4:34 A.M.

16 1 0
                                    

Levi's POV
Sumulyap ako sa digital clock ng kwarto ko. Pinakita nitong 9:00 pm na. Nagmamadali kong tinapos ang pagsisintas ng sapatos ko. Mabilisan din akong tumingin sa salamin at hinawi ang buhok para mag mukhang maayos.

Mabilis akong lumabas ng kwarto "Ma! Alis na 'ko!" Sigaw ko at diretsong lumabas ng bahay.

"Mag ingat ka!" Sigaw ni Mama mula sa kusina.

Sumampa ako sa motor at sinuot ang helmet. Sa pag padyak ko ay tumunog na ang makina at nagsimula nang mag drive paalis.

—————

Bumungad sa akin ang malawak na stage. Marami nang taong nakapila sa labas. Nag park na ako ng motor kanina sa pribadong parking lot ng event's area.

Nakita ko ang dulo ng pila at pinilahan iyon. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 10:00 pm na.

Napalingon ako dahil may tumapik sa likod ko.

"Eto ba yung dulo ng pila para sa entrance nung concert?" Mahinhing tanong ng isang babae.

Napatingin ako sa suot niya. Naka dress siya pero naka converse na highcut. Mahaba ang buhok niya at meron pa siyang clip sa buhok. I'm a little bit amused sa suot nya kasi halos lahat ng makikita mong tao dito ay pormadong pormado. Mag-isa ba siya?

"Uhm... Oo." Sagot ko.

"May mga kasama ka ba? Baka kasi isipin ng mga kasama mo siningitan ko sila" Tawa niya. Shit. Ang cute nung tawa niya, bakit ganon?

"W-wala. Wala akong kasama" Sagot ko ulit. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Maganda siya kahit naka dress at converse lang siya.

"Ahh talaga?! Mag-isa din ako! Tamang tama! Pwede ba kitang concert buddy for tonight?" Ngiti niya

Nanlaki ang mata ko. Hindi nga ako sanay makihalubilo sa ibang tao! Ehh sa babae pa kaya?! Sanay akong mag-isa pag umaattend ng mga concert. Hindi ko inexpect na may makakausap ako ngayon.

"Pwede ba?" Tanong niya ulit. Ngayon ay halos magkasalubong ang kilay.

Masyado ata napatagal ang titig ko sa kanya kaya tinanong niya ulit.

"A-Ahh... Okay naman. P-pwede naman" Sagot ko.

Tangina Levi! Sasagot ka lang ba nang sasagot sa tanong niya?! Hindi ka ba mag oopen ng panibagong topic?!

Nilabas niya ang cellphone niya at inangat.

"Selfie tayo!" Sabi niya. Ngumiti siya nang malawak. Napatingin ako sa kanya dahil sa hindi parin ako makapaniwalang may kumakausap sa akin ngayon.

Biglang tumunog ang shutter ng cellphone niya kaya nagulat ako. Hindi ako ready!

Binaba niya ang cellphone niya para tignan ang picture. Nakita ko rin yung picture nang tinignan nya rin.

Nakangiti siya sa camera samantalang ako ay nakatitig sa kanya. Shit.

Tumawa siya "Hindi ka naman nakatingin!"

'Yan na naman yung tawa niya.

"Sige okay lang 'yan. Mag picture tayo ulit mamaya sa loob ng concert" Sabi niya at tinago na ang cellphone sa bag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

4:34 A.M. (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon