Chapter 1
"Mirror. Mirror on the wall whose the fairest of them all"
"Ikaw pa rin Parody ang pinakamagandang babaeng lagalag sa ibabaw ng inner core ng planetang Earth..."
KRAKkk!!!
Gumuhit ng walang pakundangan ang isang lamat hanggang sa unti-unti itong kumalat ng ganoon nalang kabilis sa surface area ng salamin till it burst sa mukha ni Parody. Sumabog ang walang sintatalim na bubog sa mukha niya.
"Hinde!" Napasigaw siya at napabangon sa pagkakatulog. She immediately touch her face kung may damage. Naramdaman niya na may kung anong magagaspang na nakabaon yata sa pisngi niya, kinabahan siya!
Tuluyan na siyang bumangon sa kama. Dali-daling tinungo ang banyo at hinarap ang sarili sa salaming nasa itaas na bahagi ng lababo. At doo'y namalas ang kagandang ang nanay niya lang ang makaka-appreciate.
Wala namang nagkalat at bumaong mga basag na salamin sa mukha niya. It was her pimples na decades na ring gumawa ng family tree all over her face. Napabuntong hininga siya, panaginip lang ang pagiging mukhang Angel Locsin mixed with Marian Rivera peg combine with Anne Curtis looks finalize with Solenn Heusaff aura. The reality is in her front.
Tadtad ng pimples hierarchy ang pisngi at noo, her nose was not perfect as Angelie Jolie but we can grade it seven out of ten but her lips was a xerox copy ng sa artistang ito pero na foreshadow pa rin iyon ng mga negativity sa mukha niya. Chinita nga siya na maituturing kay kapal naman ng kilay na hiniram yata sa not so sikat ng artistang crush noon ng author nito, si Danilo Barrios.
At kung sponsoran ng mga Araneta at ni Cory Quirino ay malamang magkaroon ng pageant sina Betty La Fea, Bakekang at Eya malamang humakot awards siya sa mga minor prizes kasama ang korona. She will home the title of Ms. Universe-Halloween edition.
Naghilamos nalang siya pagkatapos at pasalampak na muling humiga sa kama. Pero after that hindi na siya nakatulog ng maayos. Kahit anong posisyon ang gawin niya sa kama. Wala pa rin siyang nagawa, may kung anong kumukulit sa kokote niya. Hindi siya makatulog.
Napaisip si Parody next week was her 25th birthday isa siya sa mga dumadaming populasyon ng mga babaeng NBSB, na sa kanyang hypothesis isa marahil sa mga factor ang pagdami na rin ng mga kamag-anak ni Vice Ganda at Bb Gandang Hari na nagbabalat kayo sa gym at nagtatago sa mga six packs abs.
Sa totoo lang may maidahilan lang siya sa sarili niya, ayaw niyang tanggapin ang totoong dahilan, she knew the main reason is kaya wala pa rin siyang boyfriend, ano kailangan ko pa bang ituloy? litaw naman sa mga unang description, hindi pa rin gets? Okay repeat from the top.
...and that's because of her not so gorgeous face.
Pero hindi pa rin siya sumusuko. She believe in everlasting love, sa mga fairytale noong childhood niya, kay Beauty and the Beast na kahit na sakabila ng digital age ngayon, it do really exist, she still have faith sa salitang forever, sa happy ending sa kabila ng kanyang "kagandahang" taglay.
In her mind hindi naman siguro magagawa, bubuuin at icocoined ng mga pilosopong pinaniniwalan din natin na sila ring nag-imbento ng kung ano-ano kung hindi naman talaga totoo ang salitang "forever". Eh kung hindi ito totoo bakit pa ito nakatala sa mga dictionary ng Merriam at Oxford with proper pronunciation at meaning pa nga. Kaya malakas ang pananalig niya dito, forever.
"CARMELA!!! " bulyaw ni Parody sa kanyang sekretarya. Pagkagising niya kasi badtrip pa rin siya sa bangungot na gumambala sa kanya sanang beauty rest. Nag-usbungan tuloy ang apat na tigyawat, ang lalo pang nakadagdag sa iritasyon niya mga kambal pa!
So she's Parody, the owner of advertising agency na madalas magpadala ng mga class A talents sa mga commercial, movie at TV projects ang The Vulnerable. Sa mapanuring mata niya subtract her face, dumadaan ang quality check ng mga talents na sumisikat bilang top endorsers sa industriya na kalaunan ay nagiging artista at sa hindi na ring rare na pagkakataon napapasabak sa politika.
Sa kabila ng hindi matagong kapangitan niya panlabas pati na rin loob. Yes you read it right! Pati panloob na katangian, kasusuklaman sa ugali rin si Parody, mahihiya ang bida kontrabidang si Ruby sa ugali niya. For the record na she surrounds her company with beautiful and handsome employees para ipower trip at sigaw-sigawan lang para ma-uplift niya ang sarili at maboost ang confident niya. I'm the boss ika nga niya--a terror boss!
BINABASA MO ANG
Wala n b talagang 4ever?
RomanceIn her mind hindi naman siguro magagawa, bubuuin at icocoined ng mga pilosopong pinaniniwalan din natin na sila ring nag-imbento ng kung ano-ano kung hindi naman talaga totoo ang salitang "forever". Eh kung hindi ito totoo bakit pa ito nakatala sa m...