Halos lumuwa na ang mata ni Cassidy sa nalaman niya. Samantalang ang binata ay prenteng nakaupo sa swivel chair nito habang walang emosyong nakatingin sa kanya. Si Sienna naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Hindi rin alam ni Sienna kung bakit ganun na lamang ang sagot ng binata. Hindi man lang siya binigyan ng abiso o hindi man lang siya hinayaan na magpaliwanag sa manager.
"For real?! For fvcking real baby sie! Is that true?!" Sa wakas ay nakapagsalita na rin ang manager niyang gulat na gulat sa nalaman.
"Y-yes, miss cass" kabadong sagot niya sabay napakagat sa pang-ibabang labi niya.
Bigla namang tumayo ang binata at prenteng naglakad patungo sa kanya sabay inakbayan siya. Napatingin na lamang siya dito at parang may kakaibang kuryenteng dumaloy ng lumapat ang braso nito sa balikat niya.
"I'm sorry to shock you but, we're getting married. And..... we do it this coming week, right my wife?" Sabay tingin sa kanya nito ng malamlam.
Tila nagbago ang expression ng binata na galing sa walang expression ngayon ay malamlam ito at may halong lambing. Mas lumakas naman ang kabog ng dibdib niya at napalunok na lamang siya ng laway habang nakatitig sa binata.
"What?! This coming week?! Why? I mean, why my baby Sie?" Nagtatakang tanong ni Cassidy sa kanila.
"It's simple" saad ng binata sabay tinignan siya sa mata at ngumiti.
Nabigla naman siya sa pagngiti ng binata dahil for the first time na nagkakilala sila ay ngayon lamang ito ngumiti ng ganoon. Para bang may ibig sabihin ng ngiti nayon. Hindi nakakatakot na ngiti bagkus may paglalambing at totoong ngiti.
"Why simple? And hey! Why are you touching my baby?!" Saad ni Cassidy sabay hinila siya papalayo kay Mikhail.
Wala naman siyang nagawa kundi magpatangay na lamang sa paghila ng kanyang manager at napatungo. Natameme na lamang si Sienna sa nangyayari dahil hindi niya mahanap ang tamang salita para bumuka ang bibig niya. At alam niya, sa mga oras na ito, pulang pula na siya.
"Because I like her" seryosong saad ng binata na nagpatingala sa kanya at napatitig dito.
Maging ang manager niya ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Mikhail dahil nga kilala itong papalit palit ng babae. Kapag nagsawa na siya, papalitan na niya. In other words, womanizer.
"Se-se-seryoso ka diyan?! You like my baby sie!" Saad ni Cassidy at naghugis bilog ang labi sabay tumingin sa kanya.
Napatungo na lamang ulit siya dahil hindi niya alam ang gagawin o kung anong reaksyon ang mamumutawi sa Sistema niya. Matutuwa ba siya o wala lang o baka naman palusot lang ito ng binata upang makalusot silang dalawa sa manager niya. Oo, ayun na nga, gumagawa lang ito ng rason upang makalusot sila pareho sa manager niya.
"Owemgeeeeee!!! My babyyyyyyyy!" Sabay yakap sa kanya ng manager niya.
Nagulat naman siya sa inakto nito at napatingin sa binata. Sinenyasan naman siya ng binata na yakapin ito pabalik kaya ginawa na lang niya.
"Hayts, my babyyyyyyyy. Okay fine, if that's the case, then, I will be happy for both of you, and oh! Mr. Miller, don't you dare to hurt my baby or else...." sabi ni Cassidy habang may pagbabanta sa boses nito. "And by the way, about the news. It's true, isn't it? Because like what you said earlier that you two will marry each other this coming week." May pagkukumpirmang saad ni Cassidy na ikinatango naman ni Mikhail.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...