Mahirap maghintay sa wala,
pero mas mahirap maghintay sa parang meron.Yan yung motto ko sa buhay ko, kasi lahat naman magbabago, lahat mangiiwan, at lahat may limitation. Be practical hindi lahat ng kasama mo, ay makakasama mo palagi. Lahat mangiiwan din kapag dumating na ang oras, at importante kalang sakanila kapag nawala ka.
Ganon naman kasi, bakit mo ikukulong yung sarili mo sa ideyang 'Lahat ay mananatili' eh sa reyalidad nga bilang lang yung mga taong nasa tabi mo palagi.
Wala naman kasing permanente sa mundo, minsan yung mga bagay na akala mong magpapasaya na sayo, yun pala yung bagay na panibagong lesson nanaman sa buhay mo. Kaya nakakatakot magtiwala.
Pero kung may puso kang pasaway? mahihirapan ka, kasi sabi nga ng karma, Kahit gaanong sakit pa yung ipadama sayo ng isang tao kung mahal mo? mamahalin molang. Kase yun lang nman yung trabaho mo sa mundo eh, ang magmahal. magmahal ng kaibigan, magmahal ng pamilya, o mapabilang sa isang relasyon.
Pero yung sarili mo, napagiiwanan. Minsan yung pagmamahal na binibigay mo sa isang tao sobra sobra na kaya kapag nasaktan ka? masakit na masakit. Pero mahirap din ang naghihintay sa wala, kase umaasa kang may babalik pero naiwan kana pala, ewan ko kung ano konek nyan sa pinagsasasabi ko pero share ko lang.
Pero siguro mas mahirap padin ung naghihintay ka sa parang meron? yung feel na feel mo na ung presence nya, akala mo special ka, kaya nung nawala todo hintay ka. Tapos bigla mo nalang malalaman na Softcopy kalang pala? Like..ang hirap maging softcopy sobra.
Yung feel na feel mo na sobrang special ka? kaya akala mo iba ung paraan ng pagtrato nya sayo pero mas masaklap yung nalaman mo na may may Nauna pa pala sayo, tapos nalaman mo pa yun mismo sa ibang tao. Kung iisipin mo wala naman talagang may kasalanan sa kasong yun. Pero yung mararamdaman mo na parang ikaw yung kontrabida sa storya nilang dalawa?
Yung akala mo special kana sa lagay mong yun pero ang totoo wala pa yun sa kalingkinan ng nauna sayo, kaya wala kang magawa kasi nga! ikaw yung nagsisilbing kontrabida sakanilang dalawa. Alam mo yun?
Yung tipong sila yung libro tapos isa kalang sa mga kabanata ngunit hindi pala ikaw yung mismong nilalaman ng istorya