Gradual healing
Louisa POV
Nakatulog ako sa kakaiyak at pagka gising ko ay nakita ko si nikka na nasa salas kausap si mommy. Pinag papaalam pala ako ni nikka kay mommy na mag ikot ikot lng kami doon sa may plaza mag kwekwentuhan lng daw kami at kakain. Nag bihis na ako ng tokong at tshirt. Sinuot ko den ang kwintas na bigay saakin ni Renz. Nag paalam na den ako kay mommy na paalis na kami ni Nikka. Ng makarating na kami sa plaza ay kumain kami sa milktea shop na malapit." Sis, Nabalitaan mo na ba? " Tanong ni nikka.
" Bakit? Ano ba meron?" Sagot ko sakanya.
" May jowa na pala si Christian?! Sinabi lng saakin ni Ariel na kaklasse natin" Sabi ni Nikka.
Hindi naman ako gaano naapektuhan sa balita dahil crush lng naman atsaka mas importante saakin na maging ok ang puso ko sa ngayon. Natatakot pa ako mag mahal lalo na yung huling relationship ko ay ibinigay ko na ang lahat tapos ipag papalit lng den naman pla ako agad. Kasalanan ko din naman na hindi ako nag ingat sa pag bigay ng puso ko.
" At siz, alam mo den ba na sa Intrams magkakaroon ng marriage booth?! gusto mo ba na ikasal kayo ni J" Masayang sabi ni Nikka. Biglang dumating naman si Joy at
"Uy! Nandito pala kayo anong mga balita siz?" Tanong ni Joy.
"Ito siz, si Louisa inaaya ko lng na mag marriage booth sila ni JD." Sagot ni Nikka
" Ay naku Louisa bagay na bagay kayo ni JD talaga" sabi ni Joy.
Na flattered ako sa sinabi ni joy pero ayoko pa mag mahal dahil hindi pa ako ready at yung puso ko takot na masaktan muli. Hindi naman din kase biro mag mahal. Kailangan din na maging handa ka sa lahat ng maaaring mangyari. Gaya nga ng sinabi ni Francisco Baltazar sa florante at laura na " o pag ibig na makapangyarihan,pag pumasok sa pyso ninuman , hahamakin ang lahat masunod ka lamang". Ito yung mga salita na lagi kong binabaon simula pa nung grade 8 ako. Kaya kung mahal mo talaga yung isang tao eh handa ka. handa ka masaktan, handa ka mahalin yung mga flaws niya, handa ka ipaglaban yung pag mamahal mo para sakanya. Kaya siguro sa ngayon, enjoy ko muna maging single . Hahantayin ko yung taong mamahalin ako ng totoo at mapapasabi akong. "Handa akong mahalin toh kahit anong mangyari at ipag lalaban den ang pag mamahal niya saakin".
"Uy gurl natulala ka ata ? Ano iniisip mo?" Tanong ni Nikka.
" Ay sorry iniisp ko lng naman kung handa na nga ba ako mag mahal muli at kung kaya na ba ng puso ko" sagot ko.
" Gusto niyo ba mag hang out tayo sa Circle park?" Tanong ni Joy.
" Sige tara , para naman makapag muni muni tong si Louisa" sagot ni Nikka.
Nag lakad kami mula plaza papunta sa Circle Park na may layong 1 kilometro. Habang nag lalakad kami ay nag kwekwento si Nikka ng mga balibalita pa tungkol sa mga ka batch namin.
" Joy, kilala mo ba si Elaiza ? Yung taga ABM A? " Tanong ni Nikka.
" Ah oo, Bakit anong meron sakanya?" Sabi ni Joy.
" Galing sila ng Coron last October kasama niya yung taga stem D ata yun or F pinsan ata niya di ko sure eh. Pero grabe , nilibre sila ng pamasahe papunta doon ng may ari ng resto malapit sa school" sabi ni Nikka.
" Wow, kamag anak pala niya yun? Naalala ko nung nakita ko yung invitation niya doon sa may labas ng room nila tinignan ko grabe ang yaman siguro nila ang elegante ng debut niya eh. " Sabi ko.
" Di naman sila ganun ka yaman, May kaya lng. Siguro dahil may ari ng resto yung kamag anak niya eh baka binigay na yun as gift sakanya" sabi ni Joy.
YOU ARE READING
The Broken Love
RomanceLouisa, a grade 12 student desperate to move on from her broken heart. wishing the pain to be gone