grupo ng kabataan noong isang linggo na nasaway ni Ate Triah dahil mga wala raw respeto..."

"...nakikitang kumakain siya pero hindi man lang nag-iisip at ginulo lang talaga siya para lang unahin silang daluhan at magpapicture." mahabang paliwanag ng nagngangalang Janna.

May point siya, talagang ayaw ko sa ganoon. Naiimbyerna ako. Nawawala ang poised ko.

"Oo naalala ko nga 'yon, nabalita pa nga iyon sa TV 'di ba? At marami na tuloy nang-bash kay Ate Triah. Eh, witness naman tayo noong araw na iyon na ang mga grupong iyon ang mga walang respeto." pagsang-ayon naman ng kasama niya.

Patuloy pa rin ako sa pagkain, habang kumakain ay patuloy pa rin akong palihim na nakikinig sa kanilang usapan.

Oo na. Ako na tsismosa. Eh ano ngayon? Ako naman ang pinag-uusapan nila. Kaya, okay lang siguro 'yon.

"Baka sa susunod na araw na lang siguro, marami namang pagkakataong makapagpicture tayo kay Ate Triah. At gusto ko rin talaga mayakap siya, kasi feel ko ang lambot-lambot niya. Waaaah."

"I'm sure rin na malambot ang pisngi ni Ate Triah." galak nilang usal.

"Tara na, may pasok pa tayo mamaya, baka mahuli na naman tayo nit-"

"Waiter. Paki-take out rin ng tig-iisang served sa inorder ko. Thanks," sigaw ko naman sa waiter, at saka bahagya akong lumingon sa gawi ng mga babae na sa tantya ko ay mga highschool students pa. Napansin ko naman sa mukha nila ang pagkawala sa sarili.

Nginitian ko naman sila ng matamis at ipinakitang pwede na silang lumapit sa akin. Pero nang napansin kong papaalis sila ay pinigilan ko sila.

"Wait." napahinto naman sila. Kaya imbes na sila ang palalapitin ko ay mas pinili kong ako ang lalapit sa kanila. Sinabihan ko na lang ang waiter na siya na ang bahala sa pinatake out ko, at saka kukunin ko na lang mamaya. Matapos makausap ang waiter ay lumapit na ako sa dalawang batang babae na pinag-uusapan ako kanina.

"Hello," I slightly waved my right hand to them while giving them my smile.

Nahiya sila sa pambungad na pagbati ko sa kanila. Na sa amin naman ang mga mata ng mga tao sa loob nitong fastfood.

"H-Hi A-Ate T-Triah, pasen-sya na po k-kung narinig nin-"

"Hey, sweetie calm down," I chuckled. "I don't bite. Promise." I said jokingly.

Hindi Ordinaryong 'Mataba' Story - COMPLETED (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon