W A L L A C E ' s POV
"Anong gagawin ko dito?" nagtatakhang tanong ko habang luminga-linga sa paligid. Madaming pirata na nakakatakot ang hitsura. Ni hindi nga nila ako magawang pansinin.
"Tumalon ka ulit kung gusto mo." pamimilosopo niya at tinignan ko siya ng masama.
"Nagtatanong ako dito ng matino, aba matuto ka ding sumagot ng matino."naiinis kong singhal at nakita ko kung paano tumalim ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
"estúpida" (idiot.) she fired back and once again she rolled her eyes. Aba,konti lang naman yung alam ko sa pandayuhang lenggwahe na sinasambit niya. Wag niya akong maestupida-estupida. Kumukulo yung dugo ko sa babaeng 'to.
"Kailangan mong isipin sa sarili mo ang nag-iisang mala-gintong panuntunan. Tomate tu independencia, no creas en tu corazón." (Be independent-minded,don't let your heart believe.) agad naman na kumunot ang aking noo sa ipinagdadakdak niya.
Akmang magtatanong pa sana ako nang may biglang dumating na babae na matangkad. Short black hair,hazel eyes,perfect beauty angle. Mukhang mala-suplada din ang aura niya.
"Oye, vamos hacia el oeste." (Hey,we are now heading to west.) tugon niya at napatango naman ang malditang pirata na nasa tabi ko. Napatingin sa akin ang babae and she smirked.
"Newve, ¿verdad?"(Newbie,isn't it?) nako,gulong-gulo na yung utak ko sa lenggwahe nila,jusko.
"Sí, pero no entiende de qué estamos hablando."(He is. But he cannot understand what are we saying though.) sagot naman ng malditang pirata na nasa tabi ko. Aba,matino naman kausap,hindi nagmamaldita ah.
"Zarnaih Yenah,ikaw?" saad ng babae at halos ikinagulat ko na nakalahad ang kamay niya sa akin.
"U-uh,Wallace Mark." sagot ko at agad kong tinanggap ang paglalahad ng kamay niya.
"Kung hindi ako nagkakamali,marahil ay magkakilala na kayo ni Ximena." singhal niya at saka ko lang na-realize na ang kasama kong malditang pirata ay si Ximena.
Their names are unique. Lahat ng pangalan nila ay talagang kakaiba. Like,wow. Wala na akong naisagot kundi ang tumango saka ngumiti. Pero hindi siya ngumiti pabalik. Sabi na nga ba,hindi uso ang masayahing tao dito.
"¿Dónde está el mapa?" (Stop that,where is the map?) sabat ni malditang pirata na si Ximena.
Sumipol si Zarnaih at nagsilapitan sa kaniya ang mga lalaking naglalakihang katawan. Grabe. Lahat naman 'ata dito ay ang lalaki ng katawan.
"¡Traigan el mapa!" (Get the map,hurry up!) pag-uutos ni Zarnaih at mabilis pa sa alas-kwatro na nagsialisan ang mga lalakeng 'yon.
"'Bat ka narito?" tanong sa akin ni Zarnaih kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Ano kasi—"
"Muntik na siyang magpakamatay ngunit agad ko siyang nakita kaya naman ipinag-utos ko na kunin siya." nagsalubong ang kilay ko nang sumabat si Ximena. Tinignan ko siya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ikaw ba tinatanong?" naiinis kong bulong pero may naramdaman akong matatalim na titig na nakatingin sa akin.
"Alam mo ba ang lasa ng mga pako? Baka naman gusto mong matikman." taas kilay niyang pagbabanta sa akin at higit sa lahat,hinding-hindi niya kakalimutan ang famous rolled eyes niya.

BINABASA MO ANG
Bewildered Pirate
FanfictionWallace had a pretty joyful life before. After being heartbroken and broken by both his girlfriend and parents,Wallace moves to a mysterious place just to moved on and forget his pretty rough life. Wallace finds himself in the middle of a world he d...